07/05/2026
MAS PINALAWAK NA DIGITAL ACCESS AT ONLINE OPPORTUNITIES, HATID NG DICT SA ANTIPOLO!
Marami pa ring mga estudyante, g**o, health workers, at komunidad ang nangangailangan ng mas mabilis at maaasahang internet access upang makasabay sa online learning, digital services, at mga oportunidad sa trabaho sa digital economy.
Kaya bilang pagtupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang digital access sa bansa, matagumpay na isinagawa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region IV-A CALABARZON, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Antipolo City, ang Ceremonial Launch at Turnover ng Free Public Internet Access Program Sites, Tablets for Rural Health Units at Grant ng SPARK Training Vouchers noong 06 May 2026 sa ikalawang distrito ng Antipolo City, Rizal.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10929, matagumpay na na-activate ang libreng internet para sa 56 locations kabilang ang mga paaralan, barangay halls, at health facilities upang mas mapalapit sa mamamayan ang digital learning, e-government services, at online opportunities.
Kasabay nito, patuloy ding pinalalakas ng Strengthening the Philippine Workforce through Adaptive and Responsive Digital Knowledge (SPARK) initiative ng DICT ang kakayahan ng mga Pilipino lalo na sa liblib na lugar sa pamamagitan ng digital skills training para maging handa sa ICT-enabled jobs at iba pang oportunidad.
Bukod dito, matagumpay din na naihatid ng DICT sa pakikipagtulungan ng United Nations Development Programme (UNDP) ang 12 na tablets para sa dalawang Rural Health Units upang suportahan ang mas episyente at modernong serbisyong pangkalusugan gamit ang digital technology.
Sa pamamagitan nito, mas napapalapit sa mga taga-Antipolo ang mga oportunidad sa edukasyon, trabaho, serbisyong pampubliko, at digital innovation na makatutulong sa pag-unlad ng kanilang komunidad.
Patunay ito sa patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan na isulong ang inklusibong digital transformation at tiyaking walang Pilipinong maiiwan sa digital na pag-unlad.