18/08/2026
Isinagawa ngayon Agosto 18, 2026 ang Sangguniang Bayan Legislative Capacity Enhancement and Strategic Planning Workshop bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kaalaman, kakayahan, at kahandaan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa kanilang tungkulin sa paglilingkod sa mga Bayeño.
Nagbigay ng gabay at mahahalagang kaalaman si DILG MLGOO ng Bay, Mr. Jayson Chavez, kasama ang ating guest speaker na si MLGOO ng Lobo, Batangas, Sir Brian B. Ballon.
Sa pamamagitan ng workshop na ito, layunin ng Sangguniang Bayan na higit pang mapahusay ang proseso ng paggawa ng mga ordinansa at resolusyon, mapalakas ang legislative functions, at makapaglatag ng mas malinaw na mga hakbang at plano para sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng Bay.
The Garden Capital of Laguna
Para sa tuloy-tuloy na pagsulong sa Bayan ng Bay!