29/08/2026
Sa 105 barangay ng Batangas City, bawat Hepe ng Barangay Tanod ay nakatanggap ng tig-dalawang (2) metal detectors na gagamitin sa pagpapatupad ng mas mahigpit na security measures sa mga pampublikong paaralan sa kanilang nasasakupan.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng inisyatibo ni Congresswoman Beverley Rose A. Dimacuha upang makatulong na matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral bago sila pumasok at paglabas ng paaralan.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng lecture at orientation si Police Lieutenant Sharen Ama ng Batangas Component City Police Station (BCCPS) tungkol sa tamang pagpapatupad ng seguridad at pagpapanatili ng kaayusan sa paligid ng mga paaralan.