Mabacong Rural Waterworks and Sanitation Project

Mabacong Rural Waterworks and Sanitation Project Brgy. Mabacong Waterworks

30/10/2024

Mabacong Rural Waterworks Announcement:

Pinagbibigay alam po sa mga miyembro ng ating samahan na hanggang katapusan ng buwan ang pagbabayad para sa buwanang konsumo ng tubig. Ang pagpuputol ng serbisyo ng tubig ay isinasagawa tuwing unang araw ng buwan kung kaya upang maiwasan ang pagkaantala ng serbisyo ng tubig at pagbabayad ng reconnection fee ay magsadya lamang sa tanggapan ng Treasurer upang ito ay mabayadan.

Para naman sa mga miyembrong malalabo na ang metro ng tubig ay nararapat lamang pong palitan na ang metro upang maiwasan din ang pagkawala ng serbisyo ng tubig. Ito po ay mahigpit na ipinatutupad ng patakaran ng ating samahan at ng CPDO. Marami pong salamat.

29/06/2024

Magandang gabi po!

Paalala po sa mga members na hindi pa nakakabayad ng tubig, pakiusap po pakibayadan hanggang bukas po, June 30. Ang schedule ng putulan ng serbisyo ay sa Lunes, July 1.

Maaari kayo pumunta sa Nanay Sixta or Melisa Mercado para sa pagbabayad. Salamat po!

11/06/2024

Magandang araw po!

Ipinababatid na ang pagbabayad ng tubig ay pansamantalang tatanggapin ng Pangulo at Kalihim ng Samahan, Gng. Sixta Marasigan at Gng. Melisa Mercado habang nasa mahalagang gampanin pa ang Ingat -Yaman.

Ang Pangulo ay maaari lamang tumanggap hanggang ika-15 ng Hunyo samantalang ang Kalihim ay tatanggap hanggang sa makabalik si Gng. Carlota Legaspi.

Salamat po.

21/04/2024

Announcement:

Sa kasalukuyan po ay source malapit sa lying-in ang tanging gumagana sa lahat ng linya sa kadahilanang nagkaroon ng problema (power tripping) sa ating bagong source.

Lubos na pang-unawa po ang aming hinihingi lalo sa mga miyembro na hindi maabot ng supply ng tubig.

13/04/2024
05/11/2023

Magandang gabi po!
Ipinababatid ng pamunuan ng Mabacong Rural Waterworks and Sanitation Project na simula Martes, Nov. 7 ay magkakaroon po ng rotation sa daloy ng ating patubig sa kadahilanang humihina po ang daloy mula sa ating source at mas madaming myembro ang ngayoy apektado.

Ang magiging schedule po ng daloy ay ang sumusunod:

5am - 5pm ....Sitio Centro hanggang Sitio Ibaba at Century

5pm - 5am....Sitio Ilaya, Kalsada at Hulo

Ang nasabing rotation schedule po ay mananatili hanggang sa maisaayos ang source at ang anumang pagbabago ay muli naming ipagbibigay alam sa mga myembro.

Ang buong pamunuan ay humihingi po ng malawak nyong pang-unawa. Salamat po.

14/10/2023

Magandang gabi po!

Magkakaroon po ng interruption sa water supply bukas ng 10am onwards para sa pagsasagawa ng Preventive Maintenance ng ating water source.

Paumanhin po sa abala.

Salamat po!

12/07/2023

Magandang araw po!
Ipinababatid po sa lahat ng myembro ng ating samahan ng Mabacong Rural Waterworks and Sanitation Project na muli pong nagkaroon ng problema sa ating source kaya't nitong mga nakaraang araw ay mahina ang daloy o walang daloy ng tubig sa ibang linya sa kadahilanang sinubukan po nating magkaroon muli ng scheduling ng tubig upang matugunan ang pangangailangan ng nakararami. Subalit hindi pa din sapat ang ginawang hakbang kayat magkakaroon po tayo ng maintenance check-up & cleaning ng ating source.

Kami po, BODs and staff ay humihingi ng malawak nyo pang pang-unawa at paumanhin sa kasalukuyang problema ng ating patubig. Umasa po kayo na ginagawa namin ang lahat ng paraan para maisaayos ang daloy ng ating patubig.

Brgy. Mabacong Waterworks

Address

Mabacong Batangas City
Batangas City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mabacong Rural Waterworks and Sanitation Project posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share