PWCC Batangas INC.

Directions

PWCC Batangas INC. Provincial Women's Coordinating Council

CALATAGAN, HOST NG REGULAR MEETING NG PWCC EXECUTIVE BOARDMatapos ang coastal clean up ay isinagawa naman ang regular na...
11/09/2026

CALATAGAN, HOST NG REGULAR MEETING NG PWCC EXECUTIVE BOARD

Matapos ang coastal clean up ay isinagawa naman ang regular na pagpupulong ng PWCC Executive Board sa Enzotech, Calatagan, Batangas.

Nagkaroon din ng meet and greet ang MWCC ng Calatagan at ibang MWCC at member organizations.

Bukas palad na tinanggap ni Mayor Rico Pino, Ms Eva Dino, MSWD Officer Ms Grace, Ms Lon Alab ang grupo.

Nagsalita rin si Sir Paul, Executive Director ng EZtech foundation upang ipakilala ang kanilang foundation, at ipaalam ang mga components ng kanilang school.

Nagkaroon din ng pagkakataon na makita ng grupo ang makasaysayang lighthouse, na overlooking sa magandang dagat at baybayin ng Calatagan.

Ibinahagi rin ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang mga ginagawang hakbang sa bayan ng Agoncillo para sa pagbabawas ng solid waste, at hinikayat rin niya na maging daan ang bawat kababaihan na naroon upang pangunahan ang tamang waste segregation, mag-umpisa ng organic composting at iba pang mga hakbang tungo sa mas makakalikasang lipunan.

COASTAL CLEAN UP ISINAGAWA NG MGA KABABAIHAN NG BATANGAS SA CALATAGANNgayong araw, September 11, 2026, nagsagawa ng pagl...
11/09/2026

COASTAL CLEAN UP ISINAGAWA NG MGA KABABAIHAN NG BATANGAS SA CALATAGAN

Ngayong araw, September 11, 2026, nagsagawa ng paglilinis sa baybayin ng Barangay Bagong Silang, Calatagan, Batangas ang sama-samang pwersa ng mga kababaihan, kapulisan, coast guard at iba pang mga volunteers.

Ito ay dahil sa programa ng PWCC na KABABAIHAN PARA SA INANG KALIKASAN: COASTAL CLEAN-UP.

Sinalubong ni Mayor Rico Puno ang mga opisyales ng PWCC at mga kababaihan para sa mahalagang gawain na ito.

Kasama sa naglinis sina Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Mayor Ellery G. Silva, dating Mayor Charito M. Apacible, mga Mayora - Carlota Abu, Eva Dino, iba pang mga opisyal na sina Lon Alab, Pmaj Liezl Pagcaliwagan, Lourdes Santarin, mga kinatawan ng M/CWCC ng Lian, Rosario, at Tanauan city.

Nagkaron din muna ng briefing ang Philippine Coast Guard bago nag-umpisa ang activity.

Marami ring grupo ng mga volunteers na kababaihan mula sa Calatagan at ibang NGOs ang nakiisa kasama ang kinatawan ng PTC, at pribadong kumpanya tulad ng Sandari.

Layunin nito na makatulong sa kalikasan, mapanatiling ligtas sa ating mga kababayan ang paglalakad sa dalampasigan at maipakita ang malasakit ng mga kababaihan.

Kasama rin ang mga kinatawan ng Batangas Provincial Government mula sa tanggapan ng PSWD.

Halos napuno ang truck sa mga naipon na nabubulok at hindi nabubulok na mga basura.

Happy birthday, sa MWCC Ibaan President at butihing Mayor Jane Casas.May the good Lord bless you more. We are happy to b...
25/08/2026

Happy birthday, sa MWCC Ibaan President at butihing Mayor Jane Casas.

May the good Lord bless you more. We are happy to be part of your life’s journey.

MGA KABABAIHAN NG BATANGAS NAGTANIM NG MGA PUNO ALINSUNOD SA PROGRAMANG KABABAIHAN PARA SA KALIKASAN (Tree Growing)Matat...
08/08/2026

MGA KABABAIHAN NG BATANGAS NAGTANIM NG MGA PUNO ALINSUNOD SA PROGRAMANG KABABAIHAN PARA SA KALIKASAN (Tree Growing)

Matatandaan na namahagi ng mga pananim ang PWCC noong ika-17 ng Hulyo 2026 matapos ang pagpupulong sa Malvar, Batangas.

Simula ika-25 ng Hulyo ay itinanim sa iba’t-ibang bayan ang nasabing mga puno ng mga kababaihang miyembro ng kani-kanilang Municipal Women Coordinating Council (MWCC).

Kabilang si MWCC president Carlota Abu (Malvar) at si MWCC president Mhel Peji (Lian) sa mga sundalo ng kalikasan.

KABABAIHAN PARA SA KALIKASANParte pa rin ng Women’s month ang ginawang paglilinis kanina ng bahagi ng Pansipit River at ...
26/03/2026

KABABAIHAN PARA SA KALIKASAN

Parte pa rin ng Women’s month ang ginawang paglilinis kanina ng bahagi ng Pansipit River at Taal Lake sa Barangay Pansipit.

Maraming nakilahok sa isang collaborative efforts ng iba’t-ibang ahensya pampubliko at pribado.

Nakilahok ang mga opisyales ng MWCC Agoncillo, kasama sina Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Atty. Sarah Mendoza, Direktor Josie Encarnacion, at maraming pang iba.

Sa unang tingin ay kakaunti na ang mga basura ngunit noong pinasok ang mga loob sa tabi bunganga ng ilog ay tumambad ang madaming basura na iniwan ng mga taong nagpupunta roon.

“Ang mga babae ay hindi na lamang ilaw, kundi pati pader ng tahanan sa panahong ito.” Yan ang sinabi ni Gov. Vilma Santo...
20/03/2026

“Ang mga babae ay hindi na lamang ilaw, kundi pati pader ng tahanan sa panahong ito.” Yan ang sinabi ni Gov. Vilma Santos-Recto sa pagdiriwang ng panlalawigang selebrasyon ng kababaihan, Marso 19, 2026.

Ginanap ito sa Dreamzone Capitol Compound, Batangas City at dinaluhan ng mga babae mula sa iba’t-ibang women organization sa buong Batangas.

Sa unang bahagi ng programa, keynote speaker si Congressperson Atty. Gerville “Jinky” “Bitrics” Reyes-Luistro, ng ikalawang distrito. Siya ay kinikilalang makabagong Miriam Defensor, na pilit itinataas ang antas ng mga abogado sa nasyunal na eksena, lalo’t higit nagdadagdag ng kinang ng bituin ng mga kababaihan sa Batangas, ayon sa pagpapakilala ng President ng Provincial Women Coordinating Council Batangas, Inc. (PWCC) na si Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes (Agoncillo).

Nagbahagi rin ng mahahalagang kaalaman at impormasyon tungkol sa teknolohiya, seguridad at kalayaan ng pamamahayag si Ms Aileen Constantino-Peñas, Executive Director ng Atikha Overseas Workers and Communities Initiative, Inc.

Bumati rin sina Board Members Dr. Reina Abu-Reyes at Dr. Jun Berberabe.

Ginanap din ang Oath taking ng mga opisyal ng PWCC, BPALFI, at ALSWDOPI.

Kabilang sa mga mayors na nakiisa ay sina Mayor Jane Casas (Ibaan), Mayor Jo-ann Ponggos (Alitatag), Mayor D**g Villena (Taysan), Mayor Celsa V Rivera (Padre Garcia), at Mayor Reggie Virtucio (San Jose).

Dumalo rin si former Congressperson Maitet Collantes.

Binati rin ng Happy Birthday si Ms Ethel Luistro, head ng Provincial Social Welfare and Development Office, na nagdiwang ng kaarawan noong mismong araw na iyon. Ganundin ang pagbatinsa dalawang opisyal ng PWCC na pawang March celebrators na sina Vice Mayor Aurea Pantas (Cuenca) at Glen Berania (GSP Batangas Council).

Naganap ang isang espesyal na pagpupulong ng Provincial Women Coordinating Council Batangas, Inc. (PWCC) noong ika-19 ng...
20/03/2026

Naganap ang isang espesyal na pagpupulong ng Provincial Women Coordinating Council Batangas, Inc. (PWCC) noong ika-19 ng Marso 2026, sa conference room ng Dream
Zone.

Pinangunahan ito ng president, Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes. Kabilang sa tinalakay ay ang pagpapalit ng authorized signatories sa bangko, kasunod ng pagkahalal ng bagong set of officers.

Tinalakay din ang isang proyekto para sa mga kababaihan ng San Juan.

Address

PSWDO Building Capitol Site, Kumintang Ibaba Batangas City
Batangas City
4200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PWCC Batangas INC. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share