PWD Brgy Santa Rita Karsada

PWD Brgy Santa Rita Karsada Person With Disability at Brgy Santa Rita Karsada

ATTENTION: RE-SCHEDULE NG ATING ASSEMBLY 📢​Hello po sa ating lahat! Inform lang po kayo na HINDI PO MATUTULOY ang ating ...
08/04/2026

ATTENTION: RE-SCHEDULE NG ATING ASSEMBLY 📢

​Hello po sa ating lahat! Inform lang po kayo na HINDI PO MATUTULOY ang ating Assembly bukas.
​Nagkaroon po ng emergency/biglaang lakad ang ating Guest Speaker
kaya kailangan nating i-reschedule ang assembly . Pakisabi na rin po sa mga bagong sasama at aattend sana bukas para hindi po sila maligaw o masayang ang punta.

​Sa April 13, 2026 sa ganap na 8AM -11AM.
Sta Rita Elementary School

Pasensya na po sa abala at hinihingi po namin ang inyong pag unawa.
Salamat po!

TINGNI at Basahi ng maige
25/03/2026

TINGNI at Basahi ng maige

4th Gift Giving Assistance Disteibution for PWD Members
23/12/2025

4th Gift Giving
Assistance Disteibution for PWD Members

TINGNI Ang PWD Organization ng Brgy. Santa Rita Karsada,nagsagawa ng General Assembly Upang  lahat ng Members ng PWD ng ...
29/09/2025

TINGNI
Ang PWD Organization ng Brgy. Santa Rita Karsada,
nagsagawa ng General Assembly Upang lahat ng Members ng PWD ng Brgy.. mapairehistro sa Doh at maupdate kanilang ID para maging 16 Digit kasama ang Ang Staff ng taga PDAO Office..at mga PWD Officers ng Brgy Santa Rita

Attention to all PWDPlease Read.
27/09/2025

Attention to all PWD
Please Read.

🎉 Tuwing Agosto 1, ipinagdiriwang ng Pilipinas ang “White Cane Safety Day” alinsunod sa Republic Act 6759 ng 1989. 🦯Maha...
01/08/2025

🎉 Tuwing Agosto 1, ipinagdiriwang ng Pilipinas ang “White Cane Safety Day” alinsunod sa Republic Act 6759 ng 1989. 🦯

Mahalaga ang bawat isa sa pagtataguyod ng mga layunin ng R.A. No. 6759, na kilala bilang WHITE CANE ACT. Tayo ay magkaisa sa pagpapalaganap ng kamalayan at paggalang sa mga bulag, at tiyakin ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

📢 Persons With Disability (PWD) AnnouncementBRGY. SANTA RITA KARSADA – NOW ACCEPTING NEW MEMBERS🧑‍🦽 We are now accepting...
01/08/2025

📢 Persons With Disability (PWD) Announcement
BRGY. SANTA RITA KARSADA – NOW ACCEPTING NEW MEMBERS

🧑‍🦽 We are now accepting new members for the official PWD list in Brgy. Santa Rita Karsada, Batangas City.

📌 Requirements (Submit Photocopies):

Back-to-back PWD ID (Xerox copy)

DOH Registration document (Xerox copy)

📥 Submit to:
PWD Secretary: Jedmar Garing
📱 0997 600 2423
📍 At the back of Barangay Hall

đź’š Let's continue supporting our inclusive and empowered community

31/07/2025
TINGNI: Nagpamalas ng ibat-ibang talento ang mga Persons with Disability (PWD) sa Batangas City sa Festival of Talents n...
29/07/2025

TINGNI: Nagpamalas ng ibat-ibang talento ang mga Persons with Disability (PWD) sa Batangas City sa Festival of Talents na itinaguyod ng City Social Welfare & Development Office (CSWDO) ngayong araw, July 29.

Ang naturang gawain ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng 47th National Disability Rights Week (NDRW) na isang taunang selebrasyon alinsunod sa Proclamation No. 597 s 2024 na layong higit na palawakin ang kamalayan hinggil sa mga karapatan ng mga PWD.

Isisnusulong nito ang pagkakaroon ng ganap na partisipasyon ng mga PWD sa lipunan at mabigyan sila ng pagkakataon na mapatunayan na marami silang kayang gawin sa kabila ng kanilang kapansanan.

Ang temang “Innovation for Inclusion: Building Inclusive Communities Together” ay nagsisilbing paalala na tungkulin ng bawat isa na magtulungan upang makabuo ng isang komunidad na bukas at handang tanggapin ang sinuman.

Ayon kay CSWD Officer Hiyasmin Candava, ang Festival of Talents ay espasyo upang maipakita ang kakayahan at talento ng mga PWD na nagsilbing inspirasyon at nag papakita na walang diskriminasyon.

Sa mensaheng ipinaabot ni Mayor Marvey Mariño sa pamamagitan ni Executive Assistant Nestor Dimacuha, sinabi niya na magpapatuloy ang lokal na pamahalaan sa pagsuporta sa pagbibigay ng serbisyo at pantay na oportunidad sa lahat tulad ng pagbibigay ng access sa serbisyong medikal, edukasyon at hanapbuhay.

Highlight ng pagdiriwang ang PWD Got Talent kung saan10 kalahok mula sa School at community level ang nagtagisan ng galing sa pagsayaw, pag-awit, at visual arts.

Nanalo sa Community level si Marlo Buenafe mula sa Poblacion 8 habang wagi naman sa School level si Alexa Lorraine Manalo ng Batangas City Integrated High School (BCIHS).

Nakiisa sa naturang selebrasyon sina Atty. Ben John Maralit, City Schools Division Superintendent Dr. Hermogenes Panganiban at District SPED Supervisor Dr. Rosalina Panganiban.

Katuwang ng CSWDO ang DepEd Batangas at PWD Federation sa pagtatanghal ng Festival of Talents. (PIO Batangas City)

Lubos na sinusuportahan ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr...
29/07/2025

Lubos na sinusuportahan ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) 2025 hinggil sa pagpapalawak ng mga benepisyo ng PhilHealth para sa mga Persons with Disabilities.

“At para sa mga Persons with Disabilities, sakop na rin ng PhilHealth ang inyong therapy at rehabilitasyon, pati na rin ang mga mahahalagang kagamitang pangsuporta para sa inyo.

Pinabibilis pa natin ang proseso ng pagbayad ng PhilHealth sa mga ospital at mga klinika, para naman siguradong maayos at hindi naaantala ang kanilang serbisyo sa mga pasyente.”

Para sa NCDA, ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa mas inklusibong serbisyong pangkalusugan. Sa pagsasama ng therapy, rehabilitasyon, at mga assistive devices sa mga serbisyong saklaw ng PhilHealth, pinatitibay ng administrasyon ang pagkilala sa mga pangangailangan ng sektor ng may kapansanan.

Tuloy ang paninindigan ng NCDA para sa mga programang nagsusulong ng karapatan, dignidad, at kapakanan ng lahat ng persons with disabilities.

Address

Sta Rita Karsada Batangas City
Batangas City
4200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PWD Brgy Santa Rita Karsada posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share