BSEd Filipino 4101

Directions

BSEd Filipino 4101 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BSEd Filipino 4101, Public School, Batangas City.

Mula sa BSED Filipino 01, Batch 2026, taos-pusong pagbati sa inyong pagtatapos! πŸŽ“Ang pagtatapos ay hindi wakas, kundi si...
21/07/2026

Mula sa BSED Filipino 01, Batch 2026, taos-pusong pagbati sa inyong pagtatapos! πŸŽ“

Ang pagtatapos ay hindi wakas, kundi simula ng panibagong kabanata. Hanggang sa susunod na yugto ng inyong paglalakbay, nawa’y samahan kayo ng tapang, karunungan, at walang sawang pagsisikap. Hangad ang tagumpay at katuparan ng mga pangarap ng bawat isa.

Mabuhay ang Filipino 01!
Sa Fili 01, walang maiiwan!

Byaheng GRADUATION! Ano tara?Ang huling semestreng ito ay tanda ng inyong sipag, tiyaga, talino, at dedikasyon. Saksi an...
19/06/2026

Byaheng GRADUATION! Ano tara?

Ang huling semestreng ito ay tanda ng inyong sipag, tiyaga, talino, at dedikasyon. Saksi ang bawat sulok ng silid-aralan sa mga luha, hirap, at pagod na tahimik na isinakripisyo, gayundin sa mga pangarap na patuloy na ipinaglaban upang mapagtagumpayan ang huling yugto ng ating paglalakbay. Sa bawat lesson plan na ginawa, bawat klaseng itinuro, at bawat mag-aaral na ating nakasalamuha, unti-unti nating natuklasan hindi lamang kung paano maging g**o, kundi kung paano maging isang mahusay at mabuting g**o.

Habang papalapit tayo sa dulo ng ating paglalakbay bilang mga mag-aaral ng BSEd Filipino, nawa’y maging paalala ito na ang bawat isa sa atin ay may sariling tagumpay na dapat ipagdiwang. Higit sa mga parangal at pagkilala, ang tunay na tagumpay ay ang pagiging matatag sa gitna ng mga pagsubok at ang patuloy na pag-abot sa mga pangarap. Malayo na, pero malayo pa.

Narito ang mga natatanging mag-aaral na nagpamalas ng kahusayan at dedikasyon sa kanilang pag-aaral ngayong semestre. Isang taos-pusong pagbati sa inyong tagumpay!

Padayon, mga future educators! 🀍✨
Pagbati, BSEd Filipino 4201! πŸ₯³βœ¨

Ika-06 ng Enero 2026, muling masasaksihan ang mga natatanging mag-aaral na nagpakita ng sipag, tiyaga, talino, at dedika...
06/01/2026

Ika-06 ng Enero 2026, muling masasaksihan ang mga natatanging mag-aaral na nagpakita ng sipag, tiyaga, talino, at dedikasyon sa kanilang kurso. Ang mga gabing walang tulog, pagod na katawan at isipan, at bawat butil ng pawis at luha, maging ang hindi matatawarang sakripisyo upang maitawid ang unang semestre ng ikaapat na taon sa kolehiyo ay nagbunga na. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy ang tapang at dedikasyon sa huling semestre. Hindi ito katapusan, kundi simula pa lamang ng mas malalaking tagumpay. Huling semestre na lang kaya laban pa. Kaunti na lang at patungo na tayo sa tunay na tagumpay.
β€Ž
β€ŽNarito ang mga natatanging mag-aaral mula sa BSEd Filipino 4101 na nagpakita ng galing sa kanilang kurso.
β€Ž
β€ŽPagbati, BSEd Filipino 4101! πŸ₯³β€οΈ
β€Ž

Pahabol na pagbati ng isang Maligaya at Mapagpalang Kaarawan, Bb. Angelica! πŸ€—πŸ’—Sa nagdaang espesyal na araw mo hanggang s...
19/12/2025

Pahabol na pagbati ng isang Maligaya at Mapagpalang Kaarawan, Bb. Angelica! πŸ€—πŸ’—

Sa nagdaang espesyal na araw mo hanggang sa susunod na araw, nawa'y bigyan ka pa ng lakas ng pangangatawan, tatag ng loob at kumpiyansa sa sarili upang magpatuloy sa buhay. Ang kagandahan ng iyong puso ay tunay na nakapagbibigay ng inspirasyon sa iba. Ang iyong ngiti ay tunay na kahali-halina. Nawa'y huwag kang mapagod ngumiti at magbigay ng ngiti sa aming mga labi.

Muli, Maligayang Kaarawan sa'yo, Bb. Angelica!πŸ’—

Pahabol na pagbati rin ng isang maligaya at mapagpalang kaarawan, Bb. Jesha!πŸ€—πŸ’—Sa nagdaang espesyal na araw mo hanggang s...
17/12/2025

Pahabol na pagbati rin ng isang maligaya at mapagpalang kaarawan, Bb. Jesha!πŸ€—πŸ’—

Sa nagdaang espesyal na araw mo hanggang sa mga susunod na araw, hiling namin na magkaroon ka ng payapang puso't isipan at makamit lahat ng ninanais sa iyong buhay. Maraming salamat sa pagbibigay ng ngiti at inspirasyon sa iba. Ang iyong mga salita ay tunay na nagbibigay pag-asa. Lagi mong tatandaan, nag-iba man ang iyong inuuwiang tahanan ay narito pa rin kami sa oras na kailangan mo ng matatakbuhan.

Muli, Maligayang Kaarawan sa'yo, Bb. Jesha! πŸ«‚πŸ’—

Maligayang Kaarawan, Bb. Vera! Isang masayang pagbati sa iyong kaarawan, Binibini. Sana’y maging espesyal ang araw na it...
17/12/2025

Maligayang Kaarawan, Bb. Vera!

Isang masayang pagbati sa iyong kaarawan, Binibini. Sana’y maging espesyal ang araw na ito na puno ng ngiti, tawanan, pagmamahal at matatamis na alaala mula sa iyong mga kaibigan at pamilya. Nawa’y patuloy kang pagpalain ng kalusugan at maging inspirasyon ng nakararami. Hangad namin na maging matagumpay ka sa landas na iyong pinili. Padayon, Ma’am!

Dalangin naming patuloy mong asamin sa Panginoon ang Mga Awit 139: 14-16:

Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim.

Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam. πŸ™πŸ»β€οΈβ€πŸ”₯πŸ™ŒπŸ»

Muli, mula sa Fil 01, Isang Maligayang Kaarawan sa’yo, Bb. Vera! πŸ€—πŸ₯³

"Magaling na ang huli kaysa wala"🀣Pahabol na pagbati ng isang Maligaya at Mapagpalang Kaarawan, Bb. Allyssa! πŸ€—πŸ’—Isang mas...
17/12/2025

"Magaling na ang huli kaysa wala"🀣

Pahabol na pagbati ng isang Maligaya at Mapagpalang Kaarawan, Bb. Allyssa! πŸ€—πŸ’—

Isang masaya at makulay na pagbati sa iyong espesyal na araw mula sa Fil 01. Sa pagtatapos ng unang semester, maipagdiwang mo sana ito nang may ngiti at pagmamalaki. Madama mo sana ang pahinga na deserved mo. Nawa’y makamtam mo rin ang tagumpay na iyong minimithi. Hangad namin ang mas marami pang oportunidad para sa iyo. Padayon, Ma’am Allyssa!

Muli, Maligayang Kaarawan, Bb! πŸ₯°πŸ₯³

β€œSapagkat alam Kong lubos ang mga plano Ko para sa inyo,' sabi ng Panginoon, 'mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang puno ng pag- asa."
- Jeremias 29:11❀️‍πŸ”₯

Maligayang Kaarawan, Bb. Drestie! πŸ€—πŸ₯³Sa espesyal na araw na ito, nawa'y bigyan ka pa ng lakas ng pangangatawan, katatagan...
07/12/2025

Maligayang Kaarawan, Bb. Drestie! πŸ€—πŸ₯³

Sa espesyal na araw na ito, nawa'y bigyan ka pa ng lakas ng pangangatawan, katatagan ng loob, at kumpiyansa sa sarili upang magpatuloy sa ninanais mo sa buhay. Maraming salamat sa pagbibigay ng ngiti at inspirasyon sa iba. Nawa'y makamit mo ang lahat ng hangarin mo sa iyong buhay at maging inspirasyon ang lahat ng iyong natutuhan upang magtagumpay sa buhay.

Dalangin nami'y maranasan mo ang words at promises ni Lord sa Mga Awit 20:4-5:

Nawa'y ipagkaloob Niya ang iyong hangarin,
at sa iyong mga plano, ika'y pagtagumpayin.

Sa pagtatagumpay mo kami ay magbubunyi,
magpupuri sa Diyos sa aming pagdiriwang.
Ibigay nawa ni Yahweh ang lahat mong kahilingan.

πŸ™πŸ»β€οΈβ€πŸ”₯πŸ™ŒπŸ»

Muli, mula sa Fil 01, isang Maligayang Kaarawan sa'yo, Bb. Drestie!

Maligayang Kaarawan, Bb. Alliah!πŸ₯³πŸ’—Sa pagsisimula ng Disyembre, nawa’y mas maging makulay at masaya ang araw na ito. Nawa...
01/12/2025

Maligayang Kaarawan, Bb. Alliah!πŸ₯³πŸ’—

Sa pagsisimula ng Disyembre, nawa’y mas maging makulay at masaya ang araw na ito. Nawa’y mas lalo pang dumami ang biyayang darating sa’yo. Deserve mo lahat ng magagandang bagay dahil puno ng pag-asa at saya ang iyong puso. Alam namin na magiging mahusay kang g**o at magsisilbing inspirasyon sa bawat mag-aaral sa hinaharap. Patuloy ka lamang mangarap. Padayon, Ma’am!

Muli, Maligayang Kaarawan, Bb. Alliah!

3 Juan 1:2
Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.πŸ™πŸ»β€οΈβ€πŸ”₯

π‘€π’Άπ“π’Ύπ‘”π’Άπ“Žπ’Άπ“ƒπ‘” π’¦π’Άπ’Άπ“‡π’Άπ“Œπ’Άπ“ƒ, 𝐡𝒷. 𝐸𝓇𝒾𝒸𝒢! πŸ€—πŸ₯³Sa espesyal na araw na ito, hangad namin ang kasiyahan at kapayapaan sa iyong puso't i...
27/11/2025

π‘€π’Άπ“π’Ύπ‘”π’Άπ“Žπ’Άπ“ƒπ‘” π’¦π’Άπ’Άπ“‡π’Άπ“Œπ’Άπ“ƒ, 𝐡𝒷. 𝐸𝓇𝒾𝒸𝒢! πŸ€—πŸ₯³

Sa espesyal na araw na ito, hangad namin ang kasiyahan at kapayapaan sa iyong puso't isipan. Maraming salamat sa pagbibigay ng kasiyahan at inspirasyon sa iba. Hiling namin na sana ay matupad mo ang lahat ng ninanais mo sa buhay at gamitin ang lahat ng iyong mga natutunan upang magtagumpay. Nawa ay panatilihin mo ang pagbibigay ngiti sa aming mga labi upang maghatid ng inspirasyon, saya, at pag-asa.

Muli, ang buong BSEd Filipino 01 ay lubos na bumabati sa'yo ng isang Maligayang Kaarawan, Bb. Erica!🫰🏻

'Sapagkat nalalaman Ko ang mga planong inilaan Ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon , β€˜mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan. '
-Jeremias 29:11❀️‍πŸ”₯

Address

Batangas City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BSEd Filipino 4101 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category