30/09/2026
Monday Flag Ceremony | September 28, 2026
LGU-Bayambang, Kampeon sa Coach A Inter-Agency Basketball Tournament 2026
Kinilala ni Mayor Niña Jose-Quiambao at ng LGU-Bayambang ang Team Bayambang matapos magkampeon sa Coach A Inter-Agency Basketball Tournament 2026 sa San Carlos City noong Setyembre 26.
Iginawad din ang individual awards kina Rex Chico bilang MVP, Christian Sabangan bilang Best Forward, at Eric Esteban bilang Best Center.
Pinangunahan ni Head Coach Marvin Campos ng Sangguniang Bayan, kasama sina Assistant Coaches Coun. Zerex Terrado at Dennis Aldrin Malicdem ng HRMO. Nagpasalamat ang team sa suporta ni Mayor Niña at Team Managers na sina Councilor Zerex Terrado, Councilor Rhyan de Vera, at SK President John Roy Jalac.
📖 “Million Reasons Why Bayambang Is the Place Where the Best Things Happen”
Opisyal ding inilunsad ang bagong coffee-table book ng Bayambang bilang tampok na bahagi ng Tourism Month 2026 culminating activity.
Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang unveiling kasama sina Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Tourism Officer Dr. Rafael L. Saygo, BMCCA Executive Director Prof. Januario Cuchapin, at Media Affairs Officer Dr. Leticia Ursua.
Tampok sa aklat ang mga kuwento, tanawin, kultura, tradisyon, pagkain, personalidad, at tagumpay na bumubuo sa pagkakakilanlan ng Bayambang.
Healthiest Department Winners, Kinilala
Kinilala rin ang mga nagwagi sa Healthiest Department Assessment ng LGU-Bayambang na naglalayong itaguyod ang kalusugan, wastong nutrisyon, at aktibong pamumuhay sa workplace.
Small Department: Champion, Municipal Nutrition Action Office (MNAO)
Medium Department: Municipal Accounting Office at Barangay Accounting Office
Large Department: Municipal Agriculture Office
Pinangunahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at kasama ang Sangguniang Bayan at Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, ang paggawad ng parangal.
Tourism Month 2026 Contest Winners
Pangasinan Poetry Contest: Champion, Mhealyn Pirtz Puno; 1st Place, Jellaica Reign Velasco; 2nd Place, Princecs Joy Mejia.
Quiz Bee: Champion, Sapang Elementary School; 1st Place, Maigpa Elementary School; 2nd Place, Wawa Elementary School.
Painting Contest: Champion, Zachary Van Turingan; 1st Place, Jeo Moranos; 2nd Place, Gerardo M. Roque.
Patuloy na ipinapakita ng mga aktibidad na ito ang talento, pagkakaisa, kalusugan, at pagmamalaki ng mga Bayambangueño sa kanilang bayan.