05/10/2026
Nakiisa si Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor sa 2026 Batangas Environmental Summit ng Provincial Government of Batangas β Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) na may temang: βHonoring Stakeholders Partners Powering a Vibrant, Sustainable and Resilient Future: PG-ENRO @ 30 Years of Stewardshipβ ngayong Lunes, Oktubre 5, sa PonteFino Hotel, Batangas City.
Bilang bahagi ng programa, isa rin sa mga lumagda si Mayor Wendah sa Pledge of Commitment na may iisang adhikain sa lalawigan para sa makulay at matatag na kinabukasan. Masaya rin siyang nakipagkwentuhan at diskusyon sa iba pang mga mayor mula sa ibaβt ibang bayan sa lalawigan ng Batangas na dumalo sa nasabing programa.
Samantala, nakatanggap naman ng sertipiko ng pagkilala ang bayan ng Bauan dahil sa pangangalaga ng kapaligiran at aktibong pakikipagtulungan sa PG-ENRO sa pagsusulong ng biodiversity conservation, ecosystem restoration, at environmental sustainability. Pinangunahan ni Mayor Wendah ang pagtanggap sa sertipikong ito kasama sina Engr. Melvin Arevalo, Municipal Planning and Development Officer; EnP Belina Macuha-Montalbo, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer; at Gng. Mavelle De Leon, Municipal Environment and Natural Resources Officer.
Ang pagtitipon ay nagsilbing tulay upang makamit ang isang mas masigla, sustainable, at matatag na kinabukasan na binibigyang kahalagahan ang kalikasan at likas na yaman. Napatatag din dito ang ugnayan ng lahat ng katuwang sa pangangalaga sa kalikasan.