10/08/2026
BUWAN NG WIKA AT KP...
Ngayong Buwan ng Wika, gusto ko lang magpaalala sa ating mga Lupon at barangay officials:
Sa pag-aayos ng problema sa barangay, mahalagang naiintindihan ng magkabilang panig ang kanilang pinagkakasunduan.
Hindi naman kailangang malalim o puro legal na salita ang gamitin. Kung mas madaling maintindihan sa Filipino o sa sariling wika ng mga partido, iyon ang gamitin natin.
Kapag gumagawa ng kasunduan, siguraduhin nating malinaw kung ano ang napag-usapan, ano ang mga obligasyon ng bawat isa, at kung ano talaga ang kanilang pinirmahan.
Dahil hindi porke't may pirma, ibig sabihin ay naiintindihan na agad ng lahat.
Ang tunay na kasunduan ay iyong naiintindihan ng bawat panig at kusang-loob nilang tinatanggap.
Kaya ngayong Buwan ng Wika, gamitin natin ang wikang mas naiintindihan ng ating mga kabarangay.
Simple lang ang prinsipyo:
Kung malinaw ang salita, mas malinaw ang kasunduan. At kung malinaw ang kasunduan, mas malapit tayo sa tunay na katarungan.