26/04/2025
ANG PAGTUGON NI NOEL PARDO SA MAS MAHALAGANG TUNGKULIN PARA SA MENTAL HEALTH, NAKASALALAY SA BOTO NG MGA TAGA SEGUNDO DISTRITO.
Noong nakaraang eleksyon, nabigo si Noel Pardo na manalo sa pagka board member ng 2nd district ng Camarines Norte. Baon niya noon ang mga adbokasiya para sa mental health. Inakala niyang hindi talaga yata ito para sa kanya sa kabila ng napakalinis niyang track record mula nang siya ay magtrabaho sa gobyerno.
Nagtungo siya sa abroad para sana sa mapayapang buhay, subalit hinahanap-hanap naman siya ng mga tao, lalo na ng mga natutulungan niya sa Neuropsychological Testing. Mula kasi nang siya ay umalis, kinakailangan pang lumuwas ng Camarines Norte ng mga nangangailangan ng naturang eksaminasyon.
Dahil dito, nagpasiya syang bumalik para matulungan ang mga taong nangangailangan ng kanyang espesyalisasyon. Hanggang sa muling manumbalik ang kanyang kagustuhan na maisulong ang kanyang adbokasiya sa mental health nang siya ay lapitan ng Team Matapat upang maging bahagi ng Board Member slate para sa segundo distrito.
Hindi madali ang magdesisyon kung uunahin ang sariling kapayapaan o ang kapakanan ng iba. Pero naniniwala si Noel Pardo na kung mayroong swak sa posisiyon at trabahong ito na nais ng Padilla-Ascutia Administration ay walang iba kundi siya.
Sa mahabang kasaysayan ng politika sa Camarines Norte, ngayon lamang mayroong naglakas-loob na magsulong sa napaka-critical na isyu ng mental health. Ang kagandahan dito, susog ito sa mga programang tinatahak ng kasalukuyang administrasyon.
“Gawin po ninyo akong instrumento para isulong ang mga programa sa mental health”. Panawagan ni Pardo, maiksi, subalit makabuluhan para sa bawat isang dumadaan sa mental health crisis at maging sa kanilang mga anak, magulang, kaibigan at kakilala.
Si Bokal Noel Teodoro Pardo, PhD, RPsy, RPM ay numero 7 sa balota, bilang bokal ng segundo distrito ng Camarines Norte.