Sangguniang Barangay-Mahabang Parang Batangas City

Sangguniang Barangay-Mahabang Parang Batangas City This is the Official page of Sangguniang Barangay - Mahabang Parang, Batangas City.

23/08/2026

‼️‼️‼️⚠️ MAHALAGANG BABALA AT PAALALA SA LAHAT! ⚠️‼️‼️‼️

Ang pamunuan ng Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang, sa pangunguna ni Punong Barangay Emily Plata Pagcaliwagan, ay nagbibigay babala at paalala para sa lahat ng residente tungkol sa ibayong pag-iingat sa paglalakad sa tabing kalsada, anumang oras.

Ingatang mabuti ang cellphone at iwasan ang paggamit nito kung hindi naman kinakailangan, gayundin ang wallet, bag at iba pang mahahalagang gamit. Huwag hayaang maging madaling target ang inyong mga kagamitan ng mga kawatan.

👀 Maging mapagmatyag! Huwag maging kampante! Ang simpleng pag-iingat ay malaking bagay para sa ating kaligtasan.

🙏 Mag-ingat at maging alerto po tayong lahat!

20/08/2026

‼️‼️‼️📢 MAHALAGANG PAALALA SA ATING MGA KABATAAN AT MAGULANG‼️‼️‼️

Alinsunod sa direktiba ng Malacañang, isinasagawa ang online o modular learning ngayong araw bilang paraan upang maipagpatuloy ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral habang isinasaalang-alang ang kanilang kaligtasan.

Ngunit napansin ng ating mga City Officials na may ilang kabataang nasa labas sa oras ng klase. Dahil dito, hinihikayat ang mga magulang at guardians na bantayan at gabayan ang kanilang mga anak upang matiyak na sila ay nasa bahay at nakikilahok sa kanilang online o modular learning.

Hinihikayat din ang ating mga Barangay Officials, Barangay Tanod at iba pang katuwang sa komunidad na tumulong sa pagpapaalala at pagbabantay sa mga kabataan.

Sa panahon ng suspensyon ng face-to-face classes, makiisa tayo sa pagpapatupad ng online o modular learning. Ang bawat paalala at paggabay ay malaking tulong upang mapanatiling ligtas ang ating mga kabataan at maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa. 🙏📚

"Kaligtasan ng kabataan, responsibilidad nating lahat!"

20/08/2026

PUMPING STATION RE-ENERGIZATION

We would like to inform our valued customers that the pumping station at the Soro-Soro Karsada have been re-energized following the replacement of pump and motor.
Pressure buildup and gradual recovery of water supply in the affected areas will follow.
We apologize for any inconvenience caused and sincerely appreciate your patience and understanding as we continue to restore normal service.

19/08/2026

PUMPING STATION REPAIR UPDATE

Ongoing Repair and Pullout of Pump and Motor at Soro Soro Karsada Pumping Station (SSKPS).

Wednesday, August 19, 2026
Ongoing until 04:00am

Affected area: Mahabang Parang and Part of Soro Soro

19/08/2026

‼️‼️‼️PAALALA PO SA LAHAT! 💧‼️‼️‼️

Magandang umaga po!

Sa mga nangangailangan ng tubig, may delivery po ngayon mula sa PrimeWater/Hiraya Water.

📍 Pakiabangan na lamang po ang delivery sa tapat (highway)
💧 Maaari rin po kayong kumuha ng tubig sa bahay ng ating Punong Barangay Emily Plata Pagcaliwagan

Mangyaring magdala po ng sariling lalagyan at makipagtulungan nang maayos habang kumukuha ng tubig.

Maraming salamat po at patuloy tayong mag-ingat! 🙏💙

‼️‼️‼️MAHALAGANG ABISO mula sa Sangguniang Barangay, sa pangunguna ni Punong Barangay Emily Plata Pagcaliwagan ‼️‼️‼️Mag...
18/08/2026

‼️‼️‼️MAHALAGANG ABISO mula sa Sangguniang Barangay, sa pangunguna ni Punong Barangay Emily Plata Pagcaliwagan ‼️‼️‼️
Magandang gabi po sa lahat!

Dahil sa patuloy na pag-ulan at hindi magandang lagay ng panahon, pinapayuhan po ang lahat na mag-ingat at manatiling alerto.

Hangga’t maaari, manatili muna sa inyong mga tahanan at iwasang bumiyahe o lumabas kung hindi kinakailangan. Mag-ingat po lalo na sa mga lugar na posibleng bahain at sa mga kalsadang madulas.

Patuloy nating bantayan ang kalagayan ng ating paligid at makinig sa mga opisyal na abiso. Kung may emergency o nangangailangan ng agarang tulong, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa mga kinauukulan.

Unahin po natin ang kaligtasan ng bawat isa.

Mag-ingat, manatiling ligtas, at patuloy na magdasal. 🙏❤️🌧️

Ingat po tayong lahat!

‼️‼️‼️ EMERGENCY WATER INTERRUPTION‼️‼️‼️
18/08/2026

‼️‼️‼️ EMERGENCY WATER INTERRUPTION‼️‼️‼️

17/08/2026
🇵🇭 FLAG RAISING CEREMONY 🇵🇭Barangay Mahabang Parang | August 18, 2026Sama-samang dumalo ang Sangguniang Barangay sa pang...
17/08/2026

🇵🇭 FLAG RAISING CEREMONY 🇵🇭
Barangay Mahabang Parang | August 18, 2026

Sama-samang dumalo ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Emily Plata Pagcaliwagan, mga Functionaries, at samahan Ng Kasimbayanan sa ating Flag Raising Ceremony.

Patuloy ang pagkakaisa at malasakit sa paglilingkod para sa ating komunidad. 🇵🇭❤️

12/08/2026

Magandang umaga po sa lahat, kina Gng. Marife Evangelista, Sitio 4 po ang unang destinasyon ng taga City Veterinarian Office para sa Anti-Rables sa mga alangang a*o at pusa. Sa mga malapit po sa area, maaari po ninyong dalhin doon ang mga alangang hayop.

Maraming salamat po...

Address

Mahabang Parang Batangas City
Batangas City
4200

Telephone

+639664363225

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay-Mahabang Parang Batangas City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Barangay-Mahabang Parang Batangas City:

Shortcuts

Share