SK Federation of Bauan

SK Federation of Bauan This is the updated and official page of the SK Municipal Federation of Bauan ๐Ÿ’š

Celebrate. Recognize. Remember. Iyan ang temang tampok sa matagumpay na Awarding Ceremony ng SK Poblacion II kahapon, na...
31/08/2026

Celebrate. Recognize. Remember.

Iyan ang temang tampok sa matagumpay na Awarding Ceremony ng SK Poblacion II kahapon, na tunay naging daan upang mahubog ang disiplina, teamwork, sportsmanship, at pagkakaibigan ng mga kabataan ๐Ÿ’œ

Ito rin ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Sangguniang Barangay ng Poblacion II, sa pangunguna ni Punong Barangay Jomari Arce at sa patuloy na suporta sa mga programa para sa kabataan.

Congratulations po SK Chairperson Ronel Ilagan, at sa iyong buong konseho! ๐Ÿ’œ

3/4 LNK 2026! ๐Ÿง โšกMula sa iba't ibang barangay, nagtipon ang mga kabataang nagtagisan ng husay at talino bilang bahagi ng ...
27/08/2026

3/4 LNK 2026! ๐Ÿง โšก

Mula sa iba't ibang barangay, nagtipon ang mga kabataang nagtagisan ng husay at talino bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026 - Inter-Barangay Academic Clash: Battle of the Brains noong nakaarang Agosto 23 sa Bauan Municipal Hall Lobby.

Pagbati sa lahat ng mga barangay na nakilahok lalo't higit sa nag-uwi ng ating mga medalya! ๐Ÿ…

๐Ÿ† Champion - BOLO
๐Ÿฅ‡ 1st Place - SAN VICENTE
๐Ÿฅˆ 2nd Place - ALAGAO
๐ŸŽถ Best Team Jingle - SAN ROQUE

Lubos din ang aming pasasalamat kay Sir Marc Kevin Areta, MPA, Local Youth Development Officer, sa kanyang patuloy na paggabay at pakikiisa sa mga programang nagbibigay-daan upang mas mapalakas ang boses, talino, at potensyal ng Kabataang Bauangueรฑo.

Maraming salamat din po sa Bauan GSO at Bauan Municipal Information Office (MIO) sa kanilang suporta at pakikipagtulungan upang mas maging matagumpay at makabuluhan ang gawaing ito ๐Ÿค

Isang laban ng talino, isang selebrasyon ng potensyal, at isang patunay na kapag Kabataang Bauangueรฑo, walang papatalo โค



Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, nakiisa ang Sangguniang Kabataan Pederasyon ng Bauan sa SK Prov...
22/08/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, nakiisa ang Sangguniang Kabataan Pederasyon ng Bauan sa SK Provincial Federation Gala 2026 na ginanap kagabi sa Sotogrande Hotel and Resort, Bauan, Batangas ๐Ÿค

Ang gabi ito ay nagsilbing isang selebrasyon ng mga kabataang lider ng lalawigan ng Batangas na patuloy na nagpapakita ng kani-kanilang husay at galing sa pagseserbisyo.

Nagbigay rin ng mensahe ng pagbati at pasasalamat si SK Federation President Jade Asilo Aguilera, kung saan kaniyang binigyang-pugay ang pagsisikap, sakripisyo, at walang sawang paglilingkod ng bawat Sangguniang Kabataan para sa kani-kanilang mga kabataan at komunidad.

At sa kaniyang mensahe, muling ipinagmalaki ang ating minamahal na bayan:

โ€œMuli po, mula sa Sangguniang Kabataang Pederasyon ng bayang hindi man laging nadaraanan, subalit kapag naranasan ay babalik-balikan, ang bayang wagas kung magmahal. We are one in Bauan.โ€ โ˜๐Ÿป

2/4 DONE! ๐Ÿ’œ๐ŸคNaging matagumpay ang ating โ€œYour Mind Mattersโ€ Mental Health Talk, ang ikalawang handog ng Linggo ng Kabata...
22/08/2026

2/4 DONE! ๐Ÿ’œ๐Ÿค

Naging matagumpay ang ating โ€œYour Mind Mattersโ€ Mental Health Talk, ang ikalawang handog ng Linggo ng Kabataan 2026: Tanglaw Kabataan. Isang hapon ng makabuluhang pag-uusap, pag-unawa, at paalala na sa mundong madalas ay hinihingi na maging matatag tayo, okay lang mapagod, okay lang magpahinga, at higit sa lahat, okay lang humingi ng tulong.

Ang taos-pusong pasasalamat ay aming ipinaaabot kay Ms. Ana Gianelli V. Areta, RPm, MAPsy, ng StrongBridge Playschool, sa pangunguna sa isang session na nagbigay-liwanag, lakas, at inspirasyon sa ating mga kabataan. ๐Ÿค Sa pamamagitan ng kanyang kaalaman at malasakit, muli nating napatunayan na ang pag-aalaga sa ating isip ay isa ring paraan ng pag-aalaga sa ating kinabukasan.

Sa bawat kabataang dumalo at naglaan ng oras upang makinig, matuto, at makiisa, maraming salamat ๐Ÿซถ๐ŸปNawaโ€™y baunin natin ang aral na ang mental health ay hindi kahinaan, kundi bahagi ng pagiging tao. ๐ŸŒฑ

2 activities down, 2 more to go! ๐Ÿ”ฅ


22/08/2026

โ€œYour Minds Matterโ€

Tanglaw: Tinig at Gabay Para sa Isip at Damdamin

1/4 DONE! ๐Ÿฅฌโœจ BASKET GULAY 2.0, SUCCESS ๐ŸคฉSa bawat gulay na naipamahagi ngayong umaga, hindi lamang iyan ang ating naibiga...
22/08/2026

1/4 DONE! ๐Ÿฅฌโœจ BASKET GULAY 2.0, SUCCESS ๐Ÿคฉ

Sa bawat gulay na naipamahagi ngayong umaga, hindi lamang iyan ang ating naibigay, kundi isang simpleng paalala na sa pagkakaisa, kahit ang munting handog ay maaaring maghatid ng saya at makapagbigay ng tulong sa iba ๐Ÿ’š

Sinimulan natin ang ating Linggo ng Kabataan 2026: Tanglaw Kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay at pakikiisa sa ating komunidad. Taos-puso naming pinasasalamatan ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Barangay Manalupang sa kanilang pakikipagtulungan at suporta sa SK Federation of Bauan upang maisakatuparan ang matagumpay na Basket Gulay 2.0 ๐Ÿฅฌโœจ

3 more activities to go, lets go! ๐Ÿ’ช๐Ÿป


๐Ÿ”ฅ๐“๐€๐๐†๐‹๐€๐– ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ 2026Sa panibagong yugto ng Linggo ng Kabataan, muling masisilayan ang ilaw na hindi magpapahuli kailan...
20/08/2026

๐Ÿ”ฅ๐“๐€๐๐†๐‹๐€๐– ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ 2026

Sa panibagong yugto ng Linggo ng Kabataan, muling masisilayan ang ilaw na hindi magpapahuli kailanman.

Sinong may sabing magpapahuli ang bayan ng BAUAN?๐Ÿ‘€

Ngayong Linggo ng Kabataan 2026, may apat na makabuluhang aktibidades para sa iisang layuninโ€” ang magbigay ng ilaw, oportunidad, at karanasan na tatanglaw sa mas maliwanag na bukas para sa bayan, para sa kabataang Bauangeรฑo!

๐Ÿฅฌ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฆ๐—ž๐—ฒ๐˜ ๐—š๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜† 2.0- para sa KALUSUGAN
๐Ÿฉบ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ ๐— ๐—ฎ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜€- para sa KAPAYAPAAN
๐Ÿง ๐—•๐—ฎ๐˜๐˜๐—น๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—•๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜€- para sa KATALINUHAN
๐Ÿ‘ฌ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฆ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฒ 2.0- para sa KAPWA

Sa dulo ng Linggo, matatanaw ang apat na aktibidad at nagkakaisang kabataan.

Dahil ngayong ๐“๐€๐๐†๐‹๐€๐– ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐, sama-sama nating sisindihan ang mas maliwanag na kinabukasan.

Kaya sinong nagsabing magpapahuli ang bayan ng BAUAN? Ang kabataang BAUANGEร‘O mula noon hanggang ngayon ay mahusay, aktibo, at epektibo.๐Ÿ’š



17/08/2026



Upon the recommendation of the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) after a thorough assessment of the possible effects brought about by the Southwest monsoon, and the approval of Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, the SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES IN ALL LEVELS, both in public and private schools, tomorrow August 18, 2026 is hereby declared in the Municipality of Bauan.

All schools are hereby directed to implement the appropriate alternative learning modalities, including modular distance learning or online learning to ensure the uninterrupted delivery of education and at the same time safeguarding the welfare of learners, teaching personnel and school staff.

The public is advised to remain vigilant, closely monitor official weather advisories issued by the appropriate government agencies, and observe all necessary preparedness and safety measures at all times.

Please refer to Bauan MIO page and other LGU official communication channels for further updates and announcements.

Bilang pakikiisa at suporta, binisita ni SK Federation President Jade Asilo Aguilera ang matagumpay na pagtatapos ng lig...
17/08/2026

Bilang pakikiisa at suporta, binisita ni SK Federation President Jade Asilo Aguilera ang matagumpay na pagtatapos ng liga ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. As-Is noong Agosto 15, 2026 upang makiisa sa masayang pagtatapos ng programa ๐Ÿ€๐Ÿ

Ang mga palaro pong ito ay hindi lamang tungkol sa mga pagwawagi, ito rin ay tungkol sa kasiyahan, pagkakaibigan, disiplina, at pagkakaisa ng kabataan.

Congratulations SK Chairperson Trisha Brual and sa iyong buong konseho! ๐Ÿ’œ

Address

Bauan Batangas
Batangas City
4201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Federation of Bauan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share