04/09/2022
Tingnan | September 4, 2022
5th Mobilization Advocacy Support Group Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT)
(A program by Sangguniang Kabataan Federation of Talisay with Talisay Municipal Police Station)
Ang naturang programa ay dinaluhan ng mga kabataan mula sa Barangay Banga, Barangay Sta. Maria, Barangay Balas, Barangay Buco, Barangay Caloocan, Barangay Leynes, Barangay Sampaloc at Barangay San Guillermo na ginanap sa Brgy. Caloocan Basketball Covered Court. Nagsimula ang programa sa pag bibigay enerhiya sa mga kabataan sa pamamagitan ng isang Zumba. Sinundan ito ng isang tiktok challenge na kung saan naipamalas ng mga kabataan ang talento nila sa pagsasayaw. Binigyan diin din dito ang tema ng programang ito upang mapaalalahanan ang mga kabataan na umiwas sa maling gawain.
Sumunod na isinagawa ang Lecture ukol sa kontra terorismo sa pangunguna ni First Sergeant Darius Borabo, 59th Infantry Batallion Philippine Army at lecture kontra droga sa pangunguna ni PCMS Alegria Ledde, Chief, PCR PNCO Of Talisay Municipal Police Station na dinaluhan ng mga kabataan mula sa Brgy. Banga, Brgy. Sta. Maria, Brgy. Balas, Brgy. Buco, Brgy. Caloocan, Brgy. Leynes, Brgy. Sampaloc at Brgy. San Guillermo kasama ang ibang kasamahan natin kapulisan sa Bayan ng Talisay.
Nagbigay mensahe din sina SK Chairman Ranie Frago, SK Chairman Allah Rizza Marqueses SK Chairman Gary Miranda, SK Chairman Jomar Mendoza, SK Chairman Liezel Marqueses at SK Chairman Marvie Araracap na nagpaalala sa mga kabataan sa pag-iwas sa maling gawain na magdudulot ng masamang epekto sa kanilang pang-araw araw na buhay. Ika nga ng atin pambansang bayani G*t Jose Rizal โAng kabataan ang pag-asa ng Bayanโ. Nasa atin mga kabataan ang talino, kakisigan, kaliksihan at kalakasan upang mapamunuan ang ating inang bayan!
Maraming salamat po sa mga SK Members ng Brgy. Banga, Brgy. Sta. Maria, Brgy. Balas, Brgy. Buco, Brgy. Caloocan, Brgy. Leynes, Brgy. Sampaloc at Brgy. San Guillermo , mga kabataan na dumalo, mga kapulisan, Kay Kap. Felipe Caringal at SK Chairman Jomar Mendoza para sa pagpagpapagamit ng Basketball Covered Court at mga monoblock chairs, Kay SK Treasurer Jom ng Brgy. Balas sa paghohost ng programang ito, at duty na tanod sa Brgy. Caloocan sa pag-aasikaso sa amin ๐ค๐