05/05/2026
📍 Pre-Marriage Orientation
📅 May 5, 2026
📌 Basud Municipal Population Office
🏛 LGU Basud
Matagumpay na naisagawa ang Pre-Marriage Orientation ngayong May 5, 2026 sa ilalim ng pamumuno ng ating Municipal Mayor, Hon. Shunn Frederick S. Davoco. Ang programa ay pinangasiwaan ni Mr. Arnilo Barrameda, Municipal Civil Registrar at pinangunahan ni Mr. Ghyl P. Fulgueras, Public Health Nurse, na nagsilbing gabay at tagapayo ng mga kalahok.
Layunin ng orientation na ihanda ang mga couples sa mga tungkulin, pananagutan, at mga hamong kaakibat ng pag-aasawa. Sa pamamagitan nito, binibigyang-diin ang kahalagahan ng matibay na pundasyon ng pamilya na nakabatay sa pagmamahalan, respeto, at responsableng pagdedesisyon para sa hinaharap.
Isinama rin sa programa ang Family Planning module, kung saan tinalakay ang wastong pagpaplano ng pamilya upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kahandaan ng bawat mag-asawa sa pagbuo ng kanilang sariling tahanan.
Ang 20 couples na kalahok sa Kasalang Bayan na gaganapin sa darating na Hunyo 2026 ay nabigyan ng sapat na kaalaman at paghahanda upang masimulan ang kanilang buhay mag-asawa nang may malasakit, pag-unawa, at pananagutan bilang bahagi ng komunidad.
📖 “At higit sa lahat, mag-ibigan kayo, sapagkat ito ang tali na nagbubuklod nang ganap”.
-Colosas 3:14