28/08/2026
𝗠𝗴𝗮 𝗸𝗮-𝗧𝗡𝗞, 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗻’𝘆𝗼 𝗯𝗮 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗲𝘀𝗽𝗲𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗔𝗦𝗘𝗔𝗡?
Dahil tuwing Agosto 8, ipinagdiriwang natin ang pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN. Sa Pilipinas naman, itinalaga ang buong buwan ng Agosto bilang ASEAN Month sa bisa ng Presidential Proclamation No. 282, s. 2017.
Ngayong 2026, higit na makahulugan ang mga paggunita nito dahil Pilipinas ang ASEAN Chair. Sa ating pamumuno ngayong taon, may mahalagang papel ang ating bansa sa paghubog ng mga usapin, prayoridad, at pagtutulungan ng mga bansang kasapi nito, kabilang ang pagsusulong natin ng gender equality at women empowerment.
Sa pamamagitan ng regional cooperation, maaaring mapalakas ang partisipasyon at pamumuno ng kababaihan at maisulong ang mga patakaran at inisyatibang tumutugon sa kanilang mga pangangailangan at karapatan—tungo sa isang mas inklusibo, matatag, at gender-responsive na ASEAN.
Pero ano nga ba ang ibig sabihin nito para sa ating mga Pilipino? At paano ito maaaring makaapekto sa buhay ng mga kababaihan?
Alamin natin sa episode ngayong hapon na pinamagatang “Steering Gender Equality in the Region: The Philippines in ASEAN,” kasama sina Senior GAD Specialist Janssen Micah Fajardo at GAD Specialist II Rya Marshanel Anastacio ng Philippine Commission on Women.
Makinig, manood, at makiisa sa talakayan!
Dito lang sa !
🗓️ Biyernes | ⏰ 1:00–2:00 PM
📻 Radyo Magasin 1278 AM, Capital 104.3 FM, PBS Receiver App
📱 Facebook Live: PCW, Radyo Magasin, at Capital 104.3 FM
:
🗓️ Sabado | ⏰ 12:00–1:00 PM
📻 Radyo Pilipinas Radyo Publiko 738 AM
📺 TV Plus Channel 3 | Affordabox Channels 45–49