31/07/2025
Halina't simulan natin sa pagtakbo ang pagbubukas ng Linggo ng Kabataan 2025: Kabataan, TAKBO PARA SA KALUSUGAN!
Ang Municipality of Baras, Rizal sa pamamagitan ng Baras Municipal Youth Development Council at Baras SK Federations ay nag-aanyaya sa Kabataan, Takbo para sa Kalusugan na gaganapin sa ika-2 ng Agosto, sa ganap na ika-3 ng Hapon at magsisimula sa Evangelista Covered Court at magtatapos sa Baras Municipal Hall Plaza. Pagkatapos ng pagtakbo ay makisaya para sa isang Zumba Foam Party!
Inaanyayahan ang lahat ng makikilahok na mangyaring magsuot ng Kulay Puting damit.
Syempre, hindi natatapos lang sa pagtakbo at pa-zumba, may papremyo rin!
Para sa ating Fun Run:
1st Prize: P 5,000.00
2nd Prize: P 3,000.00
3rd Prize: 2,000.00
at para naman sa ating Zumba Foam Party, maari kayong manalo ng iba't ibang papremyo sa pamamagitan ng Raffle draw!
Kaya't ano pang hinihintay mo, Sali na! Takbo na!
Ang programang ito ay bukas para sa lahat ng .
Para sa ibang detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong mga SK Officials o mangyaring i-message ang FB Page na ito o hanapin si Mrs. Cess Vallestero, LYDO Focal Person.
: Kaagapay sa Kaunlaran!
Kayang kaya kung tayo ay sama-sama! W***y CaRes!