07/08/2026
πππππππππ ππ πππππππ: ππππππ ππ πππππππ ππ ππππππππππ ππ ππππππππππ πππππππππππ ππ ππππ πππππ, ππππππππ ππππ
Nananawagan ang Philippine Coast Guard sa publiko na makipagtulungan sa patuloy na paghahanap kay G. Joe B. Soriano, 64 taong gulang, residente ng Brgy. Liponpon, Isla Verde, Batangas City, na naiulat na nawawala matapos umalis upang mangisda sakay ng isang asul na de-sagwang bangka sa karagatan ng Brgy. Liponpon, Isla Verde, Batangas City noong 05 Agosto 2026.
READMORE: https://www.facebook.com/share/p/19YSgrujM3/
πππππππππ ππ πππππππ: ππππππ ππ πππππππ ππ ππππππππππ ππ ππππππππππ πππππππππππ ππ ππππ πππππ, ππππππππ ππππ
Nananawagan ang Philippine Coast Guard sa publiko na makipagtulungan sa patuloy na paghahanap kay G. Joe B. Soriano, 64 taong gulang, residente ng Brgy. Liponpon, Isla Verde, Batangas City, na naiulat na nawawala matapos umalis upang mangisda sakay ng isang asul na de-sagwang bangka sa karagatan ng Brgy. Liponpon, Isla Verde, Batangas City noong 05 Agosto 2026.
Batay sa beripikasyon ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Isla Verde, umalis si G. Soriano bandang 9:00 AM upang mangisda ngunit hindi na nakabalik. Ayon sa kanyang pamilya, huli siyang nakitang nakasuot ng pulang T-shirt, itim na shorts, itim na tsinelas, at gintong relo, at may kapansin-pansing paglaki sa kanang hita dulot ng dati nang pinsala.
Agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga Coast Guard Sub-Stations sa Batangas, katuwang ang mga Coast Guard Sub-Stations sa karatig na mga lalawigan ng Oriental Mindoro at Marinduque. Patuloy ang shoreline search, koordinasyon sa mga lokal na mangingisda at mga barangay, gayundin ang pagpapalabas ng Maritime Safety Broadcast upang maipaalam sa mga sasakyang pandagat ang insidente at makahingi ng kanilang tulong sa paghahanap.
Kung mayroon kayong anumang impormasyon o posibleng nakakita kay G. Soriano, hinihikayat kayong agad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng Philippine Coast Guard o sa inyong lokal na awtoridad.
Patuloy ang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya, upang matukoy ang kinaroroonan ni G. Soriano at maibigay ang kinakailangang suporta sa kanyang pamilya.