27/08/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ซ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง
Matagumpay na idinaos ng Sangguniang Bayan ng Basud ang ika-60 Regular na Sesyon noong Agosto 24, 2026, sa Aklatan ng Bayan, sa pangunguna ni Kgg. Pablo R. Ablaneda bilang Pansamantalang Tagapangulo. Tinalakay at inaksyunan sa sesyon ang mahahalagang kahilingan, komunikasyon, ulat ng mga komite, panukalang ordinansa, at iba pang usaping may kaugnayan sa pamamahala ng bayan.
Kabilang sa mahahalagang hakbang na isinagawa ang mga sumusunod:
โ
Ipinagkaloob ang mga Sertipiko ng Pagkilala sa mga kabataang naging counterpart ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan at aktibong lumahok sa mga gawain at aktibidad para sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.
โ
Isinangguni sa kaukulang komite ang Revised Revenue Code ng Bayan ng Basud para sa pagsusuri at pagtalakay.
โ
Pinagtibay ang Kapasyahan na humihiling ng pinansyal at teknikal na tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte para sa konstruksyon at pagkokonkreto ng dalawang (2) kilometro na access road patungo sa Basud Integrated Solid Waste Management Facility sa Barangay Binatagan.
โ
Pinagtibay ang pag-endorso sa Punong Ehekutibong Lokal ng kahilingan para sa espesyal na pahintulot sa pagsasagawa ng sabong tuwing Martes, Miyerkules, at Sabado sa buwan ng Setyembre 2026, alinsunod sa umiiral na mga ordinansa at naaangkop na batas at regulasyon.
โ
Pinagtibay ang mga kapasyahang nagbibigay-pahintulot sa Punong Bayan na lumagda sa mga Memorandum ng Pagkakaunawaan (MOU) kasama ang Department of Agrarian Reform Provincial Office of Camarines Norte (DARPO) at Camarines Norte Federation of Cooperatives (CANOFECO) para sa pagpapalakas ng kilusang kooperatiba at pagsusulong ng mga oportunidad pang-ekonomiya.
โ
Inaprubahan para sa layunin ng pagsusuri ang mga kaugnay na rebisyon sa Taunang Programa sa Pamumuhunan at Taunang Badyet ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Bactas, kabilang ang halagang โฑ22,694.50, matapos mapatunayang naaayon sa umiiral na mga batas at alituntunin.
โ
Isinailalim sa karagdagang pag-aaral ang panukalang ordinansa para sa pagtatatag ng Real Property Tax System ng Bayan ng Basud upang maisama ang mga mungkahing rebisyon at karagdagang probisyon mula sa mga resource persons.
โ
Isinailalim din sa karagdagang pag-aaral ang panukalang Municipal Awards System at Laging Handa Incentives and Awards System upang malinaw na maiugnay ito sa umiiral na ordinansa at maiwasan ang pag-uulit o kalituhan sa mga probisyon.
Patuloy na ginagampanan ng Sangguniang Bayan ng Basud ang tungkulin nitong magsuri, makinig, at magpatibay ng mga panukala at kapasyahang naglalayong tumugon sa mga pangangailangan ng mamamayan at magsulong ng maayos, responsable, at makabuluhang pamamahala para sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng Basud.