26/09/2024
TINGNAN: Narito ang mga larawan ng mga kawani ng ating lokal na pamahalaan kasama ang kanilang mga alaga. Kalakip din dito ang mga "quote" o kasabihan na kanilang napili tungkol sa kanilang mga alaga. Pinapakita dito ang matibay na pagsasamahan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at kanilang mga alaga na itinuturing na rin nilang kapamilya at matalik na kaibigan.
Ang "Maigeng Pagkakaibigan: Kwento ng Kawani at Alaga" ay bahagi ng selebrasyon ng ika-124 taong anibersaryo ng Serbisyo Sibil. Ang paligsahang ito ay naisakatuparan sa tulong ng MHRMO Rosario, Batangas.