Public Employment Service Office - Basud

Public Employment Service Office - Basud Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Public Employment Service Office - Basud, Government Organization, Poblacion 1, Camarines Norte, Basud.

Your bridge to employment and livelihood!Connecting job seekers with opportunities, empowering communities through skills training, and supporting local businesses.

PESO Basud Magbubukas Muli ng Pre-Registration para sa Posibleng Ikalawang Yugto ng OWWA Rice Relief AssistanceMatapos a...
07/08/2026

PESO Basud Magbubukas Muli ng Pre-Registration para sa Posibleng Ikalawang Yugto ng OWWA Rice Relief Assistance

Matapos ang matagumpay na pamamahagi ng OWWA Rice Relief Assistance noong Agosto 7, ipinaaalam ng Public Employment Service Office (PESO) - Basud na may malaking posibilidad na magkaroon ng ikalawang (2nd) wave ng rice distribution sa mga susunod na buwan, alinsunod sa magiging alokasyon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Dahil dito, hinihikayat ang lahat ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga kwalipikadong pamilya mula sa Bayan ng Basud na samantalahin ang pagkakataong ito upang maihanda ang lahat ng kinakailangang dokumento at magparehistro sa PESO Office. Ang mga maagang makapagpaparehistro at makapagsusumite ng kumpletong requirements ay maisasama sa listahan ng mga maaaring maging prayoridad sakaling aprubahan ang susunod na pamamahagi.

Para sa tamang impormasyon, ang PESO sa ugnayan sa OWWA ang siyang tamang tanggapan na makakasagot sa lahat ng katanungan kaugnay ng programang ito. Hinihikayat ang publiko na direktang makipag-ugnayan sa PESO Office upang malaman ang mga kinakailangang dokumento, kwalipikasyon, at iba pang proseso. Huwag basta maniwala sa mga haka-haka o impormasyong nagmumula sa hindi opisyal na mga sanggunian. Ang PESO Basud sa tulong at gabay ng OWWA ang patuloy na magbibigay ng opisyal at napapanahong mga anunsyo kaugnay ng programang ito.

Simula sa Lunes, muling bubuksan ng PESO Basud ang pre-registration para sa mga kababayang hindi nakapagparehistro o hindi napabilang sa pamamahagi noong Agosto 7. Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang susunod na distribusyon ng OWWA Rice Relief Assistance.

Patuloy na nakikiisa ang PESO Basud sa OWWA sa paghahatid ng mga programang nagbibigay ng tulong at pag-asa sa ating mga OFWs at kanilang mga pamilya.

Para sa karagdagang impormasyon, magtungo lamang sa PESO Office o bisitahin at i follow ang opisyal na page ng Public Employment Service Office - Basud.

Tagumpay ng Sama-samang Paglilingkod: Mahigit 800 Basudeño, Nakinabang sa OWWA Rice Relief Assistance DistributionAgosto...
07/08/2026

Tagumpay ng Sama-samang Paglilingkod: Mahigit 800 Basudeño, Nakinabang sa OWWA Rice Relief Assistance Distribution

Agosto 7, 2026 || Isang matagumpay at makabuluhang araw ng paglilingkod ang muling naitala sa Bayan ng Basud matapos na humigit-kumulang 800 benepisyaryo ang matagumpay na makatanggap ng OWWA Rice Relief Assistance sa isinagawang pamamahagi ngayong araw.

Naging maayos, organisado, at sistematiko ang kabuuang daloy ng distribusyon bunga ng masusing pagpaplano, mahusay na koordinasyon, at dedikadong pamamahala ng Public Employment Service Office (PESO) - Basud, sa pakikipagtulungan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Ang maayos na implementasyon ng programa ay nagbigay ng magaan at maayos na karanasan sa mga benepisyaryo.

Bagama't may ilang aplikante na hindi napabilang sa mga nabigyan dahil sa hindi pagtugon sa mga itinakdang kwalipikasyon at iba pang dahilan, ipinakita ng OWWA ang kanilang malasakit sa pamamagitan ng matiyaga at malinaw na pagpapaliwanag sa bawat katanungan at paggabay sa mga aplikante hinggil sa proseso ng programa.

Taos-pusong nagpapasalamat ang PESO Basud sa OWWA sa kanilang walang sawang suporta, dedikasyon, at mahusay na pangangasiwa upang maging matagumpay ang implementasyon ng Rice Relief Assistance Program para sa ating mga OFWs at kanilang mga pamilya.

Hindi rin magiging ganap ang tagumpay ng gawaing ito kung wala ang sipag, tiyaga, at malasakit ng buong PESO Basud Team. Ang kanilang walang pagod na paglilingkod at pagtutulungan ang naging pundasyon ng maayos na pagpapatupad ng programa.

Lubos ding kinikilala ng PESO Basud ang Barangay Poblacion 1, sa pangunguna ng kanilang Punong Barangay, sa ipinagkaloob na karagdagang logistical support tulad ng mga electric fan, libreng kape para sa mga OWWA personnel at mga katuwang sa implementasyon, at iba pang mahahalagang tulong na nagbigay ng kaginhawaan sa lahat ng nagseserbisyo.

Ang tagumpay na ito ay bunga rin ng patuloy na suporta ng ating butihing Punong Bayan Kggn Mayor Shunn Frederick S. Davoco at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ikalawang alkalde Kggn Ramir A. Barrameda, na walang sawang umaalalay sa mga programa at serbisyong naglalayong mapabuti ang kapakanan ng bawat Basudeño.

Maaaring napagod ang bawat isa sa maghapong gawain, ngunit ang ngiti, pasasalamat, at kasiyahan ng mga benepisyaryo ang nagsilbing pinakamalaking gantimpala sa lahat ng sakripisyo at pagsisikap.

Ang matagumpay na OWWA Rice Relief Assistance Distribution ay muling nagpapatunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa, mahusay na pamumuno, at taos-pusong paglilingkod, mas marami pang Basudeño ang maaabot ng mga programang nagbibigay ng pag-asa at tunay na malasakit.

Mabuhay ang OWWA! Mabuhay ang PESO Basud! Mabuhay ang Bayan ng Basud!

07/08/2026
06/08/2026

Aki Ning OFW ay Minor, pakidala nalang birth certificate ka aki to be accompanied by Guardian/s, try nalang sa aga...see you tomorrow!

06/08/2026

HELLO JOB SEEKERS WE ARE URGENT HIRING FOR PRODUCTION SUPPORT!! DEPLOYMENT SCHEDULE THIS WEEK!!

POSITION:

1. PRODUCTION OPERATOR (FEMALE)

Location of Deployment: LTI GATE 3

Interested applicants may send their resumes to:
[email protected]

06/08/2026

OWWA lang po makaka resolve Ng mga concerns and queries nyo as OFW... facilitating lang po Ang PESO Office...See you tomorrow!

06/08/2026

OFW na may Asawa na, bawal Ang Kapatid kumuha, dapat Asawa or anak lang..

06/08/2026

Kapag single Ang OFW, single na Kapatid at Magulang lang Ang pwd mag claim!

06/08/2026
06/08/2026

Address

Poblacion 1, Camarines Norte
Basud
4608

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Employment Service Office - Basud posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share