DILG Bay-Laguna

DILG Bay-Laguna Matino, Mahusay at Maaasahang Kagawaran para sa Mapagkalinga at Maunlad na Pamahalaang Lokal

30/05/2026
Congratulations Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay. Ideal Functionality of the Local Councils for the Protection of Chi...
27/05/2026

Congratulations Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay. Ideal Functionality of the Local Councils for the Protection of Children. Social Welfare and Development Office Bay, Laguna Mosa Soriano Aivin Nuguid

26/04/2026

ALAM N’YO BA? | MAY MEMORANDUM CIRCULAR NA ANG SAFER CITIES INITIATIVE

Pinagtibay ng Kagawaran ang pampublikong seguridad sa pamamagitan ng Safer Cities Initiative. Inilabas noong ika-8 ng Abril ang Memorandum Circular 2026-029, “Encouraging the Enactment of Local Ordinances for Safer Cities: A Call to Action for Local Government Units.” Layunin nitong lalo pang palakasin ang presensya ng mga pulis sa mga urban areas. Hinihikayat ng MC na ito na magkaroon ng istriktong pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa kontra sa pag-inom ng alak, paghuhubad, at masyadong pag-iingay sa mga pampublikong lugar. Pakay din ng MC na ito na magkaroon ng mas istriktong curfew para sa mga menor de edad.

Nakasaad din sa MC na ito ang mga sakop na batas at ordinansa na magsusuporta sa inisyatibo ng Kagawaran.

Basahin ang buong Memorandum Circular sa link na ito: https://tinyurl.com/bddkbt98

09/04/2026
09/04/2026

PRESS RELEASE | ‘NO EXCUSES ON TURNOVER’: DILG URGES EARLY INVENTORY PREPARATIONS FOR BARANGAYS, SKs

Months ahead of the 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), the Department of the Interior and Local Government (DILG) has directed all barangay and SK officials nationwide to begin early inventory and turnover preparations to ensure seamless governance at the grassroots.

Full link to story in comments.


06/04/2026

Taos-pusong nakikiramay ang DILG Laguna sa pagpanaw ng butihing Punong Bayan ng Bay, Laguna, Hon. Jose O. Padrid.

Kaisa kami ng kanyang pamilya, mga mahal sa buhay, at ng buong sambayanan ng Bay sa panahong ito ng pagdadalamhati. Ang kanyang pagpanaw ay isang malaking pagkawala hindi lamang sa kanyang nasasakupan kundi sa buong larangan ng serbisyo publiko.

Lubos ang aming pasasalamat sa kanyang tapat, mahusay, at puspusang paglilingkod. Ang kanyang dedikasyon at malasakit sa kapakanan ng bawat Bayeño ay hindi matatawaran.




TAOS-PUSONG PAKIKIRAMAYLubos po ang aming pakikiramay sa naiwang pamilya ni Mayor Jose O. Padrid. Sa gitna ng inyong pag...
05/04/2026

TAOS-PUSONG PAKIKIRAMAY

Lubos po ang aming pakikiramay sa naiwang pamilya ni Mayor Jose O. Padrid. Sa gitna ng inyong pagdadalamhati, nawa’y magsilbing lakas at pag-asa ang alaala ng kanyang marangal na buhay at tapat na paglilingkod.

Ang kanyang kabutihan, malasakit, at pagmamahal sa bayan ay mananatiling gabay at inspirasyon hindi lamang sa Bay, kundi lalo na sa inyong pamilya na kanyang naiwan.

Nawa’y pagkalooban kayo ng Panginoon ng kapanatagan, lakas ng loob, at pag-asa sa mga panahong ito ng pagluluksa.



Sa lahat ng mga lingkod-bayan ng Pamahalaang Bayan ng Bay, nawa’y magsilbing inspirasyon ang payak na pamumuhay at mahusay na pamumuno upang ipagpatuloy ang nasimulang mga adhikain. Ang dedikasyon at integridad sa serbisyo publiko nawa ay magsilbing ilaw sa ating patuloy na pagtupad sa tungkulin para sa kapakanan ng mamamayan.



Sa mga mamamayan ng Bay, sama-sama po nating alalahanin at ipagpasalamat ang mga makabuluhang ambag sa pag-unlad ng ating bayan. Nawa’y ipagpatuloy natin ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at aktibong pakikilahok sa pagpapaunlad ng ating komunidad—bilang pagpupugay sa kanyang iniwang pamana.

Kasama po ninyo kami sa panalangin.
Mula sa DILG Bay, Laguna

05/04/2026

PABATID PUBLIKO

Ipinababatid po sa lahat ng mamamayan ng Bayan ng Bay ang pagpanaw ngayong araw ng ating Punumbayan, Kgg. Jose O. Padrid.

Si Mayor Padrid ay naglingkod sa ating bayan nang may buong katapatan, malasakit, at dedikasyon. Sa kanyang pamumuno, naipatupad ang iba't-ibang programa at proyektong naglalayong mapaunlad ang ating komunidad at mapabuti ang kapakanan ng bawat Bayeños.

Kaugnay nito, ang Lokal na Pamahalaan ng Bay ay nakikiisa sa kanyang naiwang pamilya sa panahong ito ng pagdadalamhati.

Ang mga detalye ukol sa mga susunod na anunsyo, kabilang ang mga kaukulang seremonya, ay ipababatid sa mga susunod na araw.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa panalangin para sa kapayapaan ng kaniyang kaluluwa.

Maraming salamat po.

28/03/2026
ARD Francis Barquilla III
27/01/2026

ARD Francis Barquilla III

Address

Municipality Of Bay
Bay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DILG Bay-Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share