31/07/2026
Barangay Poblacion 15 BDRRM Committee Accomplishment Report for the Celebration of National Disaster Resilience Month 2026
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2026, matagumpay na naisakatuparan ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) Committee ng Barangay Poblacion 15 ang iba't ibang programa, proyekto, at aktibidad na naglalayong palakasin ang kahandaan, kaligtasan, at katatagan ng ating komunidad laban sa iba't ibang uri ng sakuna at emerhensiya.
Sa buong buwan ng Hulyo, isinagawa ang mga aktibidad na sumasaklaw sa prevention, mitigation, preparedness, response, at recovery, kabilang ang Barangay-Wide Simultaneous Earthquake Drill, Clean-Up Drive, Family Disaster Management Training, paghahanda ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Plan (2027β2029), hazard assessment and roving inspection, regular na Barangay Tanod roving, inventory ng DRRM supplies at equipment, BDRRMC meetings, information dissemination, at iba pang gawaing nakatuon sa pagpapalakas ng kakayahan ng barangay sa pamamahala ng panganib sa sakuna.
Ang mga tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng Pamahalaang Barangay, BDRRM Committee, Barangay Tanods, mga katuwang na ahensya, at ng bawat mamamayang aktibong nakibahagi sa mga programa ng barangay.
Ang pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ay hindi lamang paggunita, kundi isang paalala na ang kahandaan sa sakuna ay isang patuloy na pananagutan ng bawat isa. Patuloy na magsisilbi ang Barangay Poblacion 15 sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa at inisyatibong nagtataguyod ng isang ligtas, matatag, at handang pamayanan.
"Kahandaan sa Sakuna, Responsibilidad ng Lahat. Sama-sama Tungo sa Mas Matatag na Barangay Poblacion 15."