Liga ng mga Barangay San Juan Batangas

Liga ng mga Barangay San Juan Batangas Here's the Official page of Liga ng mga Barangay San Juan, Batangas. HON. LIWELYNDO A.

VERGARA
LnB President- San Juan, Batangas
PLnB Treasurer- Batangas Chapter

Chairperson:
Committee on Health and Sanitation
Committee on Barangay Affairs

๐ŸŽ๐Ÿ—.๐ŸŽ๐Ÿ.๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”|๐‹๐ง๐ ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ 
03/09/2026

๐ŸŽ๐Ÿ—.๐ŸŽ๐Ÿ.๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”|๐‹๐ง๐ ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ 

01/09/2026
๐ŸŽ๐Ÿ—.๐ŸŽ๐Ÿ.๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”|๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ง ๐‘๐ž๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐’๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง
01/09/2026

๐ŸŽ๐Ÿ—.๐ŸŽ๐Ÿ.๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”|๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ง ๐‘๐ž๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐’๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง

๐ŸŽ๐Ÿ–.๐Ÿ๐Ÿ“.๐Ÿ๐Ÿ”|๐‹๐ง๐ ๐‘๐ž๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ Isinagawa ang pagpupulong ng Liga ng mga Barangay sa pangunguna ni LnB President Liwelyndo A...
27/08/2026

๐ŸŽ๐Ÿ–.๐Ÿ๐Ÿ“.๐Ÿ๐Ÿ”|๐‹๐ง๐ ๐‘๐ž๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ 
Isinagawa ang pagpupulong ng Liga ng mga Barangay sa pangunguna ni LnB President Liwelyndo A. Vergara kung saan tinalakay ang mga mahahalagang usapin para sa kapakanan at mas epektibong serbisyo sa mga barangay.

Kabilang sa mga napag-usapan ang karagdagang tulong para sa mga Pangulo ng Senior Citizens, gayundin ang pagbili ng handheld radios para sa mga Punong Baragay upang mapabuti ang komunikasyon at koordinasyon.

Tinalakay rin ang pagkakaroon ng uniporme para sa mga Punong Barangay bilang pagkakakilanlan at pagkakaisa sa kanilang paglilingkod. Napag-usapan din ang mga susunod na seminar at ang pag-update at monitoring sa Bawat Bayan Makikinabang Program upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng programa.

Sa pagtatapos ng pagpupulong, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at maayos na koordinasyon ng Liga ng mga Barangay upang maisakatuparan ang mga napagkasunduang programa at proyekto para sa kapakanan ng bawat barangay at ng kanilang mga nasasakupan.

25/08/2026

Inaprubahan ng House Committee on Local Government, sa pamumuno ni Chairman Rep. Florencio T. Miraflores, ang consolidated measure para sa panukalang "๐—”๐—ก ๐—”๐—–๐—ง ๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—  ๐—ข๐—™ ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ ๐—”๐—ก๐—— ๐— ๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก, ๐—”๐—ก๐—— ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ข๐—ง๐—›๐—˜๐—ฅ ๐—ฃ๐—จ๐—ฅ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—˜๐—ฆ" na naglalayong gawing limang (5) taon ang isang termino ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials mula sa kasalukuyang apat (4) na taon sa ilalim ng RA 12232.

Sa ilalim ng inihaing panukala, hanggang tatlong (3) sunod-sunod na termino ang maaaring manungkulan ang mga halal na barangay officials at 1 naman sa Sangguniang Kabataan Officials.

Itinatakda rin dito na ang susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028, bilang bahagi ng transition patungo sa limang taong termino. Pagkatapos nito, regular nang idaraos ang BSKE kada limang taon.

Bunga ito ng mga panukalang batas na inihain nina Representatives Marcelino C. Libanan, Christopher Sheen P. Gonzales, Janette L. Garin, David โ€œJay-Jayโ€ C. Suarez, Francisco Paolo P. Ortega V, Jefferson F. Khonghun, Ysabel Maria J. Zamora, Terry L. Ridon, Gerville โ€œJinky Bitricsโ€ R. Luistro, Jude A. Acidre, Joel R. Chua, Bernadette โ€œDetteโ€ G. Escudero, at Alexander T. Pimentel.

Ang pag-apruba sa committee level ay bahagi pa lamang ng proseso ng lehislasyon. Panukala pa lamang ito at hindi pa ganap batas.

๐Ÿซฐ๐Ÿ’™

15/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข | ๐—”๐——๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—— ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜ ๐—›๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—จ๐—”๐—ก, ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿณโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฌ

Para sa kaalaman ng lahat, ang Pamahalaang Bayan ng San Juan ay magkakaroon ng adjusted office hours sa darating na linggo, Agosto 17โ€“20, 2026 (Lunes hanggang Huwebes). Alinsunod sa CSC Resolution No. 2600838, ia-adjust ang office hours ng mga tanggapan ng Munisipyo mula sa kasalukuyang 7:00 AMโ€“6:00 PM tungo sa 8:00 AMโ€“5:00 PM.

Samantala, ang Agosto 21, 2026 (Biyernes) ay idineklarang Special Non-Working Day bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day, alinsunod sa Proclamation No. 1006.

Ang adjusted office hours na ito ay pansamantala lamang at ipatutupad sa mga linggong may non-working holiday na tumatapat sa Biyernes. Sa mga susunod na linggong walang ganitong holiday, babalik sa regular na 4-day workweek schedule na 7:00 AMโ€“6:00 PM ang mga tanggapan ng Munisipyo

Hinihikayat ang publiko na isaalang-alang ang nabanggit na iskedyul sa pagpunta sa mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan.

Maraming salamat po!


13/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข | Alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat), suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng San Juan at klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong Huwebes, Agosto 13, 2026, simula alas-3:00 ng hapon.

Dahil dito, pansamantalang ihihinto ang regular na face-to-face na transaksyon sa mga tanggapan ng Munisipyo simula alas-3:00 ng hapon. Samantala, mananatiling operational ang mga tanggapan at kawani na kabilang sa disaster response, health services, at iba pang essential services upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagtugon sa pangangailangan ng publiko.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, sumubaybay sa mga opisyal na abiso, at unahin ang kaligtasan sa gitna ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.




via Presidential Communications Office

https://www.facebook.com/share/p/164iWv8WSbV/?mibextid=wwXIfr
Posted today: August 13 (3:36 p.m.)

Address

Batangas City
4226

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Liga ng mga Barangay San Juan Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share