03/09/2026
𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗟 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘, 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗟𝗠𝗠𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗦𝗛𝗢𝗣 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟
Bilang bahagi ng Tourism Month 2026, nagsagawa ang Municipal Tourism Office ng Filmmaking Workshop para sa mga mag-aaral mula sa dalawampu’t isang (21) Junior at Senior High Schools sa bayan ng San Juan nitong Miyerkules, Setyembre 2, sa New Municipal Hall.
Layunin ng programa na mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga kabataan sa filmmaking at digital storytelling, at mahikayat silang gamitin ang kanilang pagkamalikhain sa pagsasalaysay ng mga kuwento ng kanilang komunidad.
Nakiisa sa aktibidad si Municipal Administrator Atty. Hernando Sevilla, bilang kinatawan ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, na patuloy na sumusuporta sa mga programang nagbibigay ng makabuluhang oportunidad sa mga kabataan na malinang ang kanilang talento, pagkamalikhain, at kakayahan.