13/10/2026
FAKE PERSON WITH DISABILITY ID? I-report agad!
Ang paggamit ng pekeng Person with Disability ID ay hindi lamang paglabag sa batas. Inaabuso rin nito ang mga benepisyo at pribilehiyong nakalaan para sa mga taong tunay na nangangailangan gayundin sa mga negosyong sumusunod sa batas.
Kung may mapansing kahina-hinalang Person with Disability ID o posibleng maling paggamit nito, agad itong i-report sa National Council on Disability Affairs (NCDA), lokal na Persons with Disability Affairs Office (PDAO), o pinakamalapit na law enforcement agency.
Sa pamamagitan ng responsableng pag-uulat, makakatulong tayong protektahan ang karapatan ng mga person with disability at matiyak na napapakinabangan ng mga tunay na kwalipikado ang mga benepisyong nakalaan para sa kanila.
โค๏ธ