Barangay AS-IS Bauan Batangas

Directions

Barangay AS-IS Bauan Batangas Barangay As-is, Bauan, Batangas is one of the oldest barangays in CALABARZON. Barangay As-is’ name was taken from the alagasi, alternatively called “as-is.”

History shows that it was establish during the Spanish colonization of the Philippines.

MAAGA PA’Y RATSADA NA! 🌿Upang mapanatili ang kalinisan ng ating barangay, patuloy na isinasagawa ang regular na Clean-Up...
17/10/2026

MAAGA PA’Y RATSADA NA! 🌿

Upang mapanatili ang kalinisan ng ating barangay, patuloy na isinasagawa ang regular na Clean-Up Drive sa ating Barangay.

Maraming salamat po sa lahat ng Barangay Functionaries na nakiisa at tumulong upang mapanatili ang kalinisan ng ating Barangay.

Panawagan din po sa ating mga kabarangay:
Iwasan po natin ang pagtatapon ng basura sa mga daanan, lalo na sa mga drainage. Humanap po tayo ng tamang basurahan upang doon maitapon ang ating mga basura upang maiwasan ang pagbabara ng daluyan ng tubig at mapanatili ang kalinisan ng ating lugar. Hangga’t maaari din po, balutin ang mga basura sa sako o anumang matibay na lalagyan bago ilabas. Maghintay din po muna ng anunsyo bago po tayo maglabas ng Basura. Sa ganitong paraan, maiiwasan po ang pagkakalat ng basura at mapapanatili nating malinis ang ating paligid.

Sa As-is, MALINIS!🍃

Maraming salamat po. 💚

PAANYAYA SA BARANGAY ASSEMBLY 2026Magandang araw po, mga kabarangay!Ang Sangguniang Barangay ng As-is ay buong galak na ...
15/10/2026

PAANYAYA SA BARANGAY ASSEMBLY 2026

Magandang araw po, mga kabarangay!

Ang Sangguniang Barangay ng As-is ay buong galak na nag-aanyaya sa lahat ng residente na dumalo at makiisa sa ating Barangay Assembly Day – 2nd Semester, CY 2026.

📅 Petsa: Oktubre 31, 2026 (Sabado)
⏰ Oras: 9:00 ng umaga
📍 Lugar: Barangay As-is Multi-Purpose Hall

Sa temang “Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad,” layunin ng pagtitipong ito na maibahagi ang mga programa, proyekto, at mga nagawa ng ating barangay, gayundin ang mga plano para sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

Inaanyayahan po ang bawat isa na makilahok, magbahagi ng mga mungkahi, at makiisa sa mga talakayan para sa ikabubuti ng ating barangay.

Ang inyong presensya at pakikilahok ay mahalaga. Sama-sama nating palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa isang mas maunlad, ligtas, at nagkakaisang Barangay As-is.

Maraming salamat po! 💚

14/10/2026
💚💚💚
12/10/2026

💚💚💚

Magandang araw po!Isang taos-pusong pasasalamat po kay Mr. Romy Espiritu na nakapulot ng dalwang cellphone at kaagad ito...
05/10/2026

Magandang araw po!

Isang taos-pusong pasasalamat po kay Mr. Romy Espiritu na nakapulot ng dalwang cellphone at kaagad itong ibinigay sa Barangay.

Maraming salamat po, Mr. Romy Espiritu, sa inyong katapatan, kabutihang-loob, at magandang halimbawa sa ating komunidad.

Masaya po naming ibinabalita na naibalik na po sa may-ari ang cellphone. Makikita rin po sa larawan ang pagtanggap ng may-ari sa kanyang cellphone.

Muli, maraming salamat po sa inyong kabutihang-loob, Mr. Romy Espiritu.

Mabuhay po kayo! Ang Diyos na po ang bahalang magbalik ng inyong kabutihan. 🤍

02/10/2026
30/09/2026

LOCAL HIRING | CONNEX TECHNOLOGY AND INDUSTRIAL SERVICES

📍 As-is, Bauan, Batangas (CJOY Project)

Hiring:
• Helper/Laborer
• Mason – with NC II
• Electrician – with NC II
• Welder – with NC II
• Mechanical Fitter – with NC II

Requirements:
• SSS
• PAG-IBIG
• PhilHealth
• TIN ID

Interested applicants may drop off their resume at the As-is Barangay Hall.

For more information, please contact:
Rannel Reynaldo – 0956-179-2549

Grab this opportunity and apply now!

30/09/2026

‼️‼️

LOST WALLET – BAKA PO MAY NAKAPULOT

Baka po may nakapulot ng wallet ni Sir Fabian Karaan. Naiwan/nalaglag po habang sumakay ng tricycle sa tapat ng Lumina As-Is, harap ng Alfamart, papuntang Bauan Palengke.

Mga laman: ID, lisensya at pera.

Kung may nakapulot po, mangyaring makipag-ugnayan po kayo sa tanggapan ng ating Barangay o mag-comment po sa post na ito.

Malaking tulong po ang inyong pagsasauli.

Maraming salamat po!

RESPONSIBLE PET OWNERSHIP ‼️🐶🐱Magandang araw po.Pinapaalalahanan po ang lahat ng ating mga kabarangay sa Barangay As-is ...
27/09/2026

RESPONSIBLE PET OWNERSHIP ‼️🐶🐱

Magandang araw po.

Pinapaalalahanan po ang lahat ng ating mga kabarangay sa Barangay As-is na maging responsable at maingat sa pag-aalaga ng ating mga alagang hayop.

1. Huwag po nating hayaang makaalpas o gumala ang ating mga alagang hayop sa highway upang maiwasan ang pagkakalkal at pagkalat ng basura sa ating mga kalsada. Ang biglaang pagtawid nila ay maaari rin pong maging sanhi ng aksidente.

2. Huwag po nating itali ang ating mga alagang hayop, lalo na ang mga aso, sa tabi ng mga walkway o daanan. May mga pagkakataon pong bigla silang dumadamba o tumatahol kapag may taong lumalapit. Maaari itong magdulot ng pagkagulat at pagtakbo ng tao at posibleng maging sanhi ng aksidente.

3. Kung ilalabas po natin ang ating mga alagang hayop upang dumumi, mangyaring magdala ng pangdakot o panlinis. Agad po nating pulutin at itapon nang maayos sa tamang basurahan ang kanilang dumi.

Ang pagiging responsableng pet owner ay hindi lamang para sa kapakanan ng ating mga alagang hayop, kundi para rin sa kaligtasan, kalinisan at kapakanan ng ating buong komunidad. 🐾

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa!



27/09/2026

Magandang Araw po!

Mayroon po tayong hakot ng basura sa Hi-way bukas, September 28, 2026.

Maaari na po nating ilabas ang ating mga basura. Pakisigurado lamang po na ang mga ito ay nakalagay sa maayos at matibay na lalagyan upang maiwasan ang pagkakalat.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa.

Address

Bauan
4201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay AS-IS Bauan Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share