Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay

Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay Ang pahinang ito ay para sa bawat bayeños. Magbibigay impormasyon tungkol sa kaganapan at serbisyo ng ating lokal na pamahalaan.
(3)

02/09/2026
01/09/2026

Ang ika-4 na araw ng selebrasyon ng Fiesta Bayeña - The Garden Festival 2026. Mula sa pagpili ng mga numero sa Bayanihan sa limang barangay hanggang sa Gabi ng Bayeños na dinagsa at talaga namang naghatid ng saya bago sumapit ang Kapistahan.

Na-LSS ka din ba sa mga inawit ni Michael Pangilinan at ng December Avenue? Sumakit ba ang tiyan mo kakatawa kina Donita Nose at Tekla? 😀

Pasasalamat po sa lahat ng mga nakibahagi at nakisaya mula sa ating butihing Punong Bayan Michael M. Punzalan at Sangguniang Bayan.

"Malasakit sa Paglilingkod, Susi sa Tuloy-tuloy na Pagsulong sa Bayan ng Bay"

Ngayong unang araw ng Setyembre, 2026 ay ginanap ang Oath Taking Ceremony sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan M...
01/09/2026

Ngayong unang araw ng Setyembre, 2026 ay ginanap ang Oath Taking Ceremony sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Michael M. Punzalan, para sa ating mga empleyadong nagpakita ng sipag, dedikasyon, at mahusay na paglilingkod.

Ang inyong pagsusumikap ay tunay na karapat-dapat kilalanin at ipagdiwang. Nawa'y magsilibi itong inspirasyon upang patuloy na gampanan ang inyong mga tungkulin nang may husay at puso.

"Malasakit sa Paglilingkod, Susi sa Tuloy-tuloy na Pagsulong sa Bayan ng Bay"

REVIEW AND EVALUATION OF ORGANIC AGRICULTURE LIVELIHOOD PROGRAM (OALP) FOR FUNDING IN 2028Lipa City, BatangasAugust 28, ...
01/09/2026

REVIEW AND EVALUATION OF ORGANIC AGRICULTURE LIVELIHOOD PROGRAM (OALP) FOR FUNDING IN 2028
Lipa City, Batangas
August 28, 2026

Ang Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Bay sa pamumuno ni Kgg. Michael M. Punzalan, Punong-bayan ng Bay, Laguna, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor kasama ang Puypuy Farmers Association Incorporated ay matagumpay na naiharap ang kanilang panukalang proyekto para sa Organic Agriculture Livelihood Program (OALP) ng DA RFO IV-A (CALABARZON) noong Agosto 28, 2026 sa Lipa City, Batangas.

Target ng nasabing proposal na makakuha ng pundasyon at suportang pampinansyal para sa taong 2028 upang mas mapalawak at mapaunlad ang organic agriculture sa ating bayan.

Nagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaan sa DA RFO IV-A (CALABARZON) sa patuloy na pagbukas ng pinto para sa ating mga lokal na bayani ng lupang sakahan.

Malasakit sa Paglilingkod, susi sa tuloy-tuloy na Pagsulong sa Bayan ng Bay!

𝑱𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑳𝑯𝑩-𝑳𝑪𝑨𝑷𝑺𝑺𝑺 𝑴𝒆𝒆𝒕𝒊𝒏𝒈Sa pangunguna ni Hon. Mayor Michael M. Punzalan, isinagawa ang Joint Local Housing Board (LHB) ...
01/09/2026

𝑱𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑳𝑯𝑩-𝑳𝑪𝑨𝑷𝑺𝑺𝑺 𝑴𝒆𝒆𝒕𝒊𝒏𝒈
Sa pangunguna ni Hon. Mayor Michael M. Punzalan, isinagawa ang Joint Local Housing Board (LHB) and Local Committee Against Squatting Syndicates and Professional Squatters (LCAPSSS) Meeting noong August 20, 2026. Tinalakay sa meeting ang mahahalagang updates, issues, at concerns kaugnay ng housing at informal settler families (ISFs) sa Municipality of Bay.
Kabilang sa mga pangunahing agenda ang approval ng 2nd Quarter LHB–LCAPSSS Minutes of the Meeting, updates sa Balai Housing Project, at management ng mga ISFs sa waterways, PNR areas, at Mariangbukid. Tinalakay rin ang mga issues and concerns sa Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRPP) at ang updates sa mga NHA Socialized Housing Projects.
Binigyang-pansin din ang mga programa at activities ng LCAPSSS, kabilang ang mga hakbang laban sa squatting syndicates at professional squatters, gayundin ang pagpapatuloy ng Information, Education, and Communication (IEC) Campaign upang mapataas ang awareness ng mga residente tungkol sa housing policies, programs, at responsibilities.

𝐏𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐂𝐀𝐋 𝐙𝐎𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐎𝐀𝐑𝐃 𝐎𝐅 𝐀𝐏𝐏𝐄𝐀𝐋𝐒 (𝐋𝐙𝐁𝐀)Noong Augusto 25, 2026, ganap na ika-10:00 ng umaga, isinagawa ang pagpupu...
01/09/2026

𝐏𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐂𝐀𝐋 𝐙𝐎𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐎𝐀𝐑𝐃 𝐎𝐅 𝐀𝐏𝐏𝐄𝐀𝐋𝐒 (𝐋𝐙𝐁𝐀)
Noong Augusto 25, 2026, ganap na ika-10:00 ng umaga, isinagawa ang pagpupulong ng Local Zoning Board of Appeals (LZBA) ng Bayan ng Bay upang dinggin at talakayin ang mga apela, aplikasyon para sa variance at exception, at iba pang kahilingang may kaugnayan sa pagpapatupad ng umiiral na Zoning Ordinance.
Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang mga aplikasyon ng KMVG Consumer Goods Trading, Bukana Bay Cafe, Paul’s Water Refilling Station, JEG Legacy Holdings Inc., at i30 Degree Electrical Engineering Services, gayundin ang mga panukalang proyekto na One (1) Storey Commercial Building at One (1) Residential Unit with Pool, na sumailalim sa masusing pagsusuri alinsunod sa Zoning Ordinance, Comprehensive Land Use Plan (CLUP), at iba pang umiiral na batas at regulasyon. Ang mga nasabing aplikasyon ay sumailalim sa kaukulang deliberasyon at pagpapasya batay sa itinakdang proseso ng batas, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng maayos, ligtas, at planadong pag-unlad ng Bayan ng Bay.

Ngayong National Heroes Day o Pambansang Araw ng mga Bayani, pinangunahan ng ating butihing Punong Bayan Michael M. Punz...
31/08/2026

Ngayong National Heroes Day o Pambansang Araw ng mga Bayani, pinangunahan ng ating butihing Punong Bayan Michael M. Punzalan ang pagbisita sa permanent evacuation center sa Brgy. Dila, Bay Central Elementary School, Calo Elementary School at Kabaritan Evacuation Center.

Kasabay nito ang paghahatid ng malinis na inuming tubig at champorado na pinagsaluhan ng mga evacuees na naapektuhan ng monsoon rains o habagat.

Katuwang sa inisyatibang ito ang mga staff ng Municipal Mayor's Office, Batang Bae, Municipal Social Welfare & Development Office (MSWDO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), mga barangay officials at Sangguniang Bayan.

"Malasakit sa Paglilingkod, Susi sa Tuloy-tuloy na Pagsulong sa Bayan ng Bay"

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Fiesta Bayeña - The Garden Festival 2026, sa patnubay at gabay ng ating pursigido at but...
31/08/2026

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Fiesta Bayeña - The Garden Festival 2026, sa patnubay at gabay ng ating pursigido at butihing Punong Bayan Michael M. Punzalan, matagumpay na naisagawa ang Binibining Bay 2026, isang makabuluhang pagdiriwang ng kagandahan, talino, kumpiyansa, at pagmamalaki sa pagiging isang tunay na kabataang Bayeña.

Sa temang “Debosyon at Kalakalan, Para sa
Turismong Inaangat ng Mamamayan”, itinampok sa ikatlong gabi ang mga
natatanging katangian ng kababaihan ng Bay na may pusong naglilingkod, may
paninindigan, at may kakayahang maging katuwang sa patuloy na pag-unlad ng
bayan at turismo.

Narito ang mga nagwagi:

BINIBINING BAY 2026
Bb. Grace Tiffany Urizza (Barangay Calo)

1st Runner Up - Bb. Mary Colleene Anne
Alcantara (Barangay San Agustin)

2nd Runner Up - Bb. Shaimaa Ahmed Khalil
(Barangay San Antonio)

3rd Runner Up - Bb. Ferocy Punzalan
(Barangay Tranca)

4th Runner Up - Bb. Daniella Santiago
(Barangay Dila)

Sa lahat ng kandidata, maraming salamat sa
inyong tapang, dedikasyon, at pakikiisa sa isang makabuluhang pagdiriwang ng
kagandahan at pagiging Bayeña. Ang bawat isa ay tunay na nagningning at naging
bahagi ng isang gabing hindi malilimutan.

The Garden Capital of Laguna

"Malasakit sa Paglilingkod, Susi sa
Tuloy-tuloy na Pagsulong sa Bayan ng Bay"

31/08/2026
Sa ikatlong araw ng Fiesta Bayeña 2026, isang masaya at matagumpay na Fun Run for a Cause mula sa Liwasang Arrieta ang i...
30/08/2026

Sa ikatlong araw ng Fiesta Bayeña 2026, isang masaya at matagumpay na Fun Run for a Cause mula sa Liwasang Arrieta ang inorganisa ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay na pinangunahan ng gabay at buong suporta ng ating butihing Punong Bayan Michael M. Punzalan katuwang ang Sangguniang Bayan. Layunin nito na makakalap ng pondo na ibibigay sa ating simbahan para makatulong sa pagpapagawa ng kampanaryo.

Idinaos din sa church grounds ang Landscape Competition kung saan nagtagisan ng galing sa garden design ang ating mga kababayan.
Agad itong sinundan ng Sayaw ng Lahi: Indak Pinoy na handog para sa ating mga senior citizens.
Tampok din sa album na ito ang mga larawan ng mga booth na idinisenyo ng iba't-ibang samahan at grupo ng mga Bayeños at Bayeñas.

Maraming salamat po sa lahat ng nakilahok at nakiisa sa mga programang inihanda ng ating lokal na pamahalaan para sa araw na ito.

"Malasakit sa Paglilingkod, Susi sa Tuloy-tuloy na Pagsulong sa Bayan ng Bay"

Address

F. Arietta Park
Bay
4033

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category