Batangas Provincial Library

Batangas Provincial Library The Official page of the Batangas Provincial Library
Reach us here: (043) 984-5532

18/08/2026
๐Ÿ“š๐ŸŒง๏ธ Kahit maulan, tuloy ang serbisyo. Noong Agosto 4 sa Lemery at Agosto 6 sa Balayan, isinagawa ang assessment visits n...
10/08/2026

๐Ÿ“š๐ŸŒง๏ธ Kahit maulan, tuloy ang serbisyo. Noong Agosto 4 sa Lemery at Agosto 6 sa Balayan, isinagawa ang assessment visits ng Batangas Provincial Library bilang bahagi ng MBA-VSR Validation.

Mula sa mayamang kasaysayan ng Lemery hanggang sa makulay na heritage ng Balayan, kapwa ipinakita ng mga bayan ang kanilang mga programa at inisyatibang nakatuon sa mahusay na serbisyo at patuloy na pag-unlad ng komunidad. Binibigyang-diin pa rin ang mahalagang papel ng mga pampublikong aklatan sa bawat bayan, gayundin ang pagpapatupad ng RA 7743 para sa pagtatatag ng mga aklatan. ๐Ÿ“–

Patuloy ang serbisyo at pagpapaunlad para sa bawat Batangueรฑo! ๐Ÿ’™

Ngayong Buwan ng Wika, subukan ang Sylla App, isang libreng mobile application na tutulong sa iyo para matutunan ang Bay...
10/08/2026

Ngayong Buwan ng Wika, subukan ang Sylla App, isang libreng mobile application na tutulong sa iyo para matutunan ang Baybayin sa pamamagitan ng maiikling lessons! Available ito sa Android at iOS. ๐Ÿ“ฑ

Isang tap lang, matututo ka na ng Baybayin! ๐Ÿ‘€
Gawing makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. I-download ang app at simulan ang iyong Baybayin journey!

Gawing Accessible ang Public Libraries! Huwag nating kalimutan ang ating mga kauna-unahang data centers, ang tunay na pu...
06/08/2026

Gawing Accessible ang Public Libraries! Huwag nating kalimutan ang ating mga kauna-unahang data centers, ang tunay na pundasyon ng kaalaman, ang ating mga pampublikong aklatan!

Lakasan natin ang panawagan para sa mas inklusibo at accesible na mga pampublikong aklatan. ๐Ÿ“šโœจ

While the government is investing heavily in artificial intelligence and digital infrastructure, many Filipinos still lack access to the most basic tools for learning.

The countryโ€™s literacy rate reveals a gap that technology alone cannot solve. Before people can use AI effectively, they must first be able to read, understand, and think critically.

๐Ÿ”— Read more using the link provided in the comments section

Sumisid sa isang underwater adventure kasama si Pawi! ๐Ÿข๐ŸŒŠโœจโ€‹Samahan si Pawi the Sea Turtle at tuklasin ang ganda ng ating ...
04/08/2026

Sumisid sa isang underwater adventure kasama si Pawi! ๐Ÿข๐ŸŒŠโœจ

โ€‹Samahan si Pawi the Sea Turtle at tuklasin ang ganda ng ating karagatan sa e-book na "The Wonderful West Philippine Sea with Pawi the Sea Turtle"!

โ€‹Isang kwentong puno ng kulay at aral para sa ating mga chikiting, kung paano mahalin at protektahan ang ating West Philippine Sea! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Ÿ“˜โ€‹๐Ÿข Basahin ang libreng e-book mula sa DENR:
https://covver.com/magazine/scis.dcd/the-wonderful-west-philippine-sea-5/1

Tingnan!Batangas Provincial Library at University of Batangas Grade School: Pagtutulungan para sa mas matibay na serbisy...
04/08/2026

Tingnan!

Batangas Provincial Library at University of Batangas Grade School: Pagtutulungan para sa mas matibay na serbisyong pang-aklatan

Ang Batangas Provincial Library ay buong karangalan na nakatanggap ng pagbisita mula sa mga g**o ng University of Batangas Grade School, sina Gng. Ana E. Ebora at Gng. Demetria Alipusan. Ang naturang pagpupulong ay nagbunga ng makabuluhan at kapaki-pakinabang na talakayan na naglatag ng mga posibilidad para sa mga susunod na proyekto ng pagtutulungan. Sa pamamagitan ng nasabing pakikipag-ugnayan, inaasahan ang mas matibay na kolaborasyon sa mga programang pang-akademiko at pangkomunidad na naglalayong palakasin ang literasi, pagpapalawak ng kaalaman, at pagpapaigting ng pagmamahal sa pagbasa.

Ipinapaabot ng Batangas Provincial Library ang taos-pusong pasasalamat kay Punong-g**o Sir Jonathan Ramirez sa kanyang mahalagang inisyatiba na nagbigay-daan sa pagkakaugnay na ito. Ang kanyang suporta ay nagsilbing tulay upang higit pang mapalawak ang misyon ng parehong institusyon sa paglilingkod sa kabataan at sa komunidad. Salamat po Sir!

Tara basa tayo.
Our Vision, Services & Resources (VSR) โ€” Empowering Communities Through Libraries.
Matatag na Pampublikong Aklatan

Katuwang ang Provincial School Board para sa sektor ng edukasyon sa MVA-VSR, patuloy na isinusulong ng Batangas Provinci...
03/08/2026

Katuwang ang Provincial School Board para sa sektor ng edukasyon sa MVA-VSR, patuloy na isinusulong ng Batangas Provincial Library ang kahalagahan ng mga pampublikong aklatan bilang katuwang sa pagbuo ng isang maunlad at matatag na Batangas.

Sa isinagawang pagbisita ng assessment team sa mga bayan ng Sta. Teresita, Tingloy, San Juan at Calatagan bilang bahagi ng Matatag na Batangas Awards โ€“ Visionary Leadership Towards Sustainable and Resilient (MBA-VSR) LGUs, nasuri ang mga programa at inisyatibang nagpapakita ng mahusay na pamamahala at dedikasyon sa paghahatid ng serbisyo.

Patuloy ding binibigyang-diin ang kahalagahan ng RA 7743 sa mga munisipalidad sa pagtatatag at pagpapalakas ng mga pampublikong aklatan.

Sama-sama nating isulong ang kulturang nagmamahal sa kaalaman para sa bawat Batangueรฑo! ๐ŸŒฑ๐Ÿ“š

Gamitin natin ang teknolohiya nang may paninindigan sa katotohanan at gabay ng ating wika. Sa panahon ng Artificial Inte...
03/08/2026

Gamitin natin ang teknolohiya nang may paninindigan sa katotohanan at gabay ng ating wika. Sa panahon ng Artificial Intelligence, higit nating pahalagahan ang Wikang Filipino bilang tulay ng kaalaman, pananaliksik at komunikasyon.

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐‘๐ž๐ฏ๐ž๐š๐ฅ!

Maaari mo nang ma-download o makakuha ng kopya ng poster ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Mada-download ang digital na poster at iba pang kolaterals sa: https://hostyurl.com/HB40c1

๐‡๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ญ๐ž๐ฆ๐š

Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Panawagan ito para sa responsableng paggamit ng AI habang tinitiyak na may makabuluhang espasyo ang Wikang Pambansa sa mga usaping may kinalaman sa mga umuusbong na teknolohiya at kaugnay na usaping pang-etika rito.

Itinuturing ang AI bilang kasangkapan para maiangat pa lalo ang kalidad ng saliksik na inihahandog ng mga Pilipino, unang-una, para sa mga kapuwa Pilipino. Habang kinakasangkapan ang AI, patuloy pa ring tinatahak ng wikang Filipino ang landas ng intelektuwalisasyon na magbubunga ng panloob at panlabas na pagbabago sa bansa. Sa ganitong paraan, kapuwa ang AI at wikang Filipino ay nagiging tulay na gagamitin ng mga Pilipino para sa kanilang pinapangarap na magandang bรบkas.

Ating ipagdiwang ang ating Wikang Pambansa sa Agosto 2026!

Noong Hulyo 29, 2026, nagtungo ang Batangas Provincial Library sa Bauan General Hospital para sa Reading for Healing. Ka...
30/07/2026

Noong Hulyo 29, 2026, nagtungo ang Batangas Provincial Library sa Bauan General Hospital para sa Reading for Healing. Kaugnay pa rin ng Nutrition Month, naghatid ang BPL ng storytelling at regalo upang magbahagi ng aral sa kalusugan at pag-asa sa mga bata sa pediatric ward.

โ€‹Taos-pusong pasasalamat sa Bauan General Hospital sa pangunguna ni Dr. Allen C. Mato, Chief of Hospital, pati na rin sa mga staff sa inyong mainit na pagtanggap. Isang malaking pasasalamat din sa aming partners na KoopBatangan at Batangas City Public Library and Information Center para sa inyong suporta at pakikipagpartnership. Ang inyong suporta at mga laruang ipinamahagi ay nagdala ng malaking saya sa mga bata.

โ€‹Patuloy tayong magkaisa para sa kalusugan at ngiti ng bawat bata! ๐Ÿฅ—๐Ÿ“šโœจ

Address

Capitol Site, Kumintang Ibaba
Batangas City
4200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63439845532

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batangas Provincial Library posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Batangas Provincial Library:

Shortcuts

Share

Category