Jerome Grimpluma - Barangay Councilor

Jerome Grimpluma - Barangay Councilor Barangay Kagawad - Barangay Wawa, Batangas City (November 2023 to present)

SK Chairperson - Barangay Wawa, Batangas City (May 2018 - November 2023)

Buong puso akong nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-112 Taong Anibersaryo ng pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo. Taos-puso k...
26/07/2026

Buong puso akong nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-112 Taong Anibersaryo ng pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo. Taos-puso kong ipinapaabot ang aking pagbati sa lahat ng mga kapatid na INC sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa loob ng mahigit isang siglo, naging huwaran ang inyong matatag na pananampalataya, pagkakaisa, at walang sawang paglilingkod sa kapwa at sa komunidad. Nawa’y patuloy kayong gabayan, pagpalain, at bigyan ng lakas ng ating Panginoon upang maipagpatuloy ang inyong mabuting adhikain at paglilingkod.

Maligayang ika-112 Taong Anibersaryo sa Iglesia Ni Cristo!

13/05/2026

BASAHI‼️

Magandang araw, Waweño!

Inaanyayahan ang LAHAT na SENIOR CITIZENS na National Social Pensioners na magtungo sa Barangay Wawa COVERED COURT sa darating na ika-16 ng Mayo, araw ng Sabado, simula 07:00am to 08:30am po lamang.

Ito ay para sa PAYOUT ng PENSION sa mga nasabing senior citizens. Mangyaring magdala lamang po ng SENIOR CITIZEN ID at KUNG sakaling hindi makakapunta ang mismong senior mangyaring makipag-ugnayan po lamang sa Barangay Wawa Senior Citizen President, Ma’am Divine E. Parto.

Maraming salamat po! Ingat po tayo palagi.

-Kagawad Jerome G. Grimpluma

📢 **ANUNSYO NG BARANGAY** 📢Ipinapaalam po sa lahat na mas pinaigting ang pagpapatupad ng mga ordinansa alinsunod sa kaut...
09/04/2026

📢 **ANUNSYO NG BARANGAY** 📢

Ipinapaalam po sa lahat na mas pinaigting ang pagpapatupad ng mga ordinansa alinsunod sa kautusan ng DILG upang mapanatili ang kaayusan sa ating barangay.

Mahigpit pong ipinagbabawal ang mga sumusunod:
🚫Pag-inom ng alak sa kalsada o pampublikong lugar

🚫Paglabas ng bahay na nakahubad

🚫Paglabag sa curfew hours (10:00pm to 04:00am)

🚫Pagvi-videoke o paggawa ng malakas na ingay lampas alas-10 ng gabi

Ang sinumang lalabag ay papatawan ng kaukulang aksyon o parusa ayon sa umiiral na batas.

⚫️Kagabi lamang ay mayroon nang mga nadakip ang mga kawani ng Pulisya, kasama ang Barangay Officials at LGU ng Lungsod ng Batangas, na mga lumalabag sa nasabing kautusan sa ating barangay.

Kaya hinihiling po namin ang pakikiisa at kooperasyon ng bawat isa para sa maayos, tahimik, at ligtas na komunidad.

Maraming salamat po!

-Kagawad Jerome G. Grimpluma

SERBISYO PUBLIKO‼️Magandang araw, Waweño!Ang mga makikitang LISTAHAN sa ibaba ay ang mga pangalan para sa 3rd KYC. Mangy...
06/02/2026

SERBISYO PUBLIKO‼️

Magandang araw, Waweño!

Ang mga makikitang LISTAHAN sa ibaba ay ang mga pangalan para sa 3rd KYC.

Mangyari lamang po na magtungo sa BATANGAS CITY SPORTS COLISEUM ang nakalista sa ibaba para sa 3rd KYC ngayong araw at bukas, February 07 and 08, 2026, Sabado at Linggo, sa ganap na Alas Otso ng umaga hanggang Alas Tres ng Hapon (08:00am to 03:00pm) at magdala lamang po ng inyong VALID GOVERNMENT ID.

Maraming salamat po!

29/01/2026

SERBISYO PUBLIKO‼️

Magandang araw, Waweño!

Tinatawagang pansin po ang lahat ng mga MAY KAPANSANAN (DIFFERENTLY ABLED PERSONS), edad 18 taong gulang pataas, ng Barangay Wawa.

Magkakaroon po ng ELECTION OF OFFICERS and GENERAL ASSEMBLY ng mga DIFFERENTLY ABLED PERSONS sa darating na ika-2 ng Pebrero 2026, Lunes, ganap na Alas Nuebe ng Umaga (09:00am) sa Barangay Covered Court.

Mangyaring makipag-ugnayan lamang po sa Barangay Clerk, Gng. Niña Luz Corazon G. Marasigan sa Barangay Hall, para makapag palista.

Maraming salamat po!

-Kagawad Jerome G. Grimpluma

06/01/2026

SERBISYO PUBLIKO‼️

Magandang araw, Waweño!

Sa LAHAT ng mga kukuha ng CEDULA ay maaari na po kayong magtungo sa ating barangay hall para makakuha ng cedula simula bukas, January 07, 2026, na magsisimula ng Alas Otso ng umaga (08:00am onwards).

Magdala lamang po ng valid ID or lumang Cedula.

Maraming salamat po!

-Kagawad Jerome G. Grimpluma

BASAHI AT TINGNI NANG AYOS‼️‼️‼️Magandang araw, Waweño!Ang SECOND (2nd) BATCH ng VOUCHER para sa PAMASKONG HANDOG mula k...
29/12/2025

BASAHI AT TINGNI NANG AYOS‼️‼️‼️

Magandang araw, Waweño!

Ang SECOND (2nd) BATCH ng VOUCHER para sa PAMASKONG HANDOG mula kay Mayor Mario Vittorio “Marvey” A. Mariño ay ipamamahagi sa ating BARANGAY COVERED COURT bukas, DECEMBER 30, 2025, Martes, mula Alas Otso ng umaga (08:00am onwards).

Makikita sa ibaba ang mga LISTAHAN NG MGA PANGALAN ng SECOND (2nd) BATCH na kukuha ng VOUCHER.

MAGDALA PO LAMANG NG VALID ID ANG KUKUHA NG VOUCHER, para po sa mas mabilis na transaction.

Maaari pong ipakuha sa asawa, anak, magulang, o kapatid ang mga hindi personal na makakakuha, mangyaring magdala lamang ng VALID ID ng mismong nakalista.

Maraming salamat po!

BASAHI AT TINGNI NANG AYOS‼️‼️‼️Magandang araw, Waweño!Ang VOUCHER para sa PAMASKONG HANDOG mula kay Mayor Mario Vittori...
17/12/2025

BASAHI AT TINGNI NANG AYOS‼️‼️‼️

Magandang araw, Waweño!

Ang VOUCHER para sa PAMASKONG HANDOG mula kay Mayor Mario Vittorio “Marvey” A. Mariño ay ipamamahagi sa BATANGAS CITY COLISEUM sa darating na DECEMBER 20, 2025, Sabado, mula Alas Syete ng umaga (07:00am onwards).

Makikita sa ibaba ang mga LISTAHAN NG MGA PANGALAN ng FIRST (1st) BATCH na kukuha ng VOUCHER.

MAGDALA PO LAMANG NG VALID ID ANG KUKUHA NG VOUCHER, para po sa mas mabilis na transaction.

Ang maaari po lamang kumuha ay ang NAKAPANGALAN sa listahan.

Maraming salamat po!

SERBISYO PUBLIKO‼️Magandang araw, Waweño!Ang 2nd KYC schedule para sa BARANGAY WAWA ay sa darating na December 12, 2025,...
10/12/2025

SERBISYO PUBLIKO‼️

Magandang araw, Waweño!

Ang 2nd KYC schedule para sa BARANGAY WAWA ay sa darating na December 12, 2025, Biyernes, mula Alas Onse ng Umaga hanggang Alas Tres ng Hapon (11:00am to 03:00pm).

Ang LAHAT NG MGA HINDI NAKAPUNTA noong unang KYC ay maaari kayong pumunta para makapag validate at malitratuhan.

Ang makikita naman pong LISTAHAN sa ibaba ay ang mga ADDITIONAL at REPRESENTATIVES. Hindi na po pwedeng magpadala ng bagong representative ang mga nakalista na representative. Hindi na din po natanggap ng Additional dahil ito na po ang huling KYC bago ipamigay ang mga vouchers.

Dalhin lamang po ang inyong VALID ID.

Maraming salamat po!

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat!

-Kagawad Jerome G. Grimpluma

Address

Brgy. Wawa
Batangas City
4200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jerome Grimpluma - Barangay Councilor posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Jerome Grimpluma - Barangay Councilor:

Shortcuts

Share

Category