Sangguniang Barangay - Concepcion Batangas City

Sangguniang Barangay - Concepcion Batangas City Official page of Sangguniang Barangay ng Concepcion, Lungsod ng Batangas. Tel. no. (043) 7568949

02/06/2026

π˜Όπ™‰π™‰π™Šπ™π™‰π˜Ύπ™€π™ˆπ™€π™‰π™ πŸ“Œ

Magkakaroon po ng bayaran ng buwis from the Office of the City Treasurer sa darating na June 4, 2026, Huwebes, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon sa Barangay hall.

BARANGAY RESOLUTION NO. 60Series of 2026ISANG RESOLUSYONG NAGPAPAHAYAG NG PAGBATI AT PAGKILALA SA TAU GAMMA SIGMA – CONC...
01/06/2026

BARANGAY RESOLUTION NO. 60
Series of 2026

ISANG RESOLUSYONG NAGPAPAHAYAG NG PAGBATI AT PAGKILALA SA TAU GAMMA SIGMA – CONCEPCION CHAPTER DAHIL SA MATAGUMPAY NA PAGPAPATUPAD NG KANILANG PROYEKTONG β€œBALIK ESKWELA: LAPIS AT PAPEL PROGRAM 2026”

SAPAGKAT, kinikilala ng Sangguniang Barangay ng Barangay Concepcion ang mahalagang papel ng mga organisasyon sa pagsusulong ng mga programang pang-edukasyon at pangkomunidad;

SAPAGKAT, matagumpay na naisagawa ng Tau Gamma Sigma – Concepcion Chapter ang kanilang proyektong β€œBalik Eskwela: Lapis at Papel Program 2026” na naglalayong makatulong sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga kagamitang pampaaralan;

SAPAGKAT, ang nasabing proyekto ay taon-taon nilang ginagawa mula 2023 upang magbigay ng inspirasyon at suporta sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang bilang paghahanda ngayong darating na pasukan;

DAHIL DITO, sa mosyon ni Kagawad Manolo Sta Ana, ay pinagpasyahan ng Sangguniang Barangay ng Barangay Concepcion na ipaabot ang taos-pusong pagbati at pagkilala sa Tau Gamma Sigma – Concepcion Chapter dahil sa matagumpay nilang pagsasagawa ng proyektong β€œBalik Eskwela: Lapis at Papel Program 2026”.

PINAGTIBAY ngayong ika-1 ng Hunyo, taong 2026 sa Barangay Concepcion, Batangas City.

BARANGAY RESOLUTION NO. 59Series of 2026ISANG RESOLUSYONG HUMIHILING SA KINAUUKULAN NG REHABILITASYON NG MGA UMIIRAL NA ...
01/06/2026

BARANGAY RESOLUTION NO. 59
Series of 2026

ISANG RESOLUSYONG HUMIHILING SA KINAUUKULAN NG REHABILITASYON NG MGA UMIIRAL NA LINYA NG KURYENTE SA PUROK 1 AT PUROK 3 NG BARANGAY CONCEPCION AT PAGLALAGAY NG SECONDARY LINE UPANG MAKATUGON SA MGA SUSUNOD NA MAGPAPAKABIT NG KURYENTE

SAPAGKAT, mahalaga ang pagkakaroon ng maayos, ligtas, at matatag na suplay ng kuryente para sa kapakanan at kaunlaran ng mga mamamayan ng Barangay Concepcion;

SAPAGKAT, masyado ng delikado ang existing line sa mga nasabing purok dahil sa dami na ng linyang nakakabit dito;

SAPAGKAT, ang paglalagay ng secondary line ay makatutulong upang maiwasan ang sobrang karga sa kasalukuyang linya at masiguro ang maayos at ligtas na serbisyo ng kuryente sa kasalukuyan at mga susunod pang konsyumer;

DAHIL DITO, sa mosyon ni Kagawad Benjie D. Aguilera, ay pinagpasyahan ng Sangguniang Barangay ng Barangay Concepcion, na humiling sa kinauukulan na magsagawa ng rehabilitasyon ng umiiral na linya ng kuryente sa Purok 1 at Purok 3 at maglagay ng secondary line upang mapagsilbihan ang mga susunod na magpapakabit ng kuryente.

PINAGTIBAY ngayong ika-1 ng Hunyo, taong 2026 sa Barangay Concepcion, Batangas City.

BARANGAY RESOLUTION NO. 58Series of 2026ISANG RESOLUSYON NG PAGKILALA AT PAGPUPUGAY KAY JOEL P. CASTILLO JR. DAHIL SA KA...
01/06/2026

BARANGAY RESOLUTION NO. 58
Series of 2026

ISANG RESOLUSYON NG PAGKILALA AT PAGPUPUGAY KAY JOEL P. CASTILLO JR. DAHIL SA KANYANG TAGUMPAY BILANG BOARD PASSER SA BACHELOR OF SCIENCE IN ELECTRICAL ENGINEERING NOONG APRIL 21–22, 2026.

SAPAGKAT, si Joel P. Castillo Jr. ay matagumpay na nakapasa sa Registered Electrical Engineer Licensure Examination na isinagawa noong Abril 21–22, 2026, isang malaking karangalan hindi lamang sa kanyang pamilya kundi maging sa buong komunidad;

SAPAGKAT, ang kanyang tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, dedikasyon, at pananalig sa Diyos na nagsisilbing inspirasyon lalo na sa mga kabataan;

SAPAGKAT, ang kanyang tagumpay ay patunay na ang edukasyon at determinasyon ay daan tungo sa maunlad at matagumpay na kinabukasan;

NGAYON, sa mungkahi ni Kagawad Gina C. Macaraig, na sinang-ayunan ng lahat ng kasapi ng Sangguniang Barangay, ay ipinapasya na:
Kilalanin at parangalan si Joel P. Castillo Jr. sa kanyang natatanging tagumpay bilang Board Passer sa larangan ng Electrical Engineering;

Ipabatid ang taus-pusong pagbati at paghanga ng buong barangay sa kanyang ipinakitang sipag at husay;

Gawing inspirasyon ang kanyang tagumpay sa mga kabataan upang magsikap sa pag-aaral at abutin ang kanilang mga pangarap.

PINAGTIBAY ngayong ika-1 ng Hunyo, taong 2026 sa Barangay Concepcion, Batangas City.

BARANGAY RESOLUTION NO. 57Series of 2026ISANG RESOLUSYON NA NAGPAPAHAYAG NG TAOS-PUSONG PAGBATI AT PAGKILALA KAY DIANA M...
01/06/2026

BARANGAY RESOLUTION NO. 57
Series of 2026

ISANG RESOLUSYON NA NAGPAPAHAYAG NG TAOS-PUSONG PAGBATI AT PAGKILALA KAY DIANA MARIE S. PANALIGAN SA KANYANG MATAGUMPAY NA PAGKAKAPASA SA PHILIPPINE BAR EXAMINATION

SAPAGKAT, ang pagpasa sa Philippine Bar Examination ay isang natatanging karangalan at bunga ng sipag, tiyaga, dedikasyon, at kahusayan sa larangan ng pag-aaral ng batas;

SAPAGKAT, si Diana Marie S. Panaligan ay matagumpay na nakapasa sa Bar Examination, isang tagumpay na nagbibigay ng karangalan hindi lamang sa kanyang sarili at pamilya kundi maging sa kanyang pamayanan at institusyong kanyang kinabibilangan;

SAPAGKAT, ang kanyang tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan at sa lahat ng mga nangangarap na makamit ang kanilang mga mithiin sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at determinasyon;

SAPAGKAT, nararapat lamang na kilalanin at parangalan ang kanyang natatanging tagumpay bilang pagkilala sa kanyang ambag sa pagtataguyod ng propesyon ng batas at paglilingkod sa sambayanan;

NGAYON, SAMAKATUWID, sa mungkahi ni Kagawad Florencio Belda na sinang ayunan ng lahat IPAHAYAG, gaya ng ipinahahayag sa pamamagitan nito, ang taos-pusong pagbati at pagkilala kay Diana Marie S. Panaligan sa kanyang matagumpay na pagkakapasa sa Philippine Bar Examination; IPAHATID ang sipi ng Resolusyong ito kay Diana Marie S. Panaligan bilang patunay ng pagkilala at pagpupugay sa kanyang natatanging tagumpay.

PINAGTIBAY ngayong ika-1 ng Hunyo taong 2026 sa Barangay Concepcion, Batangas City.

BARANGAY RESOLUTION NO. 56Series of 2026ISANG RESOLUSYON NA NAGPAPAHAYAG NG TAOS-PUSONG PAGBATI KAY POLICE MAJOR FLORENC...
01/06/2026

BARANGAY RESOLUTION NO. 56
Series of 2026

ISANG RESOLUSYON NA NAGPAPAHAYAG NG TAOS-PUSONG PAGBATI KAY POLICE MAJOR FLORENCIO R. CAISIP BILANG BAGONG HEPE NG SAN JOSE MUNICIPAL POLICE STATION

SAPAGKAT, kinikilala ng Pamahalaang Barangay ng Concepcion ang mahalagang tungkulin ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng mamamayan;

SAPAGKAT, itinalaga si Police Major Florencio R. Caisip bilang bagong hepe ng San Jose Municipal Police Station, at umaasa sa kaniyang mahusay na pamumuno at tapat na paglilingkod sa bayan;

SAPAGKAT, ninanais ng pamunuan ng Barangay Concepcion na ipaabot ang suporta, pakikiisa, at mabuting hangarin sa kanyang panunungkulan bilang isang kabarangay.

KAYA NAMAN, sa mungkahi ni Kagawad Florencio Belda, ipinapahayag ng Sangguniang Barangay ng Concepcion, Batangas City ang kanilang taos-pusong pagbati kay Police Major Florencio R. Caisip bilang bagong hepe ng San Jose Municipal Police Station, kasabay ng hangarin para sa isang matagumpay, makatarungan, at masiglang pamumuno tungo sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad.

IPINASIYA, na ang sipi ng resolusyong ito ay ipagkaloob kay Police Major Florencio R. Caisip bilang tanda ng pagkilala, suporta, at mabuting pakikipag-ugnayan ng Barangay Concepcion.

PINAGTIBAY ngayong ika 1 araw ng Hunyo 2026 sa Barangay Concepcion, Batangas City.

Makiisa at lumahok sa ating Monthly Clean-Up Drive bilang bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ...
31/05/2026

Makiisa at lumahok sa ating Monthly Clean-Up Drive bilang bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan sa ating komunidad sa June 14, 2026 alas 6 ng umaga.

Hinihikayat din po ang bawat isa na sumunod sa mga alituntunin ng Road Clearing Program. Iwasan po nating maglagay ng mga bagay na nakahahadlang sa mga kalsada, bangketa, at pampublikong daanan upang maging maayos at ligtas ang paggalaw ng mga sasakyan at mga naglalakad.

31/05/2026

Ang β€œAso Mo, Itali Mo” ay isang kampanya at ordinansa sa maraming lugar sa Pilipinas na naka-base sa Republic Act No. 9482 (Anti-Rabies Act of 2007). Layunin nito na maiwasan ang rabies at mapanatiling ligtas ang mga tao at hayop.

πŸ• Pangunahing alituntunin:

* Itali ang a*o – Hindi puwedeng pakalat-kalat ang a*o sa kalsada o pampublikong lugar. Dapat may tali at kontrolado ng may-ari.
* Bakunahan – Dapat regular na bakunado ang a*o laban sa rabies at nakarehistro sa barangay/LGU.
* Responsibilidad sa kagat – Kapag may nakagat ang a*o, obligasyon ng may-ari ang pag-ulat agad (within 24 hours) at gastusin ang paunang lunas o gamutan ng biktima.

⚠️ Kapag lumabag:

* Maaaring pagmultahin ang may-ari
* Puwedeng hulihin o i-impound ang a*ong gala ng barangay

πŸ“Œ Paalala:

Magkakaiba ang eksaktong multa o parusa depende sa ordinansa ng bawat lungsod o munisipyo.

Kung may reklamo o may nakitang a*ong ligaw o agresibo, puwedeng tumawag sa barangay o sa mga animal welfare groups tulad ng Philippine Animal Welfare Society.

25/05/2026

Address

Concepcion
Batangas City
4200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay - Concepcion Batangas City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share