17/10/2024
DSWD PRESS RELEASE: Prayoridad na mapabilang sa SLP mga benepisyaryo ng 4Ps, nilinaw ng DSWD
Binigyang linaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tinitingnan ng ahensya ang pangkabuuang sitwasyon ng bawat benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang matukoy at mabigyan ito ng tamang tulong at serbisyo.
Sa ginanap na ika-anim na episode ng ‘4Ps Fastbreak’ nitong Miyerkules (October 16) sinabi ni 4Ps Social Marketing Division Chief (DC) Marie Grace Ponce, “kasama doon sa holistic approach na ginagawa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay ang pagtingin din na mabigyan ng livelihood yung ating mga beneficiaries.”
Tingnan ang comments section para sa buong detalye.
❤