10/10/2026
π’ UPDATE SA MANILA WATER
Magandang araw po sa lahat ng residente ng Southville 9, Phase 4.
Sa ngayon, wala pa pong natatanggap na Customer Account Number (CAN) ang ating tanggapan mula sa Manila Water. Ang huling update po ay makikipagpulong ang responsableng personnel ng Manila Water sa ating pamunuan upang maipaliwanag ang kanilang plano para sa Phase 4.
Bakit Phase 4 na lamang ang wala pang tubig?
Totoo po na Phase 4 na lamang ang naghihintay sa kasalukuyang pagkakasunod-sunod ng pagkakabit. Nakalinya po tayo pagkatapos ng Phase 3.
Bakit may bahagi na ng Phase 5 na nagkaroon na ng tubig?
Ang bahaging nakabitan na sa Phase 5 ay malapit sa Phase 2, sa may court area. Ito po ang bahaging napagtuunan na ng pagkakabit.
Paalala sa ating mga residente: Kagaya po ninyo, ang mga HOA officers ay naghihintay din ng opisyal na update mula sa pamunuan ng Manila Water na nakatalaga sa ating lugar. Hindi po kontrolado ng HOA ang iskedyul at operasyon ng Manila Water.
Nakarating din po sa ating pamunuan ang pahayag na hindi raw nakikipag-ugnayan ang HOA officers sa contractor. Nais po naming linawin na mula noong unang sumama ang mga officers sa contractor para sa pagkakabit ng metro, wala na pong lumalapit sa ating mga officers upang humingi ng assistance kaugnay ng kanilang mga gawain.
Hinihiling po namin ang pang-unawa at pakikiisa ng bawat isa. Nauunawaan po namin ang inyong pag-aalala at hirap sa kawalan ng tubig, ngunit mangyaring huwag ibunton sa mga HOA officers ang galit at pagkadismaya. Patuloy din po kaming naghihintay ng malinaw na sagot at aksyon mula sa Manila Water.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. Please be guided accordingly.