Brgy. Catandala, Batangas City

Brgy. Catandala, Batangas City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Catandala, Batangas City, Public & Government Service, Batangas City.

Flag Raising Ceremony 09/07/2026
07/09/2026

Flag Raising Ceremony
09/07/2026

Isang pagpupugay sa mga batang manlalaro ...mabuhay ang Batang Catandaleño
07/09/2026

Isang pagpupugay sa mga batang manlalaro ...
mabuhay ang Batang Catandaleño

Isang Pagbati sa mga Batang Catandaleño..Congratulations 🎉🎉🎉 Mabuhay ang mga Batang Catandaleño!
06/09/2026

Isang Pagbati sa mga Batang Catandaleño..
Congratulations 🎉🎉🎉

Mabuhay ang mga Batang Catandaleño!

🏆 CONGRATULATIONS, CAMPUS JOURNALISTS! 🏆
2026 CLUSTERED DISTRICT PRESS CONFERENCE

Warmest congratulations to the Campus Journalist Winners, Participants and Observers of Katandala Elementary School! 🎉📰✍️📸

Your dedication, courage, creativity, and passion for journalism have brought pride and honor to our school. Your achievements are a testament to your hard work, perseverance, and commitment to excellence.

🌟 Keep writing. Keep informing. Keep inspiring. Keep making a difference. 🌟

May you continue to use your voice, pen, and talent to tell meaningful stories and become responsible young journalists who inspire positive change.

WE ARE SO PROUD OF YOU!

Congratulations, our young journalists! 🎊👏🏆

KATANDALA ELEMENTARY SCHOOL
“Knowledge with Empathy is Success”
“Unlock to Change Lives.”

Makipag ugnayan lamang kay Kgg. Nora Ibon para sa impormasyon...
06/09/2026

Makipag ugnayan lamang kay Kgg. Nora Ibon para sa impormasyon...

BALITA MULA SA BARANGAY 09/03/2026GAD SEMINAR ISINAGAWA SA BARANGAY CATANDALACATANDALA, BATANGAS CITY —Isinagawa noong S...
05/09/2026

BALITA MULA SA BARANGAY
09/03/2026
GAD SEMINAR ISINAGAWA SA BARANGAY CATANDALA

CATANDALA, BATANGAS CITY —Isinagawa noong Setyembre 3, 2026 ang Gender and Development (GAD) Seminar sa Barangay Catandala, Batangas City, na nilahukan ng mga kinatawan mula sa Sangguniang Barangay (SB), Sangguniang Kabataan (SK), at mga Civil Society Organization (CSO) bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng gender equality at inclusive community development.

Pinangunahan ang naturang seminar ng CPDO Representative na si Ma’am Carla Pagcaliwagan , na nagsilbing pangunahing tagapagsalita at nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mga prinsipyo ng Gender and Development, gender sensitivity, pagkakapantay-pantay, at kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng bawat sektor ng komunidad.

Naging pagkakataon din ang seminar upang mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga dumalo hinggil sa mga isyung may kaugnayan sa kasarian at kung paano maisasama ang GAD perspective sa pagpaplano, pagpapatupad, at pagsusuri ng mga programa at proyekto ng barangay. Aktibo ring nakibahagi ang mga kalahok sa talakayan at iba’t ibang gawain ng seminar.

Patuloy namang ipinapakita ng Barangay Catandala ang pangako nitong isulong ang isang ligtas, pantay, inklusibo, at gender-responsive na pamayanan, katuwang ang SB, SK, CSOs, at iba pang stakeholders. Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, layunin ng barangay na higit pang mapalakas ang kamalayan at pakikiisa ng komunidad tungo sa makabuluhang pag-unlad para sa lahat.

Mabuhay ang Mamamayang Catandaleños





BALITA MULA SA BARANGAY 09/04/2026BATANG KINATAWAN NG BARANGAY CATANDALA, NAKILAHOK SA CHILDREN’S CONGRESS 2026BATANGAS ...
05/09/2026

BALITA MULA SA BARANGAY
09/04/2026
BATANG KINATAWAN NG BARANGAY CATANDALA, NAKILAHOK SA CHILDREN’S CONGRESS 2026

BATANGAS CITY | September 4, 2026 — Isinagawa ang ᴄʜɪʟᴅʀᴇɴ'ꜱ ᴄᴏɴɢʀᴇꜱꜱ 2026 ng Lungsod ng Batangas noong Setyembre 4, 2026 sa Fontefino Hotel, na dinaluhan ng mga BCPC representatives mula sa iba’t ibang barangay at paaralan ng lungsod. Layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maipahayag ang kanilang mga saloobin, pananaw at mungkahi para sa kapakanan at proteksyon ng mga bata.

Naging kinatawan ng Barangay Catandala ang batang si SHAUN MARCUS ELI G. IBON , na nagsisilbi ring BCPC Representative ng barangay at isang lider ng kabataan mula pa noong taong 2023 bilang BCPC REPRESENTATIVE ng barangay. Sa kanyang pakikilahok, naipakita niya ang aktibong papel ng mga kabataan sa mga programa at gawain na naglalayong itaguyod ang kanilang mga karapatan at kapakanan.

Ang naturang Children’s Congress ay nagsilbing mahalagang pagkakataon para sa mga batang kinatawan mula sa iba’t ibang barangay at paaralan na makibahagi sa talakayan, magpalitan ng ideya at higit na maunawaan ang kanilang mahalagang papel bilang mga batang lider sa komunidad.

Patuloy na sinusuportahan ng Barangay Catandala ang makabuluhang partisipasyon ng kabataan sa mga programa at aktibidad ng barangay. Ang paglahok ni Shaun Marcus Eli Ibon sa Children’s Congress ay patunay ng pagbibigay-halaga sa boses, karapatan at aktibong pakikilahok ng kabataan tungo sa isang mas ligtas at child-friendly na komunidad.

Mabuhay ang Mamamayang Catandaleños!

BALITA MULA SA BARANGAY 09/02/2026TOP 11- BARANGAY CATANDALA SUMAILALIM SA LEVEL 2 SITE ASSESSMENT PARA SA 2026 VAW ASSE...
02/09/2026

BALITA MULA SA BARANGAY
09/02/2026
TOP 11- BARANGAY CATANDALA SUMAILALIM SA LEVEL 2 SITE ASSESSMENT PARA SA 2026 VAW ASSESSMENT NG LUNGSOD NG BATANGAS

BATANGAS CITY —Isinagawa ang Level 2 Site Assessmentsa Barangay Catandala bilang bahagi ng 2026 Violence Against Women (VAW) Assessment ng Lungsod ng Batangas.

Ang isinagawang assessment ay pinangunahan ng Inter-Agency Monitoring Team na binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan at organisasyon ng lungsod, kabilang ang Department of the Interior and Local Government (DILG), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), PNP Women and Children Protection Desk (PNP-VAW Desk), KALIPI Batangas City–CSO, at City Health Office (CHO).

Mula sa 105 barangays ng Lungsod ng Batangas, 53 barangays ang nakatugon sa itinakdang compliance requirements para sa 2026 VAW Assessment. Mula rito, 11 barangays buhat sa 105 Barangay ang nakabilang sa mga **high-rating barangays** na napili upang sumailalim sa mas masusing Level 2 Assessment.

Kabilang sa Top 11 high-rating barangays ang Barangay Catandala, na sinuri ng Inter-Agency Monitoring Team sa pamamagitan ng aktuwal na pagbisita at pagsusuri sa mga programa, dokumentasyon, sistema, pasilidad, at iba pang kinakailangang requirements na may kaugnayan sa VAW prevention, protection, response, at referral mechanisms sa barangay.

Layunin ng site assessment na mapatunayan ang aktuwal na pagpapatupad ng mga programa at mekanismo ng barangay para sa proteksyon at pagtugon , gayundin ang patuloy na pagpapalakas ng mga serbisyong nakatuon sa kaligtasan, kapakanan, at karapatan ng kababaihan.

Sa isinagawang assessment, ipinakita ng Barangay Catandala ang mga hakbang at inisyatibang ipinatutupad nito upang matiyak ang maayos na koordinasyon ng barangay sa mga kaukulang ahensya at organisasyon sa pagtugon sa mga usaping may kaugnayan sa VAW 9262 hiwalay sa usapin sa Katarungang Pambarangay.

Ang pagkakasama ng Barangay Catandala sa Top 11 high-rating barangays ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng barangay na mapanatili at mapabuti ang mga programa, sistema, at serbisyo para sa proteksyon ng kababaihan at iba pang sektor na nangangailangan ng suporta at agarang pagtugon.

Patuloy na isinusulong ng Barangay Catandala ang ligtas, maayos, at gender-responsive na pamayanan, katuwang ang mga ahensya ng pamahalaan at mga organisasyong nagsisilbi sa komunidad.

Mabuhay ang Mamamayang Catandaleños!

31/08/2026

Hes Coming...

30/08/2026

Para sa gunita sa Araw ng mga Bayani...
Bilang Pabatid Publiko

27/08/2026

Address

Batangas City
4200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Catandala, Batangas City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share