30/06/2026
๐ณ๐
๐๐๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐ ๐๐ซ๐๐ ๐๐ | ๐๐๐ฅ๐ข๐๐๐ ๐จ ๐จ ๐๐๐ฅ๐๐๐๐ ๐จ ๐๐ซ๐๐ (๐ฏ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ณ.)
Bago pa man magkaroon ng nylon ropes, may isang katutubong punong nagbibigay na ng matitibay na hibla para sa paggawa ng mga lubid, lambat, at maging ng mga bangka ng ating mga ninuno. Isa rito ang Balibago o Malabago Tree.
Higit pa sa pagiging isang native flowering tree, ang ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ ay naging mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga sinaunang pamayanang baybayin. Sa loob ng maraming henerasyon, ginamit ang matitibay nitong hibla sa paggawa ng mga lubid, lambat at iba pang kagamitang pangkabuhayan, habang ang kahoy nito ay ginagamit sa paggawa ng maliliit na bangka at iba pang kagamitang pandagat.
Isa sa mga lugar sa Batangas na nagtataglay ng pangalan nito ay ang ๐บ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ณ๐๐๐. Bagama't wala pang natatagpuang opisyal na tala na tahasang nagsasaad na ipinangalan ang lugar sa punong Balibago, kapansin-pansing ang species na ito ay likas na tumutubo sa mga baybaying-dagat, estuwaryo, at tabing-ilog - mga kapaligirang matagal nang humubog sa kasaysayan, kabuhayan at pamumuhay ng mga pamayanang baybayin ng Lian.
Bukod sa makukulay nitong bulaklak na unti-unting nagbabago mula dilaw, patungong kahel at mapulang-kayumanggi habang tumatanda. Mahalaga rin ang Balibago sa ating kalikasan. Tumutulong itong patatagin ang mga pampang ng ilog at baybayin, nagbibigay ng tirahan sa iba't ibang uri ng wildlife at may mahalagang papel sa pagpapanumbalik at pangangalaga ng ating mga coastal at riparian ecosystems.
๐๐ฐ๐ต๐ข๐ฏ๐ช๐ค๐ข๐ญ ๐๐ฐ๐ต๐ฆ: ๐๐ฏ๐จ "๐." ๐ด๐ข ๐๐ช๐ฃ๐ช๐ด๐ค๐ถ๐ด ๐ต๐ช๐ญ๐ช๐ข๐ค๐ฆ๐ถ๐ด ๐. ๐ข๐บ ๐ต๐ถ๐ฎ๐ถ๐ต๐ถ๐ฌ๐ฐ๐บ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ข๐ณ๐ญ ๐๐ช๐ฏ๐ฏ๐ข๐ฆ๐ถ๐ด, ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ช๐ฏ๐ช๐ฌ๐ช๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ "๐๐ฎ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฌ๐ด๐ฐ๐ฏ๐ฐ๐ฎ๐ช๐บ๐ข." ๐๐ฏ๐จ "๐." ๐ข๐บ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ถ๐ต๐ฉ๐ฐ๐ณ ๐ค๐ช๐ต๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ, ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฉ๐ถ๐ญ๐ถ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ๐ญ๐ข๐ต๐ฉ๐ข๐ญ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ด๐ช๐บ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ช๐ฑ๐ช๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ด๐ฑ๐ฆ๐ค๐ช๐ฆ๐ด.
References:
โข Royal Botanic Gardens, Kew โ Plants of the World Online (POWO)
โข PROSEA โ Plant Resources of South-East Asia
โข Co's Digital Flora of the Philippines
โข StuartXchange โ Malabago (๐๐ช๐ฃ๐ช๐ด๐ค๐ถ๐ด ๐ต๐ช๐ญ๐ช๐ข๐ค๐ฆ๐ถ๐ด ๐.)
โข Historical Data of Binubusan, Lian, Batangas
Photo Source: StuartXchange
https://www.stuartxchange.org/Malabago