Batangas PSWDO

Batangas PSWDO Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Batangas PSWDO, Public & Government Service, Capitol Compound, Kumintang Ibaba, Batangas City.

MAS PINAIGTING NA PAGKALINGA PARA SA MGA BATANGUEÑOPatuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa il...
06/08/2026

MAS PINAIGTING NA PAGKALINGA PARA SA MGA BATANGUEÑO

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa ilalim ng pamumuno ni Governor Vilma Santos-Recto, at sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pangunguna ni Ms. Ethel D. Luistro, RSW, ang mga programang nagbibigay ng pagkilala, suporta, at napapanahong tulong sa iba't ibang sektor ng lalawigan.

Ngayong Agosto 6, 2026, matagumpay na naipamahagi sa Bayan ng Balete ang Third Quarter Honorarium para sa mga Child Development Workers (CDWs), Persons with Disabilities (PWDs), Senior Citizens, Solo Parent Municipal Federation Presidents, at Parent Leaders, bilang pagkilala sa kanilang patuloy na dedikasyon at mahalagang papel sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang mga komunidad.

Kasabay nito, isinagawa rin ang ikatlong tranche ng Rice Subsidy Program, kung saan tumanggap ng rice assistance ang mga Child Development Workers (CDWs), Persons with Disabilities (PWDs), at Senior Citizens bilang karagdagang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Nagkaroon din ng payout ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), kung saan 21 benepisyaryo ang nabigyan ng medical at burial assistance upang makatulong sa pagharap sa kanilang agarang pangangailangang pinansyal.

Patunay ang mga programang ito ng patuloy na pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na maghatid ng napapanahon at makataong serbisyo sa bawat Batangueño.

PAGKILALA SA MGA PAMILYANG NAGSISILBING HUWARAN NG BATANGAS Matagumpay na naisagawa ang Search for Huwarang Pamilyang Ba...
06/08/2026

PAGKILALA SA MGA PAMILYANG NAGSISILBING HUWARAN NG BATANGAS

Matagumpay na naisagawa ang Search for Huwarang Pamilyang Batangueño 2026 sa pamamagitan ng table-top assessment, home validation, at final deliberation upang matiyak ang isang masusi, patas, at makatarungang proseso sa pagpili ng mga natatanging pamilyang Batangueño.

Sa ilalim ng direktiba ni Governor Vilma Santos-Recto, at sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Ms. Ethel D. Luistro, RSW, patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay-pugay sa mga pamilyang nagpapakita ng matibay na samahan, responsableng pagpapalaki ng mga anak, at positibong pagpapahalaga na nagsisilbing inspirasyon sa kanilang komunidad.

Higit na pinagtitibay g programang ito ang pagpapahalaga sa pamilya bilang pundasyon ng isang maunlad, matatag, at mapagmalasakit na lipunan.

06/08/2026

Happening Now... Rice and Honorarium Distribution (3rd Tranche), Balete, Batangas

PAGKILALA, SUPORTA, AT PAGKALINGA PARA SA MGA BATANGUEÑONgayong Agosto 5, 2026, naipamahagi ang Third Quarter Honorarium...
05/08/2026

PAGKILALA, SUPORTA, AT PAGKALINGA PARA SA MGA BATANGUEÑO

Ngayong Agosto 5, 2026, naipamahagi ang Third Quarter Honorarium para sa mga Child Development Workers (CDWs), Persons with Disabilities (PWDs), Senior Citizens, Solo Parent Municipal Federation Presidents, at Parent Leaders bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at mahalagang papel sa patuloy na paghahatid ng serbisyo sa kani-kanilang mga komunidad.

Kasabay nito, isinagawa rin ang ikatlong tranche ng Rice Subsidy Program sa mga bayan ng Rosario at San Jose, kung saan tumanggap ng rice assistance ang mga Child Development Workers (CDWs), Persons with Disabilities (PWDs), at Senior Citizens bilang karagdagang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa pamamagitan ng mga programang ito, patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pangakong maghatid ng mga serbisyong may malasakit, napapanahon, at tumutugon sa pangangailangan ng bawat Batangueño.

Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Vilma Santos-Recto, at sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pangunguna ni Ms. Ethel D. Luistro, RSW, patuloy na naihahatid ang mga programang nagbibigay ng suporta sa iba't ibang sektor sa Lalawigan ng Batangas.

05/08/2026

Happening Now! Distribution of 3rd Quarter Honorarium and Rice Subsidy (3rd Tranche) Rosario, Batangas

05/08/2026

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗪: 𝗟𝗖𝗣𝗖 𝗙𝗨𝗡𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦𝗦𝗠𝗘𝗡𝗧, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Nagsama-sama ang mga kinatawan ng iba't ibang LGUs sa lalawigan para sa Exit Conference ng 2026 LCPC Functionality Assessment (Year Under Review 2025), sa pangunguna ng PSWDO katuwang ang DILG.

PATULOY ANG PAGHATID NG SERBISYO AT PAGKALINGA SA MGA BATANGUEÑOAlinsunod sa direktiba ni Governor Vilma Santos-Recto, a...
04/08/2026

PATULOY ANG PAGHATID NG SERBISYO AT PAGKALINGA SA MGA BATANGUEÑO

Alinsunod sa direktiba ni Governor Vilma Santos-Recto, at sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Ms. Ethel D. Luistro, RSW, patuloy na isinusulong ang mga programang panlipunan na nagbibigay ng suporta at serbisyo sa iba't ibang sektor ng lalawigan.

Noong Agosto 3–4, 2026, naipamahagi ang Third Quarter Honorarium para sa mga Child Development Workers (CDWs), Persons with Disabilities (PWDs), Senior Citizens, Solo Parent Municipal Federation Presidents, at Parent Leaders, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag at patuloy na paglilingkod sa kanilang mga komunidad.

Kasabay nito, isinagawa rin sa Bayan ng San Juan ang payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), kung saan naipagkaloob ang agarang tulong pinansyal sa mga kwalipikadong benepisyaryo upang makatulong sa kanilang mga pangangailangang medikal at iba pang mahahalagang gastusin.

Bilang bahagi rin ng Rice Subsidy Program, matagumpay na naipamahagi ang ikatlong tranche ng rice assistance sa mga bayan ng Taysan, Ibaan, at San Juan, para sa mga Child Development Workers (CDWs), Persons with Disabilities (PWDs), at Senior Citizens bilang karagdagang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ang mga serbisyong ito ay patunay ng patuloy na pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na maghatid ng maagap, makatao, at inklusibong mga programa na naglalayong mapabuti ang kapakanan at kalidad ng buhay ng bawat Batangueño.

04/08/2026

Happening Now!
Distribution of 3rd Quarter Honorarium and Rice Subsidy (3rd Tranche)
Ibaan, Batangas. August 4, 2026

Address

Capitol Compound, Kumintang Ibaba
Batangas City
4200

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63437260074

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batangas PSWDO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Batangas PSWDO:

Shortcuts

Share