26/02/2026
𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢‼️
𝐍𝐂𝐒𝐂, 𝐍𝐢𝐥𝐢𝐧𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐩𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐓𝐌 𝐂𝐚𝐫𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬
Nilinaw ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) na walang ibinibigay na ATM card sa mga senior citizens para magamit sa pagkuha ng anumang ayuda, cash gift, o pensyon.
Kasunod ito ng kumakalat na video online ng isang content creator na sinasabing aprubado na umano ang ATM card sa bawat older person sa buong bansa.
𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝗸 𝗰𝗮𝗿𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗖𝗦𝗖 𝗮𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗿𝗶𝗻 𝘁𝗼𝘁𝗼𝗼 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗹𝗼𝘁 𝗯𝗮𝗻𝗸 𝘁𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗲𝗿.
Nais linawin ng Komisyon na ang bank transfer na sinisimulang isagawa sa mga piling rehiyon ay isa lamang opsyon ng mga senior citizens para makuha ang kanilang P10K o P100K cash gift sa ilalim ng Expanded Centenarians Act (ECA).
Layon ng bank transfer system na mapabilis ang pag-claim ng mga regalo para sa mga tumuntong sa milestone ages na 80, 85, 90, 95, at 100.
Muling nagbabala ang NCSC laban sa mga kumakalat na maling impormasyon, online man o hindi, tungkol sa mga programa at benepisyo para sa mga senior citizens.
Magtungo lamang sa opisyal na social media pages ng NCSC para sa updates at direktang makipag-ugnayan sa opisina ng Komisyon kung may katanungan tungkol sa mga programa ng pamahalaan.
Para sa agarang kasagutan at tamang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng 𝐍𝐂𝐒𝐂 sa pamamagitan ng:
📞 (02) 8567-5646
📲 0962-2743-622
📧 [email protected]
🌐 www.ncsc.gov.ph