Brgy.Buenlag 1st council Balon Bayambang

Brgy.Buenlag 1st council Balon Bayambang buenlag brgy.council

30/07/2026

“Para sa akin, ang tunay na lider ay hindi lamang nagbibigay ng utos—dapat marunong din siyang manguna at makiisa sa bawat gawain para sa ating barangay. ❤️

Kasama sina Kagawad Katoy Bernardo,Marlon Junio,kgd Gerry Erfe at Buong Council pati si Brgy.Tanod Regie Valdivia , Doming Ubando Pilong Ubando patuloy nating isinusulong ang paglilinis at pagpapaganda ng ating Barangay.
Maraming salamat sa inyong sipag, oras, dedikasyon, at malasakit sa ating komunidad. 👏

Hinihikayat ko rin ang bawat isa na makiisa. Sama-sama nating panatilihing malinis ang ating paligid, itapon ang basura sa tamang lalagyan, at pangalagaan ang ating barangay.

Ang malinis at maayos na Barangay ay hindi lamang tungkulin ng mga namumuno—responsibilidad nating lahat. Sama-sama, bayanihan para sa mas malinis, mas maayos, at mas magandang Barangay Buenlag 1st ! 🇵🇭🌿

— Laureano “Onong” Junio
Punong Barangay

10/06/2026
10/06/2026
10/06/2026
10/06/2026

PAALALA

Nais naming ipabatid sa publiko na ang Admission Test ng Bayambang Polytechnic College (BPC) ay LIBRE. Hinihikayat namin ang lahat na huwag maniwala sa mga kumakalat na maling impormasyon na nagsasabing may bayad ang pagsusulit o admission process ng kolehiyo.

Pinapaalalahanan din namin ang lahat na ang pag-aaral sa BPC ay nananatiling abot-kaya at naaayon sa layunin nitong mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang bawat kabataan. Ang lahat ng residente ng Bayambang ay tumatanggap ng 100% Tuition Fee Subsidy, samantalang ang mga mag-aaral mula sa ibang bayan ay may
50% discount sa tuition fee.

Tanging miscellaneous fees lamang ang binabayaran ng mga estudyante, at ito ay hindi lalampas sa ₱2,000 kada semestre.
Para sa iba pang impormasyon at paglilinaw, maaari po kayong direktang bumisita sa Tanggapan ng Registrar ng BPC. Huwag pong basta maniwala sa mga haka-haka, maling balita, at mga impormasyong walang opisyal na batayan.

Nais din naming magbigay ng mahigpit na babala sa mga indibidwal na sadyang nagpapakalat ng maling impormasyon na maaaring makasira sa reputasyon ng institusyon at makapanlinlang sa publiko. Ang sinumang mapatutunayang gumagawa nito ay maaaring managot sa ilalim ng umiiral na batas.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta!

-BPC Administration
June 09, 2026

brigada eskwela of  buenlag elementary school with the 4ps🥰🥰🥰
10/06/2026

brigada eskwela of buenlag elementary school with the 4ps🥰🥰🥰

first day of school at our own day care🥰🥰🥰🥰
10/06/2026

first day of school at our own day care🥰🥰🥰🥰

10/06/2026

Address

Buenlag 1st
Bayambang
2423

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy.Buenlag 1st council Balon Bayambang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Brgy.Buenlag 1st council Balon Bayambang:

Shortcuts

Share