19/08/2022
UPDATE 01:30 PM (August 25, 2022)
*Kung kayo po ay naka-rehistro na online simula August 19 hanggang August 23 at wala pang natatanggap na text message, huwag na pong umulit sa pagrerehistro.
Kayo po ay aming itetext isa o dalawang araw bago ang schedule ng inyong assessment.
UPDATE 10:21 AM (August 19, 2022)
*Ang registration po ay tuluy-tuloy hanggang September 23. P'wede pong magrehistro sa ibang oras o ibang araw upang hindi magkaroon ng 'traffic' sa online registration.
UPDATE 9:50 AM (August 19, 2022)
*Dahil sa sabay-sabay na pagrerehistro ng publiko, mayroong mga nakararanas ng delay sa pag-reregister sa link. Ang inyong pasensya ay aming hinihiling, at kung maaari ay sumubok muli sa ibang oras. Maraming salamat po
********
PARA PO SA MGA RESIDENTE NG CALABARZON NA NAIS MAG-APPLY NG EDUCATIONAL ASSISTANCE:
PAKIBASA PO NANG BUO ANG POST NA ITO:
Para sa mga nais mag-apply ng educational assistance mula sa DSWD, narito ang proseso para sa rehistrasyon sa DSWD Field Office IV-A upang maging maayos ang sistema at maiwasan ang pag-ipon ng maraming tao sa mga opisina ng DSWD:
1. Mag-register gamit ang link o QR code na nasa baba. Siguruhing tama ang mga detalye, lalong lalo na ang cellphone number (kung saan makatatanggap kayo ng update sa inyong registration).
2. Hintayin ang text message mula sa DSWD Field Office IV-A para sa confirmation ng inyong registration at schedule at lokasyon ng inyong assessment.
3. Tumungo sa lokasyon at schedule ng assessment na nakasaad sa text message na matatanggap.
4. Magdala ng valid ID at ang mga requirements na nakalista sa text message.
Paalala: Ang prosesong ito ay para sa mga taga-CALABARZON (Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Quezon) lamang.
Ang pag-reregister sa link na ito ay hindi nangangahulugan ng awtomatikong pagtanggap ng educational assistance. Ang prosesong ito ay para sa scheduling ng assessment ng mga social workers ng DSWD.
Maraming salamat po
REGISTRATION LINK: https://forms.gle/i78FPfQFeTTZnCMd7