22/08/2026
Pagbibigay ng Panibagong Kasanayan para sa mga Residente ng Bahay Pag-asa ng Batangan.
Noong Agosto 13, 2026, opisyal na nagsimula ang Bread and Pastry Production NC II Training para sa mga residente ng Bahay Pag-asa ng Batangan, sa patuloy na pakikipagugnayan ng TESDA Region IV-A at sa paggabay ni Ms. Maria Anastacia A. Gonzaga bilang trainer.
Bilang pagpapakita ng patuloy na suporta sa mga programa ng Bahay Pag-asa, nakiisa ngayong Agosto 22 si Ms. Ethel D. Luistro, RSW, PSWDO Department Head, upang personal na ipakita ang kanyang suporta at magbigay ng paghikayat sa mga residenteng patuloy na hinuhubog sa pamamagitan ng mga programang naglalayong magbigay sa kanila ng bagong kaalaman at kakayahan.
Tatagal ng 18 araw ang pagsasanay, na may ₱160.00 training allowance bawat araw para sa bawat trainee. Layunin nitong malinang ang kanilang kaalaman at kasanayan na maaari nilang maging pundasyon sa paghahanapbuhay, pagbuo ng sariling pagkakakitaan, at paghahanda para sa panibagong yugto ng kanilang buhay sa oras ng kanilang reintegrasyon sa komunidad.
Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na binibigyan ang mga residente ng pagkakataong matuto, magkaroon ng kasanayan, at muling makapaghanda para sa mas produktibong kinabukasan.