03/09/2026
Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat.
Aming ibinabalita ang ating barangay ay magkakaroon ng pamamahagi ng Calamity Fund para sa bawat sambahayan (per household) upang kahit paano ay makapaghatid ng kaunting tulong at relief sa mga pamilya.
Araw: Biyernes
Oras: 8:00 AM
Lugar: Arenas Gym
Nais po sanang maging tapat at bukas sa ating lahat. Ang atin pong calamity fund sa kasalukuyan ay limitado lamang at hindi ganun kalakihan. Dahil dito, ginawa natin ang lahat ng makakaya upang mapagkasya ito, ngunit batid po natin na maaaring hindi agad makatanggap ang bawat pamilya sa pagkakataong ito.
Hinihingi po ang inyong malawak na pag-unawa at kooperasyon.
Asahan ninyong patuloy tayong gumagawa ng paraan at naghahanap ng karagdagang suporta upang sa mga susunod na pagkakataon ay mas marami pa tayong matulungan.
Maraming salamat po sa inyong tiwala, pasensya, at patuloy na pakikiisa para sa ating barangay. Mag-iingat po tayong lahat!