Palakat Batangas City

Palakat Batangas City Provides information about the city government and community events. The official page of the City Government of Batangas.

Tips Ngayong Tag-Ulan
06/08/2026

Tips Ngayong Tag-Ulan




06/08/2026

Mr. Noel Silang
PESO Officer, Batangas City
August 6, 2026

05/08/2026

๐Œ๐„๐Œ๐Ž๐‘๐€๐๐ƒ๐”๐Œ ๐‚๐ˆ๐‘๐‚๐”๐‹๐€๐‘ ๐๐Ž. ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ, ๐ฌ. ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

In view of the continued heavy rainfall brought about by Tropical Storm Maymay and the Southwest Monsoon, and upon the recommendation of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), work in government offices and classes at all levels in the National Capital Region and the provinces of Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Abra, Zambales, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Apayao, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, and Occidental Mindoro are hereby suspended on 06 August 2026.

Agencies delivering essential and emergency services shall continue their operations. The suspension of work in private companies and offices is left to the discretion of their respective heads.

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/5V8uZY

TINGNI: Pinaigting ng pamahalaang lungsod  ang kampanya laban sa human trafficking sa pamamagitan ng pagsasagawa ng orie...
05/08/2026

TINGNI: Pinaigting ng pamahalaang lungsod ang kampanya laban sa human trafficking sa pamamagitan ng pagsasagawa ng orientation sa mga may-ari ng hotel, motel, resort, at iba pang business at private establishments hinggil sa Laws on Trafficking in Persons (TIP), August 5.

Pinangunahan ng Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO), katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya, ang aktibidad na naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok sa pag-iwas at paglaban sa human trafficking, ilegal na recruitment, at iba pang anyo ng eksploitasyon.

Ipinaliwanag ni DSWD Region IV-A Social Welfare Officer at TIP Focal Person Anika Kyla Ligeralda ang mahahalagang probisyon ng Republic Act No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, Republic Act No. 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012, at Republic Act No. 11862 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, na nagpapalawak ng proteksyon sa mga biktima at nagpapatibay ng mga hakbang laban sa trafficking, kabilang ang cyber-trafficking.

Tinalakay rin niya ang Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons (RRPTP) ng DSWD na nagbibigay ng pansamantalang tirahan, tulong medikal, pinansyal, psychosocial services, at serbisyong pangkabuhayan upang matulungan ang mga biktima-survivor na makabangon at makabalik sa lipunan.

Samantala, ibinahagi ni Project Development Officer Ray Andrew Villafuerte ng DSWD Region IV-A ang tungkol sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at ang Republic Act No. 11930 o Anti-OSAEC and Anti-CSAEM Act, na naglalayong protektahan ang mga bata laban sa online sexual abuse at child sexual abuse o exploitation materials.

Sa pamamagitan ng naturang gawain, inaasahan na mas mapalawak pa ang kamalayan at maprotektahan ang bawat Batangueรฑo laban sa human trafficking at iba pang anyo ng pang-aabuso. (PIO Batangas City)

TINGNI: Naghanda ang Office of the Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng iba't ibang aktibidad para sa pagdiriwang ng ...
05/08/2026

TINGNI: Naghanda ang Office of the Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng iba't ibang aktibidad para sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan (LNK) 2026 sa Batangas City.

Ayon kay SK Federation President Sherwin Tejada, layunin ng selebrasyon na mahikayat ang aktibong pakikilahok ng mga kabataan sa mga programang nagtataguyod ng pamumuno, pagkakaisa, at paglilingkod sa komunidad.

Hangad din nitong malinang ang kanilang kakayahan, maipamalas ang kanilang mga talento, at mapalakas ang kanilang papel bilang katuwang sa pag-unlad ng lungsod.

Magsisimula ang pagdiriwang sa Agosto 8 sa pamamagitan ng banal na misa sa Minor Basilica and Parish of the Immaculate Concepcion, kasunod ang Parade Competition at Araw ng Halubilo.

Kabilang sa mga susunod na aktibidad ang Photo Essay (Agosto 13), Synergy at Side Hustle sa Batangas City Convention Center (Agosto 14), Health Caravan (Agosto 15), Mangrove Planting sa Barangay Malitam (Agosto 16), Storytelling Activity para sa mga Day Care Center (Agosto 17โ€“20), Digital Literacy para sa ALS students sa Batangas City Library (Agosto 21), Junior City Officials Week (Agosto 22โ€“23), at Visitation to BJMP (Agosto 28).

Magpapatuloy ang selebrasyon sa Setyembre sa pamamagitan ng Leadership Training and Values Information (Setyembre 3), Educational Forum (Setyembre 4), 4th Batangas City Youth Congress (Setyembre 5โ€“6), Community Immersion sa komunidad ng mga Aeta (Setyembre 6), Outreach Program (Setyembre 10), at KK Night, Art You Can Carry, Lakan at Lakambini, at Awards Night (Setyembre 13).

Magtatapos ang Linggo ng Kabataan sa Setyembre 20 sa pamamagitan ng International Coastal Clean-up at SK Night and Awards Night for SK Officials. (PIO Batangas City)

TINGNI: Malaking tulong at ginhawa ang naidulot sa 7,201 senior citizens ng iba'tibang barangay sa Batangas City matapos...
05/08/2026

TINGNI: Malaking tulong at ginhawa ang naidulot sa 7,201 senior citizens ng iba'tibang barangay sa Batangas City matapos nilang matanggap ang โ‚ฑ3,000 social pension, na katumbas ng tatlong buwang benepisyo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang social pension ay isang suportang pinansyal mula sa national government para sa mga kwalipikadong indigent senior citizens upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, kabilang ang pagkain, gamot, at iba pang mahahalagang gastusin.

Upang matiyak ang mas mabilis, maayos, at maginhawang pamamahagi ng ayuda, isinagawa ang payout sa iba'tibang venue sa mga barangay sa lungsod mula July 31 hanggang August 5.

Sa pamamagitan nito, nabawasan ang pagsisiksikan at naging mas maalwan para sa mga benepisyaryo ang pagtanggap ng kanilang social pension.

Pinangasiwaan ang payout ng Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO) sa pakikipagtulungan ng City Treasurer's Office (CTO), bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng serbisyong may malasakit ng pamahalaan para sa mga Batangueรฑong senior citizens. (PIO Batangas City)

๐Ÿ“๐Ÿ ๐๐ž๐ง๐ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ซ๐ฒ๐จ, ๐“๐ฎ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐”๐ฉ๐ ๐ซ๐š๐๐ž๐ ๐…๐ž๐ฆ๐š๐ฅ๐ž ๐†๐จ๐š๐ญ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐†๐จ๐š๐ญ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒNagkaloob ang Pamahalaang ...
05/08/2026

๐Ÿ“๐Ÿ ๐๐ž๐ง๐ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ซ๐ฒ๐จ, ๐“๐ฎ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐”๐ฉ๐ ๐ซ๐š๐๐ž๐ ๐…๐ž๐ฆ๐š๐ฅ๐ž ๐†๐จ๐š๐ญ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐†๐จ๐š๐ญ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ

Nagkaloob ang Pamahalaang Lungsod ng Batangas ng upgraded female goats sa 52 benepisyaryo sa ilalim ng Goat Dispersal Program na ipinatutupad ng Office of the City Veterinarian (OCV) ngayong Agosto 5.

Pinangunahan ni Mayor Marvey Mariรฑo, kasama sina Konsehal Claudette Ambida at Konsehal Aileen Dimacuha, ang pamamahagi ng mga kambing sa unang batch ng mga benepisyaryo para sa taong ito.

Ayon kay City Veterinarian Dr. Shiela Lualhati, layunin ng programa na mabigyan ng dagdag na kabuhayan ang mga benepisyaryo, mapaunlad ang pag-aalaga ng kambing sa lungsod, at matulungan ang iba pang mamamayan. Sa ilalim ng programa, ang bawat benepisyaryo ay magbibigay ng isang dumalagang kambing mula sa magiging anak ng kanilang alaga sa isang karapat-dapat na kabarangay.

Sinabi naman ni Mayor Mariรฑo na hangad ng kanyang administrasyon na mapalawak pa ang programa upang mas marami pang taga lungsod ang makinabang, kasabay ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang nagpapalakas sa sektor ng agrikultura.

Bago ang pamamahagi, sumailalim muna ang mga benepisyaryo sa isang orientation seminar hinggil sa wastong pag-aalaga at pagpaparami ng kambing. Magsasagawa rin ang OCV ng regular na monitoring upang magabayan ang mga benepisyaryo at matiyak ang tagumpay ng programa.

TINGNI:   Sa kabila ng mga hamong dulot ng kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng bansa, matagumpay na naisakatuparan ng...
04/08/2026

TINGNI: Sa kabila ng mga hamong dulot ng kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng bansa, matagumpay na naisakatuparan ng pamahalaang lungsod ang 20th edition ng Mayor's Cup, na nagsimula noong Abril at nagbigay ng mas malawak na oportunidad sa mga Batangueรฑo upang maipamalas ang kanilang husay sa iba't ibang larangan ng palakasan.

Para kay Mayor Marvey Mariรฑo, hindi dapat maging hadlang ang anumang pagsubok sa patuloy na pagpapaunlad ng sports, lalo na para sa kabataan.

Mahalagang mabigyan aniya ang mga ito ng mga programa na magpapalakas hindi lamang ng kanilang kakayahan sa palakasan kundi maging ng kanilang disiplina at pagkatao.

Kaugnay nito, tinanghal na kampeon ang Sta. Rita Karsada (SRK) sa Under-12 at Barangay 24 sa Under-22 sa 2026 Mayor's Cup Championship noong August 4.

Tinalo ng Barangay SRK ang karibal na Mahakot West sa score na 66-63 sa U12 sa pangunguna ni Gabriel Bagui sa kaniyang isinumiteng 24 puntos. Si Bagui rin ang hinirang na finals Most Valuable Players samantalang si Marcus Joaquin Gonzales ng Mahacot West ang hinirang na season MVP para U12.

Nakopo naman ng Barangay 24 ang kampeonato ng kanilang pataubin ang Barangay Alangilan sa score na 97-90 sa pangunguna ni finals MVP Charles Ryan Guillo sa kaniyang ginawang 30 puntos.

Nakuha naman ni Mark Jillian Agno ng Poblacion 24 ang pagkilala bilang Most Valuable Player ng season.

Sa pagtatapos naman ng volleyball competition, nasungkit ng Barangay Libjo ang kampeonato sa Women's Division matapos talunin ang Barangay Alangilan sa isang kapanapanabik na limang-set na laban.

Nakuha ng Barangay Bolbok ang ikatlong puwesto matapos pataubin ang Barangay Cuta sa tatlong magkakasunod na set.

Sa Men's Division, muling namayagpag ang Barangay Libjo matapos makamit ang prestihiyosong three-peat championship sa pamamagitan ng panalo laban sa Barangay San Isidro sa finals.

Samantala, itinanghal na third place winner ang Barangay Soro-Soro Ilaya matapos manaig laban sa Barangay Pallocan West.

Tinanghal na Most Valuable Players sa finals sina Grazielle Louie Luengas ng Libjo (Womenโ€™s) at Dylan Rob Sanchez (Menโ€™s) mula pa rin sa Barangay Libjo.

Hinirang namang season MVPโ€™s ng kanilang dibisyon sina Kylie Macatangay ng Bolbok at Vincent King Desepeda ng barangay Pallocan West.

Naging bahagi rin ng Mayor's Cup ang baseball, softball, chess, badminton, table tennis, karate, boxing, swimming, pickleball, at darts.

Sa patuloy na pagpapalawak ng Mayor's Cup, pinatutunayan ng lokal na pamahalaan ang matatag nitong paninindigan na ang pamumuhunan sa sports ay pamumuhunan din sa kinabukasan ng kabataang Batangueรฑo.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, higit na napapalakas ang kultura ng sportsmanship, pagkakaisa, at kahusayan na siyang magbibigay-daan sa paghubog ng susunod na henerasyon ng mga atletang magdadala ng karangalan sa lungsod. (PIO Batangas City)

TINGNI:  Lumahok ang๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐“๐จ๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž at ๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐„๐œ๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ข๐œ ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฏ๐ž๐ฌ๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ ๐๐ซ๐จ๐ฆ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž (๐‹๐„๐ƒ๐ˆ๐๐Ž)...
04/08/2026

TINGNI: Lumahok ang๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐“๐จ๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž at ๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐„๐œ๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ข๐œ ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฏ๐ž๐ฌ๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ ๐๐ซ๐จ๐ฆ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž (๐‹๐„๐ƒ๐ˆ๐๐Ž) sa ginanap na ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—ญ๐—ข๐—ก ๐—ง๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—บ ๐—•๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—˜๐˜…๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฒ ๐—˜๐˜…๐—ฝ๐—ผ (๐—–๐—•๐—ง๐—˜๐—ซ) ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ noong Hulyo 31.

Kinatawan ng lokal na pamahalaan ang mga naturang tanggapan upang ipakilala ang mga atraksyong panturismo at mga oportunidad sa pamumuhunan sa lungsod.

Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ng CALABARZON Alliance of Independent Tour Operators (CAITO) katuwang ang Department of Tourism (DOT) Region IV-A, kung saan inilunsad din ang โ€œONE CALABARZONโ€ na isang inisyatibong naglalayong pag-isahin ang promosyon ng mga tourist destinations at palakasin ang ugnayan ng mga lokal na pamahalaan, tourism enterprises, at iba pang katuwang sa industriya.

Binigyang-diin dito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga tourism partners upang maisulong ang inklusibong paglago, mapanatili ang kalidad ng serbisyo, at higit pang maitaguyod ang CALABARZON bilang pangunahing destinasyon sa bansa.

Ang paglahok ng Batangas City sa CBTEX 2026 ay bahagi ng mga hakbangin ni Mayor Marvey Mariรฑo upang higit pang mapaunlad ang industriya ng turismo sa lungsod.

Magugunita na bilang Chairperson ng Tourism Council, iniutos niya noong Hunyo ang muling pagbabalangkas at pagbuo ng Technical Working Group (TWG) na mangunguna sa pagpapalakas ng mga programa at proyekto para sa turismo.
(PIO Batangas City)

TINGNI: Nagsimula na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A sa pamamahagi ng Unified Packag...
04/08/2026

TINGNI: Nagsimula na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A sa pamamahagi ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Program para sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa lungsod, Agosto 4.

Isinagawa ang payout sa Batangas City Coliseum kung saan 442 benepisyaryo ang tumanggap ng kanilang cash assistance.

Ang UPLIFT Program ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang gawing mas episyente at mas accessible ang paghahatid ng tulong-pinansyal sa mga mahihirap, near-poor, at low-income na pamilyang naapektuhan ng national energy emergency at patuloy na pagtaas ng gastusin sa pamumuhay.

Ayon sa DSWD, ang pagpili ng mga benepisyaryo ay nakabatay sa datos ng 2024 Philippine Statistics Authority (PSA) mula sa Community-Based Monitoring System (CBMS), na isinailalim sa validation ng Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO) at beripikasyon ng DSWD.

Sa ilalim ng programa, makatatanggap ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ng โ‚ฑ2,000 buwanang ayuda mula Hulyo hanggang Disyembre alinsunod sa umiiral na mga alituntunin ng ahensya.

Kasabay ng payout, isinagawa rin ang Government-to-Person (G2P) registration upang maihanda ang mga benepisyaryo sa digital payout sa mga susunod na buwan.

Matapos ang unang manual payout, maaari na nilang gamitin ang G2P App upang piliin ang kanilang digital wallet o bank account para sa mga susunod na ayuda.

Pinaaalalahanan ng DSWD na tanging ang mga nasa opisyal na listahan ng mga aprubadong benepisyaryo ang maaaring tumanggap ng ayuda.

Hinihikayat din ang mga benepisyaryo na sundin ang itinakdang iskedyul at dalhin ang mga kinakailangang dokumento upang maging maayos ang proseso ng payout.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring bisitahin ang opisyal na page ng DSWD o makipag-ugnayan sa OCSWDO. (PIO Batangas City)
โ€Ž
โ€Ž

Address

Batangas City Hall, P. Burgos Street
Batangas City
4200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Palakat Batangas City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Palakat Batangas City:

Shortcuts

Share