17/08/2026
πΈ Isang Masayang Pagsalubong at Pagtanggap sa Mahal na Birhen ng La Purisima ConcepcionπΈ
Noong Sabado, Agosto 15, 2026, naging saksi ang Lungsod ng Batangas sa isang makasaysayan at makahulugang pagdalaw ng Callejera na Imahe ng La Purisima Concepcion, na nagmula pa sa Sta. Maria, Bulacan.
Sa harap ng Batangas City Hall, masayang sinalubong ang Mahal na Birhen sa pamamagitan ng isang munting programa. Inialay ng Ad Libitum Chorus ang awiting βStella Maris,β habang naghandog naman ng sayaw ang mga mananayaw ng Lungsod ng Batangas sa saliw ng βAwit sa Mahal na Birhen ng Rosaryo.β
Pagdating sa Basilica-Shrine, ipinagpatuloy ang maringal na pagtanggap sa Mahal na Birhen sa pamamagitan ng Awit Alay kay Maria at Pagbibigay-Pugay, sa saliw ng βMariang Ina Ko.β Bilang tanda ng pagmamahal at debosyon, masayang naghagis ng mga bulaklak ang mga miyembro ng Cofradia de la Inmaculada Concepcion de Batangan.
Malugod nating tinatanggap sa Lungsod ng Batangas ang Mahal na Birhen ng π³π π·πππππππ πͺπππππππππβisang makabuluhang pagdalaw na nagpapaalala sa atin ng matatag na pananampalataya, pagkakaisa, at wagas na pagmamahal kay Maria.πΈπ