06/06/2025
**PAANYAYA PARA SA BRIGADA ESKWELA 2025**
Tema: Sama-sama para sa Bayang Bumabasa
Petsa: Hunyo 9–13, 2025
Lugar: Malimpec Elementary School
Sa ngalan ng Malimpec Elementary School, taos-puso po kaming nang-aanyaya sa mga magulang, tagapag-alaga, alumni, barangay officials, pribadong sektor, at iba pang mga katuwang sa edukasyon na makiisa sa taunang Brigada Eskwela na gaganapin mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 13, 2025.
Ang Brigada Eskwela ay isang bayanihang gawain na layuning paghandaan ang ligtas, maayos, at makabuluhang pagbubukas ng klase para sa taong panuruan 2025–2026. Sa ilalim ng temang "Sama-sama para sa Bayang Bumabasa,” ating pagtutulungan ang pagpapaunlad ng mga pasilidad at kapaligiran ng paaralan upang lalong mahikayat ang pagbabasa at pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Ano ang maaari ninyong maiambag?
✅ Pagbibigay ng school supplies, libro, o reading materials
✅ Donasyon ng pintura, walis, timba, o iba pang cleaning materials
✅ Pagsali sa paglilinis, pag-aayos, at pagpipinta ng mga silid-aralan
✅ Pagtulong sa minor repairs ng mga pasilidad
✅ Pagbabahagi ng inyong oras, serbisyo, at suporta sa anumang paraan
Ang inyong munting tulong ay may malaking ambag sa paghubog ng isang ligtas, malinis, at makabuluhang lugar-aralan para sa ating mga batang mag-aaral.
Tara na’t makiisa! Sama-sama nating buuin ang isang paaralang tunay na para sa batang bumabasa.
Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan lamang sa opisina ng punong-guro ng Malimpec Elementary School.
Maraming salamat po at mabuhay ang ating pagkakaisa para sa edukasyon!