18/08/2026
BARANGAY DRRM SITUATION & RESPONSE UPDATE
Sa patuloy na pag-ulan ngayong araw, patuloy ang ating monitoring, assessment, at agarang pagtugon sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ating barangay.
Narito ang mga isinagawang interventions ngayong araw:
π Sitio Proper
Nagsagawa ng pagtanggal ng harang sa isang canal na naging sanhi ng pagbara ng daloy ng tubig at pagpasok nito sa ilang kabahayan sa lugar. Agaran itong na-clear upang muling maging maayos ang daloy ng tubig.
πSitio Proper & Sitio Ibabao
Nakapagtala ng pagguho ng lupa sa bahagi ng Sitio Proper na nagmula sa bandang Sitio Ibabao. Patuloy ang monitoring sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
πSitio Palacios β Arcega Area
Nakapagtala ng isa pang pagguho ng lupa malapit sa Malampaya, along the highway. Agaran namang isinagawa ang clearing operations katuwang ang ating Barangay Utility sa pangunguna ng ating Foreman at Patrol Barkadahan upang mapanatiling ligtas at passable ang nasabing bahagi ng kalsada.
πSitio Proper β Malapit sa Barangay Hall
Dahil na-trap ang tubig mula sa ilang kabahayan at nagdulot ng pagbaha sa loob ng mga bahay, agad na nagsagawa ng intervention ang ating Barangay Utility, katuwang ang BDRRMO at BDRRMC, sa pamamagitan ng paggawa ng pansamantalang outfall/canal upang mailabas at ma-drain ang naipong tubig mula sa mga apektadong kabahayan.
π€ PASASALAMAT
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga Barangay Utility, Barangay Tanod, BDRRMO, at sa bumubuo ng BDRRMC na pinangungunahan ng ating butihing Pangulo Jayferson C. Berberabe na patuloy na kumikilos at naglilingkod sa kabila ng walang tigil na pag-ulan.
Ang inyong oras, pagod, at agarang pagtugon ay malaking bahagi ng pagpapanatili ng kaligtasan ng ating mga Ka-Barangay.
Lubos din nating pinasasalamatan ang pagbisita at pag-monitor ni Congresswoman Cong. Beverley Rose A. Dimacuha, na personal na siniguro ang kalagayan ng ating mga kabahayan at mga residente upang matiyak na ang Barangay Tabangao Ambulong ay nananatiling maayos at ligtas sa kabila ng nararanasang sama ng panahon.
Patuloy ang monitoring at response operationsng ating Barangay DRRM Team. Hinihikayat ang lahat na manatiling alerto, mapagmatyag, at handa, at agad na ipagbigay-alam sa kinauukulan ang anumang insidente o senyales ng panganib.
Sa panahon ng sakuna, walang maliit na tulong. Bawat kamay na kumikilos, bawat taong nagbabantay, at bawat aksyong ginagawa ay para sa kaligtasan ng buong komunidad.
Manatiling alerto. Manatiling handa.
Para sa ligtas na Barangay Tabangao Ambulong. π§οΈπ¨π€