Edgardo "Boy" Tagum

Edgardo "Boy" Tagum 3-Term Mun. Councilor. Most Outstanding Councilor of Pangasinan,DILG 2015. Former PCL Board Member.

This page is managed by Kuya Boy supporters & is not an official account. It is created out of admiration & support for his public service and leadership.

09/05/2025

Our hearts go out to everyone affected by the fire sa Basista Public Market.
Ipagdasal natin ang mga pamilyang naapektuhan—mga tindero, tindera, at negosyanteng nawalan ng kabuhayan.
Nawa’y matagpuan nila ang lakas, ginhawa, at pag-asa sa gitna ng trahedyang ito.

Hindi kayo nag-iisa—kasama ninyo kami sa panalangin at pagdamay.

08/05/2025

Sino si Edgardo “Boy” Tagum?

Hindi lang siya politiko. Siya’y isang ama, asawa, anak ng Basista — at isang lingkod-bayan na may pusong tunay.

✔ Anak ni dating Konsehal Santos Tagum Sr, lumaki sa Basista, at nag-aral sa Basista Central School.
✔ Dating seminarista at AB Philosophy graduate — lumaki sa disiplina, pananampalataya, at paninindigan.
✔ Licensed Teacher at Education graduate — naniniwala sa edukasyon bilang susi ng pagbabago.
✔ Three-termer na konsehal
✔ Kauna-unahang ginawaran ng Most Outstanding Councilor mula sa Basista.
✔ Kauna-unahang opisyal ng Philippine Councilor’s League - Pangasinan Chapter mula sa Basista.
✔ Isang mapagmahal na asawa at ama ng limang anak, at ang pamilya niya ang inspirasyon sa kanyang paglilingkod.

Si Boy Tagum ay Hindi perpekto, pero siya’y may malasakit, karanasan, at pusong handang maglingkod.

EDGARDO “BOY” TAGUM para sa BISE ALKALDE ng BASISTA!

Hindi lang karapat-dapat — kundi taong pinagkakatiwalaan.

“Para sa bawat pamilya, isang boto ng pangangalaga.”Sa bawat tahanan, ang kalusugan ang pundasyon ng masayang pamumuhay....
07/05/2025

“Para sa bawat pamilya, isang boto ng pangangalaga.”

Sa bawat tahanan, ang kalusugan ang pundasyon ng masayang pamumuhay.
Alam ito ni Kuya Boy Tagum—kaya sa kanyang panunungkulan, isinusulong niya ang programang tututok sa serbisyong medikal na abot-kamay para sa lahat.

Dahil ang isang lider na may malasakit, inuuna ang kapakanan ng bawat mamamayan.

Isinusulong ni Kuya Boy Tagum ang mga konkretong hakbang tungo sa mas malusog na Basista:

✅ Libreng blood monitoring at blood letting – upang maagapan ang anumang sakit
✅ Libreng medical at dental check-up – dahil ang ngiti at sigla ay kayamanang dapat pangalagaan
✅ Palaging may available na gamot sa Barangay Health Centers – para sa agarang lunas at patuloy na ginhawa
✅ Mas aktibong health missions sa bawat barangay – para ang serbisyo ay hindi na kailangang puntahan, ito na mismo ang lalapit sa inyo

Hindi ito pangako lang—ito ay konkretong plano para sa mas malakas na mamamayan at mas matatag na bayan.

Sa darating na halalan, piliin ang lider na tunay na may malasakit sa ating kalusugan.

Piliin si Kuya Boy Tagum para Vice Mayor.





“Para kay Lolo at Lola, isang boto ng malasakit.”Tahimik man silang tumatanda, ramdam pa rin natin ang bigat ng kanilang...
07/05/2025

“Para kay Lolo at Lola, isang boto ng malasakit.”

Tahimik man silang tumatanda, ramdam pa rin natin ang bigat ng kanilang sakripisyo.
Sila ang nag-alaga sa atin noon, nagbigay ng payo, gumabay sa bawat hakbang—at kahit sila'y ngayo’y humihina, nananatili silang matatag sa ating mga alaala’t puso.

Ngayon, panahon na para tayo naman ang magmalasakit.

Sa darating na halalan, isinusulong ni Kuya Boy Tagum ang mga programang tunay na alay para sa ating mga mahal na Senior Citizens:

✅ Libreng medical check-up – para sa kalusugang hindi kailangang ipagsawalang-bahala
✅ Libreng gamot – dahil ang lunas ay karapatan, hindi pribilehiyo
✅ Karagdagang benepisyo at tulong – para sa mas maginhawang pagtanda
✅ Cake tuwing kaarawan – maliit na regalo, pero malaking paalala na sila'y mahalaga pa rin

Hindi lang ito pangako—ito'y paninindigan.
Dahil ang tunay na lider, marunong lumingon sa pinanggalingan.

Sa isang boto, maipaparamdam natin sa kanila:
“Hindi po kayo nakakalimutan.”

Piliin ang lider na may pusong para sa nakatatanda.
Piliin si Kuya Boy Tagum.





𝘼𝙇𝘼𝙈 𝙉𝙄𝙔𝙊 𝘽𝘼?Isa sa mga ipinagmamalaking legasiya ni Edgardo “Boy” Tagum ay ang pagpapatayo ng 𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚-𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐜𝐞𝐥𝐥 𝐬𝐢𝐭𝐞 𝐭...
06/05/2025

𝘼𝙇𝘼𝙈 𝙉𝙄𝙔𝙊 𝘽𝘼?

Isa sa mga ipinagmamalaking legasiya ni Edgardo “Boy” Tagum ay ang pagpapatayo ng 𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚-𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐜𝐞𝐥𝐥 𝐬𝐢𝐭𝐞 𝐭𝐨𝐰𝐞𝐫 sa bayan ng Basista. Ito ngayon ay pinapakinabangan ng libu-libong residente, lalo na sa panahon ngayon kung saan ang internet ay essential para sa Work From Home, Online Classes, Research At Pagconnect sa mga kamaganak at Kaibigan sa ibang lugar.

Dahil rito, nagawaran si Kuya Boy bilang "𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋𝐎𝐑" in Pangasinan at siya rin ang naging kauna-unahang naging 𝐎𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧e 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫'𝐬 𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞 sa Bayan ng Basista.

Councilor pa lang si Kuya Boy non ay malalaking proyekto na ang kaniyang nagawa, paano pa kaya pag siya na ang maging Vice Mayor ng Bayan ng Basista. 😇

Address

Poblacion
Basista
2422

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Edgardo "Boy" Tagum posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category