27/08/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ โ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Bida ang mga magmamangga sa ginanap na Mango Stakeholder's Consultation ngayong ika-27 ng Agosto 2026 sa Office of the Provincial Agriculturist.
Mula sa tamang plant propagation at pest management hanggang sa mga usapin ng export procedures, crop insurance at credit programs, layunin ng gawaing ito na bigyan ng sapat na kaalaman at suporta ang mga magsasaka ng mangga sa rehiyon. Bukod sa kasanayan mula sa mga resource speakers, nakatanggap din ng mga agricultural inputs ang mga kalahok sa pagtitipon na magagamit nila sa kanilang mga sakahan.
Sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA) Region IV-A at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, nagkaisa ang mga magsasaka at katuwang sa industriya mula sa iba't ibang lalawigan ng CALABARZON upang talakayin ang mga mahahalagang usapin sa larangan ng pagmamangga. Isa itong mahalagang hakbang tungo sa pagpapaunlad ng industriya ng mangga sa Region IV-A at sa Lalawigan ng Batangas.