DILG Batangas

Call Directions Website Contact the organization

DILG Batangas Official and ONLY page of DILG Batangas Provincial Office.

๐๐˜๐€๐‡๐„๐๐† ๐๐ƒ๐Œ๐” | ๐‘บ๐’Š๐’๐’–๐’”๐’–๐’ƒ๐’‚๐’š๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’š๐’†๐’Œ๐’•๐’, ๐’”๐’Š๐’๐’Š๐’”๐’Š๐’ˆ๐’–๐’“๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’.Nagsagawa ang DILG Batangas Project Development and ...
07/10/2026

๐๐˜๐€๐‡๐„๐๐† ๐๐ƒ๐Œ๐” | ๐‘บ๐’Š๐’๐’–๐’”๐’–๐’ƒ๐’‚๐’š๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’š๐’†๐’Œ๐’•๐’, ๐’”๐’Š๐’๐’Š๐’”๐’Š๐’ˆ๐’–๐’“๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’.

Nagsagawa ang DILG Batangas Project Development and Management Unit (PDMU) ng monitoring activity sa mga proyektong ipinapatupad ng Pamahalaang Panlungsod ng Calaca, sa ilalim ng LGSF-FALGU FY 2026, upang masubaybayan ang progreso ng mga ito at matukoy ang mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang maayos at napapanahong implementasyon ng mga proyekto.

Kabilang sa mga pinuntahan ang Barangay Taklang Anak, kung saan isasagawa ang LGSF-funded project na may pamagat na โ€œRehabilitation of Local Road in Barangay Taklang Anak, City of Calaca.โ€

Nagsagawa rin ang PDMU ng Technical Assistance para sa proyektong โ€œAssistance to Indigent Individuals or Families โ€“ Food Assistance/Rice Distribution Projectโ€ ng nasabing lungsod para sa mga kinakailangan nilang dokumento sa pagsusumite at pag-update ng proyekto. Sa kasalukuyan, patuloy ang Lungsod ng Calaca sa pamamahagi ng 10-kilogram na bigas sa mga kwalipikadong benepisyaryo nito.




Mula Enero hanggang ngayong Oktubre 2026, ipinamamalas ng ating mga barangay ang kahalagahan ng digital transformation s...
07/10/2026

Mula Enero hanggang ngayong Oktubre 2026, ipinamamalas ng ating mga barangay ang kahalagahan ng digital transformation sa lokal na pamahalaan. Ayon sa huling datos ng DILG Information Systems and Technology Management Service (ISTMS), nasa 292,991 ang bilang ng approved inhabitants ang naitala ng tanggapan sa buong lalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng ๐˜ฝ๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™„๐™ฃ๐™›๐™ค๐™ง๐™ข๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™Ž๐™ฎ๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ข (๐˜ฝ๐™„๐™ˆ๐™Ž).

Maraming salamat sa kasipagan ng ating mga Barangay Kalihim sa pagpapatupad ng LGUSS-BIMS! ๐Ÿซก




๐Ÿ“ข ๐—–๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐Ÿฎ๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—•๐—Ÿ๐—ฌ ๐——๐—”๐—ฌโ€“ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ง๐—ข ๐—–๐—ข๐—ก๐——๐—จ๐—–๐—งAla! Eh ikaโ€™y pumasyal sa inyong Barangay Assembly Day at i...
07/10/2026

๐Ÿ“ข ๐—–๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐Ÿฎ๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—•๐—Ÿ๐—ฌ ๐——๐—”๐—ฌโ€“ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ง๐—ข ๐—–๐—ข๐—ก๐——๐—จ๐—–๐—ง

Ala! Eh ikaโ€™y pumasyal sa inyong Barangay Assembly Day at isama ang inyong kahanggan! Sama-samang pag-usapan ang mga mahahalagang usapin, programa, proyekto, at mga plano para sa patuloy na pag-unlad ng inyong barangay. ๐Ÿค

Ang inyong presensya, pakikiisa, at mga mungkahi ay mahalaga upang mas maging maayos, ligtas, at progresibo ang ating komunidad. ๐Ÿ˜๏ธ๐Ÿ’™

Makilahok, makialam, at makiisa! Gay-an dapat!

BASAHIN: Omnibus Guidelines for the Conduct of Barangay Assembly Day on any Saturday or Sunday of March and October Every Year, Pursuant to Section 397 of RA 7160 and Proclamation No. 599, S. 2018 via https://bit.ly/DILG-MC-2026-012-BAD





๐๐˜๐€๐‡๐„๐๐† ๐๐ƒ๐Œ๐” | ๐‘บ๐’Š๐’๐’–๐’”๐’–๐’ƒ๐’‚๐’š๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’š๐’†๐’Œ๐’•๐’, ๐’”๐’Š๐’๐’Š๐’”๐’Š๐’ˆ๐’–๐’“๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’. Nagsagawa ang DILG Batangas Project Development and...
06/10/2026

๐๐˜๐€๐‡๐„๐๐† ๐๐ƒ๐Œ๐” | ๐‘บ๐’Š๐’๐’–๐’”๐’–๐’ƒ๐’‚๐’š๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’š๐’†๐’Œ๐’•๐’, ๐’”๐’Š๐’๐’Š๐’”๐’Š๐’ˆ๐’–๐’“๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’.

Nagsagawa ang DILG Batangas Project Development and Management Unit (PDMU) ng monitoring activity sa mga proyektong ipinapatupad ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas, Batangas, upang masubaybayan ang progreso at matukoy ang mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang maayos at napapanahong implementasyon ng mga proyekto.

Kabilang sa mga minonitor ang mga sumusunod na proyekto na kasalukuyang on-going:
LGSF-GEF FY 2025
๐Ÿ“Œ Rice Subsidy Distribution for 4Ps Beneficiaries
๐Ÿ“Œ Batang Ina: Comprehensive Maternal Nutrition Program for Pregnant and Lactating Adolescents
LGSF-GEF FY 2026
๐Ÿ“Œ Improvement / Rehabilitation of Road including Drainage System
๐Ÿ“Œ Distribution of Rice for Food Security Program
LGSF-SAFPB FY 2025
๐Ÿ“Œ Construction/Improvement of San Nicolas Water Supply System in Brgy. Poblacion & Brgy. Talang, San Nicolas, Batangas
LGSF-FALGU FY 2026
๐Ÿ“Œ Improvement of Local Road in Barangay Poblacion, San Nicolas, Batangas

Sa pamamagitan ng patuloy na monitoring at pagbibigay ng technical guidance, layunin ng DILG na matulungan ang LGU sa maayos na pagpapatupad ng mga proyekto, matugunan ang mga kinakailangang aksyon at requirements, at matiyak ang kanilang tuloy-tuloy na progreso hanggang sa matagumpay na matapos ito.




๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ต๐‘จ๐‘ต | ๐‘ด๐’†๐’๐’•๐’‚๐’ ๐‘ฏ๐’†๐’‚๐’๐’•๐’‰ ๐’Š๐’ ๐‘ท๐’–๐’ƒ๐’๐’Š๐’„ ๐‘บ๐’†๐’“๐’—๐’Š๐’„๐’†: ๐‘ช๐’‚๐’“๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‡๐’๐’“ ๐‘บ๐’†๐’๐’‡, ๐‘ณ๐’†๐’‚๐’…๐’Š๐’๐’ˆ ๐’˜๐’Š๐’•๐’‰ ๐‘ช๐’‚๐’“๐’†Nagsagawa ang DILG Batangas ng webinar tung...
06/10/2026

๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ต๐‘จ๐‘ต | ๐‘ด๐’†๐’๐’•๐’‚๐’ ๐‘ฏ๐’†๐’‚๐’๐’•๐’‰ ๐’Š๐’ ๐‘ท๐’–๐’ƒ๐’๐’Š๐’„ ๐‘บ๐’†๐’“๐’—๐’Š๐’„๐’†: ๐‘ช๐’‚๐’“๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‡๐’๐’“ ๐‘บ๐’†๐’๐’‡, ๐‘ณ๐’†๐’‚๐’…๐’Š๐’๐’ˆ ๐’˜๐’Š๐’•๐’‰ ๐‘ช๐’‚๐’“๐’†

Nagsagawa ang DILG Batangas ng webinar tungkol sa โ€œMental Health in Public Service: Caring for Self, Leading with Careโ€ na ginanap sa pamamagitan ng Zoom Teleconferencing, nitong Lunes, Oktubre 5, 2026

Tinalakay ni Mr. Joshua Mari Lapera, MA, RPM, LPT, CHRA, CTSP ang mahahalagang usapin tungkol sa mental health, kabilang ang kahalagahan ng pagkilala at pag-unawa sa ating kalagayan, pangangalaga sa mental well-being, at mga paraan ng maayos na pagharap sa mga hamon na kaakibat ng paglilingkod sa publiko. Dinaluhan ito ng mga opisyal at kawani mula sa ibaโ€™t ibang Local Government Units (LGUs).

Isinagawa ang webinar bilang bahagi ng selebrasyon ng Local Government Month at Mental Health Awareness Month, na naglalayong palawakin ang kamalayan sa kahalagahan ng mental health sa public service at hikayatin ang mga kawani ng pamahalaang lokal na bigyang-pansin ang sariling kapakanan habang patuloy na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa paglilingkod.



๐๐˜๐€๐‡๐„๐๐† ๐๐ƒ๐Œ๐” | ๐‘บ๐’Š๐’๐’–๐’”๐’–๐’ƒ๐’‚๐’š๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’š๐’†๐’Œ๐’•๐’, ๐’”๐’Š๐’๐’Š๐’”๐’Š๐’ˆ๐’–๐’“๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’.Nagsagawa ang DILG Batangas Project Development and ...
06/10/2026

๐๐˜๐€๐‡๐„๐๐† ๐๐ƒ๐Œ๐” | ๐‘บ๐’Š๐’๐’–๐’”๐’–๐’ƒ๐’‚๐’š๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’š๐’†๐’Œ๐’•๐’, ๐’”๐’Š๐’๐’Š๐’”๐’Š๐’ˆ๐’–๐’“๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’.

Nagsagawa ang DILG Batangas Project Development and Management Unit (PDMU) ng site validation sa mga proyekto sa ilalim ng LGSF-FALGU FY 2026 sa Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas, nitong Oktubre 6, Martes.

Ang Construction of Multipurpose Building sa Brgy. San Antonio ay kasalukuyang nasa finalization stage ng Program of Works (POW) at Detailed Engineering Design (DED), habang ang Assistance to Indigent Individuals or Families - Food Assistance / Rice Distribution Project ay target na makumpleto ngayong buwan.

Patuloy ang DILG Batangas sa pagbibigay ng monitoring at technical assistance tungo sa maayos at napapanahong implementasyon ng mga proyekto.




๐“๐ฎ๐ž๐ฌ๐๐š๐ฒ ๐–๐ž๐ฅ๐ฅ๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‚๐ก๐ž๐œ๐ค! ๐ŸŒฟHuwag ikumpara ang sarili sa iba. Iba-iba ang ating journey at kanya-kanya ang tamang panahon.H...
06/10/2026

๐“๐ฎ๐ž๐ฌ๐๐š๐ฒ ๐–๐ž๐ฅ๐ฅ๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‚๐ก๐ž๐œ๐ค! ๐ŸŒฟ

Huwag ikumpara ang sarili sa iba. Iba-iba ang ating journey at kanya-kanya ang tamang panahon.

Huminga, magpahinga, at magpatuloy sa sariling pace. Tandaan, hindi ka nahuhuli. ๐Ÿค



Maligayang Kaarawan, ๐‹๐†๐Ž๐Ž ๐• ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ข๐ž ๐€๐ง๐ง ๐ƒ. ๐‹๐š๐ซ๐š-๐€๐ฅ๐›๐ข๐ง๐จ! ๐ŸŽ‰Dalangin namin ang isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ng iy...
05/10/2026

Maligayang Kaarawan, ๐‹๐†๐Ž๐Ž ๐• ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ข๐ž ๐€๐ง๐ง ๐ƒ. ๐‹๐š๐ซ๐š-๐€๐ฅ๐›๐ข๐ง๐จ! ๐ŸŽ‰

Dalangin namin ang isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ng iyong kaarawan. Nawaโ€™y matupad ang iyong mga kahilingan at patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at tagumpay.

Maraming salamat sa iyong dedikasyon at tapat na paglilingkod bilang kawani ng DILG Batangas. Mabuhay ka! ๐ŸŽ‚๐ŸŽˆ

๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ต๐‘จ๐‘ต | ๐‘ฌ๐’๐’‰๐’‚๐’๐’„๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐‘ท๐‘ด๐‘ช ๐‘ช๐’‚๐’‘๐’‚๐’„๐’Š๐’•๐’š ๐’Š๐’ ๐‘ท๐’“๐’๐’‹๐’†๐’„๐’• ๐‘ด๐’๐’๐’Š๐’•๐’๐’“๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‡๐’๐’“ ๐’•๐’‰๐’† ๐‘ด๐’–๐’๐’Š๐’„๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’š ๐’๐’‡ ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ท๐’‚๐’”๐’„๐’–๐’‚๐’Nagsagawa ang Lokal na Pamaha...
05/10/2026

๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ต๐‘จ๐‘ต | ๐‘ฌ๐’๐’‰๐’‚๐’๐’„๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐‘ท๐‘ด๐‘ช ๐‘ช๐’‚๐’‘๐’‚๐’„๐’Š๐’•๐’š ๐’Š๐’ ๐‘ท๐’“๐’๐’‹๐’†๐’„๐’• ๐‘ด๐’๐’๐’Š๐’•๐’๐’“๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‡๐’๐’“ ๐’•๐’‰๐’† ๐‘ด๐’–๐’๐’Š๐’„๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’š ๐’๐’‡ ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ท๐’‚๐’”๐’„๐’–๐’‚๐’

Nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng San Pascual ng Training/Seminar on Enhancing Local Project Monitoring Committee (LPMC) Capacity in Project Monitoring para sa mga miyembro ng kanilang LPMC bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kanilang kaalaman at teknikal na kakayahan sa pagsubaybay ng mga proyekto sa kanilang bayan.

Bilang Resource Speakers, ibinahagi nina Engr. Roxanne R. Antenor at Engr. Kart Raphael A. Bathan ng DILG Batangas Project Development and Management Unit (PDMU) ang kanilang kaalaman at karanasan upang higit na maging handa ang LPMC sa kanilang mahalagang tungkulin bilang katuwang sa pagsusulong ng maayos, de-kalidad, transparent, at accountable na pagpapatupad ng mga proyekto.



๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ต๐‘จ๐‘ต | ๐‘ฉ๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’” ๐‘ท๐’“๐’๐’—๐’Š๐’๐’„๐’† ๐‘ท๐’†๐’๐’‘๐’๐’†โ€™๐’” ๐‘ช๐’๐’–๐’๐’„๐’Š๐’ ๐‘ญ๐’Š๐’“๐’”๐’• ๐‘ฐ๐’๐’…๐’–๐’„๐’•๐’Š๐’๐’ ๐‘ช๐’†๐’“๐’†๐’Ž๐’๐’๐’šPinangunahan ni DILG Batangas Provincial Director R...
05/10/2026

๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ต๐‘จ๐‘ต | ๐‘ฉ๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’” ๐‘ท๐’“๐’๐’—๐’Š๐’๐’„๐’† ๐‘ท๐’†๐’๐’‘๐’๐’†โ€™๐’” ๐‘ช๐’๐’–๐’๐’„๐’Š๐’ ๐‘ญ๐’Š๐’“๐’”๐’• ๐‘ฐ๐’๐’…๐’–๐’„๐’•๐’Š๐’๐’ ๐‘ช๐’†๐’“๐’†๐’Ž๐’๐’๐’š

Pinangunahan ni DILG Batangas Provincial Director Robinson G. Maac ang panunumpa ng mga bagong Charter Officers ng Batangas Province Peopleโ€™s Council (BPPC) sa isinagawang Induction Ceremony sa Provincial Tourism and Cultural Arts Office, Capitol Compound, Batangas City, nitong Lunes, Oktubre 5.

Nanumpa bilang bagong Charter Chairman si G. Jherald Espeleta, kasama ang mga bagong Charter Officers na sina Romeo Macailao, Allan Carolino, Nilo Lana, Raicel Perez, Emmanuel Munda, Rosalie Rivera, at Artemio Villapando.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PD Maac ang kahalagahan at malaking ambag ng mga Civil Society Organizations (CSOs) sa pagpapatupad ng check and balance sa pamahalaan.

โ€œDahil po sa inyong participation, masisiguro po natin ang transparency sa ating pamahalaang lokal. Ang inyong participation ay nagsisilbing driving force para patuloy nating maisulong ang good local governance,โ€ saad ni PD Maac.



Address

Capitol Compound, Kumintang Ibaba
Batangas City
4200

Opening Hours

Monday 7am - 7pm
Tuesday 7am - 7pm
Wednesday 7am - 7pm
Thursday 7am - 7pm

Telephone

+63437237030

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DILG Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DILG Batangas:

Shortcuts

Share