Bautista MDRRM Office

Bautista MDRRM Office Responsible for setting the direction, development, implementation and coordination of Disaster Risk Reduction & Management of the LGU of Bautista

Bautista MDRRMC was organized under Executive Order No. 011 Series of 2013 with twenty five (25) membership from National/ Municipal Government Agencies/Offices and NGOs in accordance with Republic Act 10121 of 2010. A new organizational structure was created to ensure efficient consciousness and responsiveness in disaster preparedness, mitigation, response, relief, rehabilitation and public safety.

⚡ Thunderstorm Advisory No. 4⛈️ Moderate to occasionally heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected ...
01/06/2026

⚡ Thunderstorm Advisory No. 4
⛈️ Moderate to occasionally heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected within the next 1 to 2 hours over several areas in Pangasinan including Bautista.

Affected areas include: Bautista, Bayambang, Rosales, Urdaneta City, Lingayen, Dagupan City, Mangaldan, Malasiqui, Pozorrubio, Villasis, and nearby municipalities.

⚠️ Heavy rains are currently being experienced in parts of western and eastern Pangasinan which may persist and affect nearby areas.

🛑 Residents are advised to remain alert for possible:
• Flash Floods
• Landslides
• Strong Winds and Lightning

📢 Stay updated and take necessary precautions.

Mararanasan ng Pilipinas ang pinakamahabang araw at pinakamaikling gabi ng taon sa Hunyo 21, kasabay ng summer solstice ...
01/06/2026

Mararanasan ng Pilipinas ang pinakamahabang araw at pinakamaikling gabi ng taon sa Hunyo 21, kasabay ng summer solstice sa Northern Hemisphere. Ayon sa PAGASA, ito ang panahon kung kailan naaabot ng Araw (Sun) ang pinakahilagang bahagi ng kaulapan bago magsimula ang paggalaw nito pabalik sa timog. Samantala, magiging aktibo rin ang June Bootid meteor shower mula Hunyo 22 hanggang Hulyo 2, kung saan ang peak nito ay sa Hunyo 27 at maaari lamang makita kung maganda ang kondisyon ng himpapawid.

🌧️⚠️ BANTAY ALERT: Malakas na Ulan Dahil sa Habagat ⚠️🌧️Hi Ka-Bayan! Si Bantay, ang ating DRRM mascot, ay nagpapaalala:A...
01/06/2026

🌧️⚠️ BANTAY ALERT: Malakas na Ulan Dahil sa Habagat ⚠️🌧️

Hi Ka-Bayan! Si Bantay, ang ating DRRM mascot, ay nagpapaalala:

Ayon sa PAGASA (Hunyo 1, 2026, 11:00 AM), ang Bagyong Domeng (JANGMI) ay lumalayo, ngunit pinalalakas nito ang Southwest Monsoon o Habagat, na magdadala ng malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon hanggang midweek.

Inaashang apektadong lugar (50–100 mm o higit pa sa matataas na lugar):

Occidental Mindoro, Zambales, Bataan
Metro Manila, Cavite, Batangas
Bulacan, Pampanga, Pangasinan, La Union

⚠️ Paalala ni Bantay:

Posible ang biglaang pagbaha at landslide
Manatiling alerto sa mga coastal at low-lying areas
I-monitor ang official advisories at alerto ng LGU

💡 Tips para manatiling ligtas:
✅ Ihanda ang emergency kit at mahahalagang dokumento
✅ Iwasan ang paglalakbay sa baha o landslide-prone areas
✅ Sundin ang official advisories at info ng DRRM

🐶 Bantay Tip: "Mas mabuting maging handa ngayon kaysa magsisi bukas. Ligtas ang handang komunidad!"

🐾☀️ 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡: 𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢?Ang El Niño ay isang natural na pangyayari kung saan umiinit ang temperatura ng karagatan sa...
31/05/2026

🐾☀️ 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡: 𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢?

Ang El Niño ay isang natural na pangyayari kung saan umiinit ang temperatura ng karagatan sa gitna at silangang bahagi ng Pacific Ocean. Maaari itong magdulot ng mas mainit na panahon, kakulangan sa ulan, at matagal na tagtuyot.

⚠️ Mga posibleng epekto:
💧 Kakulangan sa suplay ng tubig
🌾 Pagbaba ng ani sa agrikultura
🐟 Pagkakaapekto sa pangingisda
🔥 Mas mataas na panganib ng sunog sa damuhan at kagubatan
🌡️ Matinding init ng panahon

🐾 Paalala ni Bantay:
"Magtipid sa tubig, maghanda sa init, at manatiling updated sa mga opisyal na abiso upang maging ligtas sa panahon ng El Niño."

✅ Maging handa.
✅ Maging matalino.
✅ Maging ligtas.




Sa panahon ng El Niño, 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗗𝗔 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼!Makibahagi sa paghahanda upang maprotektahan ang agrikultura, kabuhayan,...
31/05/2026

Sa panahon ng El Niño, 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗗𝗔 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼!
Makibahagi sa paghahanda upang maprotektahan ang agrikultura, kabuhayan, at seguridad sa pagkain ng bawat Pilipino.

🐾🌀 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang 𝗧𝘆𝗽𝗵𝗼𝗼𝗻   habang kumikilos ito pahilagang-kanluran sa kara...
31/05/2026

🐾🌀 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘

Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang 𝗧𝘆𝗽𝗵𝗼𝗼𝗻 habang kumikilos ito pahilagang-kanluran sa karagatang silangan ng Batanes.

📍 Batay sa pinakahuling ulat:
🔹 645 km Silangan ng Basco, Batanes
🔹 Lakas ng hangin: 120 km/h malapit sa gitna
🔹 Pagbugso: hanggang 150 km/h
🔹 Kumikilos North Northwestward sa bilis na 15 km/h

📢 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) na nakataas sa anumang bahagi ng bansa sa ngayon.

⚠️ Gayunpaman, patuloy na pinalalakas ng Bagyong Domeng ang Southwest Monsoon o Habagat na maaaring magdulot ng:
🌧️ Malalakas na pag-ulan
💨 Malalakas na pabugso-bugsong hangin
🌊 Maalon at mapanganib na karagatan

🟡 Tandaan: Hindi kailangang may nakataas na Wind Signal upang magkaroon ng pagbaha, pagguho ng lupa, o iba pang panganib na dulot ng matinding pag-ulan.

📲 Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso at weather updates mula sa PAGASA at MDRRMO Bautista.

🐾 Paalala ni Bantay:
"Walang Wind Signal, pero huwag kampante. Ang Habagat ay maaari pa ring magdulot ng malakas na ulan at pagbaha."




🐾🌧️ ALAM MO BA?May pagkakaiba ang Heavy Rainfall Warning at Weather Advisory.🔴 Heavy Rainfall Warning – agarang babala p...
31/05/2026

🐾🌧️ ALAM MO BA?

May pagkakaiba ang Heavy Rainfall Warning at Weather Advisory.

🔴 Heavy Rainfall Warning – agarang babala para sa susunod na mga oras at mas detalyado para sa partikular na lugar.

🟡 Weather Advisory – mas malawak na pagtataya ng lagay ng panahon para sa susunod na 24 oras.

📢 Kapag may Heavy Rainfall Warning, mas mataas ang posibilidad ng pagbaha at iba pang panganib kaya mahalagang maging alerto at handa.

Tandaan, ang tamang impormasyon ay mahalagang bahagi ng kaligtasan.

🐾 Ako si Bantay, paalala ko sa inyo:
"Babala o Abiso? Alamin ang pagkakaiba para mas handa tayo!"





🛡️🌡️ BANTAY HEAT INDEX UPDATEBautista, Pangasinan | May 31, 2026Mainit na panahon ang nararanasan sa iba’t ibang bahagi ...
31/05/2026

🛡️🌡️ BANTAY HEAT INDEX UPDATE
Bautista, Pangasinan | May 31, 2026

Mainit na panahon ang nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ayon sa pinakahuling Heat Index Forecast ng DOST-PAGASA.

Bagama’t walang direktang monitoring station sa Bautista, mahalagang manatiling alerto at handa dahil ang matinding init ay maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke, lalo na sa mga bata, senior citizens, buntis, outdoor workers, at mga may karamdaman.

🛡️ Paalala ni BANTAY:
💧 Uminom ng maraming tubig
☂️ Iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw lalo na mula 10:00 AM – 4:00 PM
👕 Magsuot ng presko at magaan na kasuotan
🏠 Humanap ng malamig o maaliwalas na lugar
👀 Bantayan ang kalagayan ng mga bata, matatanda, at alagang hayop

⚠️ Kapag nakaranas ng matinding pagkahilo, panghihina, sakit ng ulo, o hirap sa paghinga, agad na magpahinga, magpalamig ng katawan, at humingi ng kinakailangang tulong medikal.

🛡️ BANTAY SAYS:
"Hindi lang sa bagyo dapat handa — maging maingat din sa matinding init ng panahon!"

Maghanda Ngayon, Maging Ligtas Bukas!



🛡️🚨 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | Typhoon   (JANGMI)Magandang araw, Bautista!Patuloy nating binabantayan ang galaw ng Typhoon ...
31/05/2026

🛡️🚨 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | Typhoon (JANGMI)

Magandang araw, Bautista!

Patuloy nating binabantayan ang galaw ng Typhoon (JANGMI) na kasalukuyang kumikilos pahilagang-hilagang kanluran sa silangan ng Batanes.

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, wala pang Tropical Cyclone Wind Signal na nakataas sa bansa. Gayunpaman, ang pinalalakas na Habagat (Southwest Monsoon) at ang epekto ng bagyo ay maaaring magdala ng malalakas na pagbugso ng hangin at pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

📌 Paalala ni BANTAY:
✅ Manatiling updated sa official weather bulletins
✅ I-secure ang mga gamit at paligid ng bahay
✅ Ihanda ang inyong Go Bag at emergency essentials
✅ Maging alerto sa posibleng epekto ng malakas na ulan, hangin, at pagbaha

Ang MDRRMO Bautista ay patuloy na nagmo-monitor ng sitwasyon para sa kaligtasan ng ating komunidad.

🛡️ BANTAY SAYS:
"Maghanda Ngayon, Maging Ligtas Bukas!"




Address

Bautista
2424

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bautista MDRRM Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bautista MDRRM Office:

Share