05/09/2026
Magandang umaga po!
Ipinababatid po namin na magkakaroon ng Medical Mission ang Philippine Coconut Authority (PCA) para sa ating mga magniniyog (coconut farmers, owners, o workers) sa September 18, 2026, sa Office of the Provincial Agriculturist – Batangas.
Kaugnay po nito, magkakaroon ng Updating ng NCFRS (National Coconut Farmers Registry System) at Registration bilang paghahanda para sa nasabing medical mission. Iniimbitahan po ang lahat ng magniniyog (coconut farmers, owners, o workers) sa inyong barangay na dumalo sa itinakdang petsa at lugar ng inyong barangay: makikisabi po sa lahat ng magniniyog, kahit po sila ay may ari ng niyugan, trabahador sa niyugan gaya ng magkakawit, magtatapas, magkokopra at iba pa po
September 8, 2026 – Barangay Hall ng Haligue Kanluran,
🕗 Oras: to be announce
Kailangang dalhin:
1. Xerox ng Government-Issued ID na may 3 pirma
2. 2x2 ID picture
3. Proof of Ownership ng lupang niyugan (hal. Land Title o Tax Declaration)
4. Para sa mga workers o tenant ng niyugan: Barangay Certification mula sa inyong barangay bilang patunay
Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa!